00:00Sa ating balita, kinumpirma ng Malacanang na tutungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos sa July 20 hanggang July 22.
00:10Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro,
00:15ito'y kaugnay ng pahayag ng U.S. Secretary of State Marco Rubio sa ASEAN Post-Ministerial Conference sa Kuala Lumpur, Malaysia,
00:23ukol sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Washington.
00:26Sa pahayag ni Rubio, sinabi niya na mayroong magandang relasyon ng Amerika sa Pilipinas at Japan,
00:33kaya naman inaabangan nila ang pagbisita ni Pangulong Marcos doon.
00:37Ipinauubaya naman ni Yuse Castro sa Department of Foreign Affairs ang iba pang detalye sa nakatakdang pagbisita ng Pangulo sa Estados Unidos.