Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/14/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inimbisigan ngayon ang driver ng bus at ang driver ng motor jeepney na nagsusugal umano online habang nagmamaneho.
00:07Saksi, si Darlene Kai.
00:12Umaandar sa EDSA ang motor jeepney sa videong ito na kumakalat online at kuha noong madaling araw noong July 7 ayon sa nagpadala ng video.
00:19Pero ang driver, makikita ang pumipindot sa cellphone na nakapatong sa kanyang hita.
00:24Nag-o-online sugal umano siya.
00:26Biyahing kavite naman ang bus sa isa pang viral video kung saan kita kung paano nagsasalita ng tingin ang driver sa kalsada at sahawak niyang cellphone.
00:34Naglalaro rin umano siya ng online sugal.
00:37Sabi ng uploader na bahala siya dahil nawawala na sa linya ang bus.
00:41Hindi rin anya ito nakakapreno agad dahil tila hindi napapansin ang driver ang ibang sasakyan.
00:46Sinita kalauna ng pasahero ang driver na agad naman daw tumigil noon sa pagsiselfone.
00:51Ang parehong insidente, malinaw na paglabag sa Anti-Distracted Driving Act ayon sa LTFRB.
00:56Iniimbestigahan na nila ang mga ito.
00:58Linalagay niya sa peligro yung mga pasahero niya. Bakit?
01:02Hindi kasi siya concentrated sa driving niya.
01:06So, kita natin yung violation doon.
01:11At pag may violation, may kaukulang penalty at nakasahati niya sa batas.
01:16Ang Land Transportation Office naman, sinuspind din na ang lisensya ng bus driver.
01:21Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Attorney Greg Pua Jr. na tila malala ng pagkaadik sa online sugal
01:27dahil umabot na sa puntong nilagay niya sa alanganin ang kaligtasan ng mga pasahero.
01:32Hindi raw ito palalagpasin ng LTO.
01:34Bukod sa Anti-Distracted Driving, mahaarap ang bus driver sa reklamo paglabag
01:38sa Land Transportation and Traffic Code dahil sa reckless driving.
01:41Pinagpapaliwanag din ng LTO ang Kirsteen Joyce Transport kung bakit hindi ito dapat parusahan
01:47sa pagkuhan ng anilay reckless driver.
01:49Tumaging magpaunlak ng panayamang Kirsteen Joyce Transport.
01:52Sabi ng kinatawa nila sa GMA Integrated News, sinuspind din na nila ang driver na sangkot sa insidente.
01:57Maglalabas din ang show cost order ang LTFRB laban sa operator ng modern jeepney driver
02:01na nakunang nagsi-cellphone din habang nagmamaneho.
02:05Nagihintay pa ang GMA Integrated News ng karagdagang detalye mula sa LTO
02:09tungkol sa aksyong gagawin nila sa insidente ng yan.
02:12Ayon sa isang support group, maaring may turing na gambling addiction
02:15ang ipinakita ng dalawang driver na nakuna ng video.
02:18Nasa compulsive gambler category na siya.
02:21So malamang may addiction na siya regarding this matter.
02:26Bukas daw ang kanilang organisasyon na tumulong sa mga nalululong sa online sugal.
02:30At kung naiisip niyo naman na may pag-asa ba, makakatigil pa ba ako? Yes!
02:37Ang isang grupo ng mga abogado nananawagan ang pag-amienda sa Anti-Distracted Driving Act
02:43para magkaroon ng mas matinding parusa gaya ng pagkakakulong sa mga lalabag na driver
02:48ng mga pampublikong sasakyan.
02:50Ayon sa grupo, malaki ang panganib na dulot kapag ang isang PUV driver
02:54ang nagpabaya o nawala ng focus.
02:57Dahil sa dami ng buhay na apektado, kabilang ang mga pasahero.
03:00Sa ngayon, iba't ibang halaga ng multa at suspensyon
03:03o di kaya ipagbawi ng kanilang driver's license
03:05ang ipinapataw na parusa, depende kung pang ilan na ang paglabag.
03:09May mahigpit na bilin ang LTFRB.
03:12Unless yan ay for emergency purpose,
03:15ay iwasan po natin dahil kapag gumagamit po tayo ng cellphone
03:19while driving na hahati yung concentration natin sa pagmamaneho.
03:24The real fact that it poses already danger to your passengers
03:31ay violation na.
03:34Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
03:38Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:41Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
03:49Mag-subscribe sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.

Recommended