Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pusod ng kagayaan
00:04Sa pusod ng kagayaan, may tinutuklas na kuweba na bukod sa angking ganda,
00:09tila dadarhin ka rin sa mundo ng mga sangri.
00:12Ji tayo dyan sa report ni Oscar Oida.
00:19As namon, Boyanzar!
00:21Encantadia vibes, right?
00:24Mamapasambit ka ng mahiwagang salita kapag pinasok ang kuwebang yan.
00:30Para bang dinala ka sa mundo ng mga diwata?
00:34Pero wait, bagong kaharian ba ito?
00:37Bakit wala sinunong imaw?
00:42Yan kasi ang Libsong Cave sa Lasam, Cagayan.
00:45Mula sa salitang Ilocano na Libsong o Deep Hole
00:49kaya tila isa itong mahiwagang lagusan.
00:52Magsisimula ang adventure sa nasa limampung metrong lalim na bukana ng kuweba.
00:59Pagpasok, makikita ang iba't ibang mineral formations.
01:03Para itong kaharian na nahahati sa dalawa.
01:06Sa kaliwa ang mas ikamamangha
01:09ang mga kumikislap na stalactites
01:11at ang umaagos na napakalinaw na tubig.
01:15Habang ang kanang bahagi, mas malawak.
01:18Mas kakaibang rock formations ang makikita.
01:22Flowstones, draperies, stalactites.
01:25Napakaraming bath holes na pinamamahayan ng mga paniki
01:29at pinamumugaran rin ng mga ibong layang-layang.
01:34Dito matatagpuan ang isang natural foam pool na hindi pa malaman ang lalim.
01:40Ang haba ng kuweba, aabot sa 200 metro.
01:45Kauna-una ang naidokumento ito ng
01:48The Explorer LASAM Team
01:50na nakipag-ugnayan sa DNR
01:52upang magkaroon ng assessment o pagsusuri
01:55at maitala sa rehistro ng Regional Cave Committee,
01:59ang Libsong Cave.
02:01Sa ganda ng kuwebang ito,
02:03malaki raw ang potensyal nitong maging isa
02:05sa mga ecotourism site sa Cagayan.
02:08Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:13Huwag magpahuli sa mga balitang dapat nyong malaman.
02:17Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
02:21HĂŁy subscribe cho kĂȘnh Ghiền MĂŹ GĂ” Để khĂŽng bỏ lụ những video háș„p dáș«n

Recommended