Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/16/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pansamatala ang binuksan ng floodgates sa Manila Yacht Club para makatulong na ipsan ang pagbaha sa ilang bahagi ng Maynila ngayong may bagyo.
00:11At sa Cebu, nagdulot ng mataas na pagbaha ang malalakas na ulaan.
00:16Saksi, si Danoting Cungco.
00:18Abot dibdib ang baha pero sumuong pa rin ang ilang residente sa bahagi nito ng barangay Basak, Pardo sa Cebu City ngayong araw.
00:31Dahil sa walang humpay na pagulan, marami sa mga bahay ang pinasok ng tubig.
00:35Mabilis din naipon ang baha sa Colon Street kung saan may pila ang mga tumirik na motorsiklo.
00:40Tuloy naman sa pamamasada ang isang kalesa.
00:43Pinasok din ang tubig ang mga tindahan kaya naging abala sa paglilines sa mga staff.
00:47Pumagos ang baha sa Hungkera Street at inanod ang mga basura.
00:51May malawak ang pagbaha rin sa Talisay City tulad sa barangay Lagtang at sa labas ng Tabunok Elementary School.
00:57Napalusong ang mga motorista.
00:59Ganon din sa Lapu-Lapu City kung saan umaalo ng tubig sa pagdaan ng mga sasakyan.
01:04Sa Mandawi City, marami ang stranded sa paghihintay na tumila ang ulan.
01:08Dahil sa taas ng baha, halos hindi madaanan ang ilang kalsada.
01:11Ayon sa pag-asa, habagat ang nagpapaulan sa iba't ibang bahagi ng Cebu
01:15habang nagdadala na ng pagulan sa Sorsogon ng Tropical Depression increasing gaya sa Bayan ng Bulan.
01:21Pinag-iingat ang pungapalao at lalo na ang mga maliliit na bangka.
01:25Sa Quezon City naman, natukoy na ang sanhinang pagbaha sa kanto ng Batasan Road at Commonwealth Avenue.
01:29Ito ang pagbara ng footing wall ng MRT 7 at mga basura sa outlet o daanan ng drainage.
01:35Inaalam ng MMDA kung tamang impormasyon ng QC government na nakabara rin ang debris mula sa construction.
01:41Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng MRT 7 contractor at ng Transportation Department.
01:47Bilang solusyon naman sa madalas na pagbaha sa Rojas Boulevard at Taft Avenue sa Maynila,
01:51pansamantalang binuksan ang isang floodgate sa bahagi ng Manila Yacht Club ngayong May Bagyo.
01:55Paraan daw ito para bumili sa sandaloy ng tubig papuntang Manila Bay?
02:00For the past weeks, medyo wala namang bagyo pero patuloy ang pagulan.
02:09And the city of Manila and the people of Manila,
02:13we've been receiving requests and complaints of pagbaha.
02:21Particular, yung Calao, Paura, Top Avenue, itong South of Manila.
02:31Nakita nga namin ni chairman kanina na nung inangat, ayun, umagos yung tubig.
02:39Sa ngayon, hopefully, hopefully, mabawasan niya yung stagnant water somewhere in the east going to the west.
02:50Maliit kasi ang kapasidad o dami ng tubig na kayang salain ng sewage treatment plant.
02:55Bagaman yan nga ang punto ng estruktura at isa sa tugon sa mandamos order o utos ng Korte Suprema na tiyaking malinis ang Manila Bay.
03:04Para masalo pa rin ang basura ay maglalagay ng trash trap.
03:07Hindi kaya yung ng STP yung volume ng tubig na dumadating.
03:11Kaya po nagkakaroon ng imbudot. Kaya nga po natin ito binuksan ngayon para lang mapalabas muna during rainy season yung tubig ka agad-agad para po hindi maharang at magbaha.
03:25Umaasa ang MMDA na madadagdagan ang pondo para lakihan ang kapasidad ng treatment plant.
03:29Idudugtong din ang mga drainage ng Maynila sa drainage ng MMDA batay sa Drainage Master Plan na inaprubahan na ng Manila City Hall.
03:38Huhukayin din ang mga imburnal sa Maynila para mas maraming tubig ang mapadaloy rito.
03:43Para sa GMA Integrated News, ako si Dano Tingkungko ang inyong saksi.

Recommended