Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Pinabalangkas na ng Kamara ang sagot nito sa mga katanungan ng Korte Suprema
00:36kaugnay sa petisyon ni Vice President Sara Duterte na humaharang sa impeachment complaint laban sa kanya.
00:42Kabilang sa tanong ng Korte Suprema kung ano ang nangyari sa unang tatlong impeachment complaint na inihain laban kay Duterte.
00:50Matatanda ang magkakasunod na inihain ang tatlong impeachment complaint
00:54na hindi na gumalaw hanggang sa umarangkadang ikaapat na impeachment complaint noong February 2025.
01:01Sabi ni Manila Representative Joel Chua, isa sa House impeachment prosecutors,
01:07sinunod daw ng Kamara ang konstitusyon, ang rules on impeachment, at mga dating desisyon ng Korte Suprema,
01:14lalo na sa one-year bar rule na nagbabawal sa mahigit isang initiated impeachment complaint sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
01:24Ang tinutukoy na jurisprudence ni Chua ay ang desisyon ng Korte Suprema sa dalawang kasong kumwestiyon
01:30sa impeachment complaint laban kay na Chief Justice Silario Davide at Ombudsman Mercedes Gutierrez.
01:37Dito inilatag ng Korte Suprema kung ano ang ibig sabihin ng pag-initiate ng isang impeachment complaint na siyang basehan ng one-year bar rule.
01:46Una, ng filing ng verified complaint at pag-refer sa House Justice Committee for action.
01:54Ito po yung supposedly dapat nangyari sa unang tatlo na mga impeachment complaints.
02:00Pero hindi po ito nangyari. There was no referral to the House Committee on Justice.
02:05But the fourth impeachment complaint at isa po ito doon sa mga requirements din po ng Francisco at Gutierrez
02:12ay yung pagkakaroon po ng one-third filing ng House members to the House Secretary General.
02:21Ito po yung nangyari sa fourth impeachment complaint.
02:24Humaasa si impeachment prosecutor Joel Chua na mapagde-desisyonan nito ng Korte Suprema sa lalong madaling parahon
02:31para hindi na rin anya ito magamit para lalo pang patagalin ang impeachment proceedings.
02:37Wala pong dahilan para antayin ng Senado kung ano po ang magiging desisyon ng Korte Suprema
02:44dahil wala naman pong TRO na nilalabas.
02:50So sa ngayon, dapat po mag-proceed pa rin po ang trial hanggat hindi po ito pinapahinto ng Korte Suprema.
02:57E sa delay po na nangyayari sa Senado, parang aabot na rin tayo sa one-year bar rule eh.
03:02Pero paano kung pumanig ang Korte Suprema sa BICE?
03:05Well of course, kumitiya ro. Di siyempre susunod ang impeachment court.
03:11But of course, we will do all our legal remedies para ito ay malif.
03:20At alam naman po natin na lagi na itong ginagawa naman po natin ay nasa tama.
03:26Ang articles of impeachment, pwede naman daw ihain ulit matapos ang one-year bar.
03:32Wala namang violation eh. Ang pinagbabawal lamang is yung period.
03:39So pwede? As is?
03:40Yes.
03:42Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
03:47Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended