Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Pag-aalauna ng hapon, may nakitang mga buto ang mga otoridad sa kanilang pag-ukay sa isang bahagi ng Public Cemetery sa Laurel, Batangas.
00:43Hinala ng otoridad, mga buto ito ng tao.
00:47Ayon sa sepultorero na nakausap natin tatlong bangkay, yung nilibing niya sa bahaging ito ng Public Cemetery dito sa Laurel, Batangas.
00:54Ayon sa kanya, hindi magkakasabay yung paglilibing niya dahil magkakahiwalay daw na natagpuan doon sa isang bulbunduking bahagi ng bayang ito yung mga bangkay.
01:05At yung iba naman ay doon pa sa ibang area.
01:07At inatasan lamang daw siya na ilibing nga dito sa lugar na ito yung mga bangkay.
01:13At sa ngayon naman ay aalamin ng mga otoridad kung yung bang mga inilibing na bangkay dito ay may koneksyon doon sa mga hinahanap na mga nawawalang sabongero.
01:23Ayon sa sepultorero, inilibing niya ang labi, may tatlo hanggang apat na taon na ang nakakaraan.
01:28At sa pagkakaalam niya, mga salvage victim ito. Tila matagal na rin daw patay nang sila ay matagpuan.
01:35Mabaho na.
01:37Matagal na siyang natagpuan doon?
01:39Huwag na inuud ng iba. Basta dinideliver na sa akin yun.
01:44Inabi sa lang ako sa akin, piniliver ko sa akin na mag-redicate mayroong salvage na ililibing tayo.
01:50Habang naguhukay, nakabantay sa lugar ang mga taga-forensic group ng PNP.
01:56Naroon din ang mga taga-CIDG ang pangunahin nag-iimbestiga at local police para sa siguridad.
02:02Bandang hapon, may dagdag pwersa pa ng Provincial Mobile Force Company ng Batangas Police na dumating para isecure ang lugar.
02:10Inilagay ng forensic team sa body bag ang mga nahukay na buto.
02:13Ipo-proseso ito at kukuha na ng DNA profile para malaman ang pagkakakilanlan ng mga ito.
02:20Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, ang paghuhukay ay bahagi ng investigasyon sa nawawalang sabongero.
02:26There were some victims found in 2020 that were just buried by the police because nobody claimed them in the pulinaria.
02:36We are assuming them now. We are setting up the DNA bank that we need to set up because precisely of those people are missing.
02:44Si Interior Secretary John Vic Remulia nangakong wala silang sasantuhin kaugnay ng kaso.
02:49Dahan-dahan talaga nilang tinatahi lahat yan. Pag may natahina nila, kami hindi na General Torrey ang mag-aaresto sa kanila kung sino man sila.
02:57And I repeat, no sacred cows.
02:59Isang linggo nang gumugulong ang search and retrieval operation sa Taal Lake.
03:03Kanina, magang nagtungo sa dive site ang mga diver ng PCG, dala ang kanilang remotely operated vehicle o ROV.
03:11Walang nakuhang kakaibang bagay ang mga otoridad ngayong araw.
03:15Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
03:19Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:23Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.