00:00Sabi ng Malacanang, peke ang police report na naguugnay umano kay First Lady Lisa Araneta Marcos
00:06sa pagkamatay ng negosyanteng si Paolo Tantoco sa Amerika noong Marso.
00:11Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
00:16Sa briefing, sinagot ni Undersecretary Claire Castro ang mga tanong ng media
00:20tukol sa panawagan ni Senador Aimee Marcos na linawin ang umiikot sa social media
00:24na naguugnay kay First Lady Lisa Araneta Marcos sa pagkamatay ng negosyanteng si Paolo Tantoco
00:30sa Los Angeles, California noong Marso.
00:33Sabi ni Castro, peke at dinoktorang dokumentong ginamit na basihan ng kwento
00:37na isang First Lady sa mga nadatang ng mga otoridad sa kwarto ng mamatay si Tantoco.
00:42Ang sinasabing police report na naipost sa Facebook ay isang malaking kasinungalingan.
00:48Kahit kayo po mismo ay maaaring mag-imbestiga sa nasabing lugar sa Beverly Hills Police Department
01:05para malaman nyo na yung nilagay sa Facebook na may guhit na color pink, kundi ako nagkakamali,
01:14ang parting yun ay dinagdag lamang.
01:18Nag-start ang mga salitang, and I quote,
01:25and the cause of initially suspected to be drug overdose, up to the word Miro,
01:32yan po ay dinagdag lamang.
01:35Ito ay mga gawain upang masira ang unang ginang, ang pangulo, at ang administrasyon na ito.
01:47Dagdag ni Castro, iba ang tinuloy ang hotel ng unang ginang, sa hotel kung saan natagpuan si Tantoco.
01:52Si Mr. Paolo Tantoco ay hindi po kasama sa official entourage ni FL, o ni First Lady ng unang ginang.
02:02Nakakahiya dahil gumawa sila ng peking police report.
02:09Naturingan journalists, mga dating spokespersons, hindi marunong mag-imbestiga na sarili.
02:16Hindi sila nagiging journalist, kundi nagiging propagandista ng kanilang mga sinusulong na interes.
02:22Ipinakita rin ni Castro ang mga larawang ito mula sa official Facebook account ng unang ginang
02:26na mga nag-iaktibidad nito noong March 8, araw kung kailan na matay si Tantoco.
02:31Wala pong ikinababahala ang unang ginang dahil alam po niya ang katotohanan at makikita mismo ang mga records na yan.
02:38So ang dapat mabahala dito, yung mga naninira sa kanila dahil hindi nila magigiba sa gamit na ito,
02:45ng mga fake news na ito, ang administrasyon na ito.
02:48Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:52Música
02:54Música
Comments