Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pinahukay ng mga otoridad ng ilang bangkay sa Public Cemetery sa Laurel, Batangas
00:04sa umano yung salvage victims.
00:06Ayon sa Department of Justice, bahagi ito ng kanilang paghanap sa mga nawawalang sabongero.
00:10May unang balita si Ian Cruz.
00:15May nakitang mga buto ang mga otoridad sa kanilang paghukay sa isang bahagi ng Public Cemetery sa Laurel, Batangas.
00:22Hinala ng otoridad, mga buto ito ng tao.
00:26Ayon sa sepultorero na nakausap natin tatlong bangkay, yung nilibing niya sa bahaging ito ng Public Cemetery dito sa Laurel, Batangas.
00:34Ayon sa kanya, hindi magkakasabay yung paglilibing niya dahil magkakahiwalay daw na natagpuan doon sa isang bulbunduking bahagi ng bayang ito yung mga bangkay.
00:45At yung iba naman ay doon pa sa ibang area.
00:47At inatasan lamang daw siya na ilibinga dito sa lugar na ito yung mga bangkay.
00:53At sa ngayon naman ay aalamin ng mga otoridad kung yung bang mga inilibing na bangkay dito ay may koneksyon doon sa mga hinahanap na mga nawawalang sabongero.
01:02Ayon sa sepultorero, inilibing niya ang labi, may tatlo hanggang apat na taon na ang nakakaraan.
01:08At sa pagkakaalam niya, mga salvage victim ito.
01:11Tila matagal na rin daw patay nang sila ay matagpuan.
01:14Habang naguhukay, nakabantay sa lugar ang mga taga-forensic group ng PNP.
01:36Naroon din ang mga taga-CIDG, ang pangunahin nag-iimbestiga at local police para sa siguridad.
01:41May dagdag pwersa pa ng Provincial Mobile Force Company ng Batangas Police na dumating para i-secure ang lugar.
01:49Inilagay ng forensic team sa body bag ang mga nahukay na buto.
01:52Ipoproseso ito at kukuha na ng DNA profile para malaman ang pagkakakilanlan ng mga ito.
01:59Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, ang paghukay ay bahagi ng bisigasyon sa nawawalang sabongero.
02:06There were some victims found in 2020 that were just buried by the police because nobody claimed them in the pulinaria.
02:16We are assuming them now.
02:17We are setting up the DNA bank that we need to set up because precisely of those people who are missing.
02:23Si Interior Secretary John Vic Remulia nangakong wala silang sasantuhin kaugnay ng kaso.
02:28Dahan-dahan talaga nilang tinatahi lahat yan.
02:31Pag may natahila nila, kami na General Torrey ang mag-aaresto sa kanila kung siya naman sila.
02:36And I repeat, no sacred cows.
02:38Ito ang unang balita. Ian Cruz para sa GMA Integrated News.