Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Suspendido na ang manning agency ng Pilipinong crew ng isa sa mga barkong pinalubo ng grupong Huthi.
00:07Ayon sa Department of Migrant Workers, may mga protokol silang nilabag sa pagdaan ng barko sa Red Sea.
00:13Saksi si JP Soriano.
00:17Pag-2 sa bulk carrier ng Eternity Sea matapos ang pag-atake ng grupong Huthi sa Red Sea.
00:22Sa videong inilabas ng grupo, kita ang pinsala sa iba't ibang bahagi ng barko na batay sa mga ulan
00:29ay pinatamaan ng sea drones at rocket-propelled grenades.
00:33Kita rin lumubog na ang barko na may 22 crew.
00:37Lahat sila maliban sa isang Ruso, pawang mga Pilipino.
00:41Tugma naman ang itsura ng NASA video sa itsura ng Eternity Sea ayon sa Reuters News Agency
00:46at kinumpirma ng United Kingdom Maritime Trade Organization ang paglubog nito
00:52ayon sa Defense Attaché ng Pilipinas sa Baharine.
00:55Ayon sa Department of Migrant Workers, walong Pilipino crew ang nailigtas na.
01:00Nakatanggap din sila ng report na Pilipino ang dalawa sa tatlong naiulat na namatay sa pag-atake
01:06bago pa lumubog ang barko.
01:08Pero sabi ni Migrant Workers Secretary Hans Kakdak sa Palacio,
01:12hindi pa talaga nila alam kung anong lagay ng labing tatlo sa mga Pilipinong sakay ng barko.
01:17Inaalam ngayon ng DMW kasamang Department of Foreign Affairs kung totoo ang impormasyong galing umano mismo sa Houthi
01:25na may mga hawak silang mga tripulante mula sa barko.
01:28We have to confirm for ourselves whether indeed the Houthis have the rest of the crew.
01:37This is something that is yet subject to confirmation and we're working closely with the SECTES, Lazaro and the DFA along these lines.
01:45Sa ulat ng Reuters ngayong gabi, kasama rin narescue ang isang Indian at isang Greek security guard.
01:52Ang ilang narescue dalawang araw ng nakababad sa tubig.
01:56Nakausap na ng DMW ang mga kaanak na mga Filipino seafarer, kasama ang manning agency at ship owners.
02:03Suspend dito na anya ang licensed manning agency nito sa Pilipinas,
02:07pati na rin ang principal o may-ari ng barko bilang bahagi raw ng pagpapataw ng paunang regulatory measure at investigasyon na ginagawa.
02:16Base sa mga nauna ng Department Order ng DMW,
02:19pinaiiwas na ang mga barkong magsasakay ng mga Pilipino sa Red Sea at Gulf of Eden.
02:25Pero ang lumalabas daw sa inisyal na impormasyong nakuha ng DMW,
02:29naglabas masok ito sa mismong mga bahagi ng dagat na itinuturing ng delikado.
02:34Dalawang beses nag-traverse sa Red Sea kasi kung titrace mo yung rota niya ng Egypt to Somalia,
02:43that's one turn or one crossing across the Red Sea.
02:50And then bumalik ng Jeddah, so a second one.
02:54So at least two counts of violations of our rules and regulations.
02:57Hiningan namin ang pahaya ang manning agency ng Eternity Sea sa kanilang opisina sa Pilipinas.
03:02Pero ipauubaya raw muna nila ang anumang sagot at impormasyon sa DMW.
03:08Paalala ng DMW sa mga Pilipinong tripulante,
03:12may right to refuse o may karapatan silang tumanggi kung maglalayag ang sasakyang barko
03:16patungo sa Red Sea at Gulf of Eden.
03:19May form yan na idadownload na lang, susula pa na lang ng marino.
03:25Either idownload niya for himself sa DMW website
03:29or yung manning agency dapat mag-supply niyan.
03:32Kada daan sa Red Sea, dapat pinamamahagi na niya yung form na yan.
03:37Kung hindi, violation yun.
03:38Karapatan yan.
03:39So kailangan ang galangin ng shipowner.
03:41So number one, entitled siya to two months wages.
03:44Pangalawa, free repatriation.
03:48Pangatlo, non-discrimination.
03:50Hindi siya mabablocklist at in fact,
03:51bibigyan pa siyang opportunity sa iba na mga rota.
03:54Ang pag-atake sa Eternity Sea,
03:57ang ikalawang pag-atake sa barko sa Red Sea
03:59sa nakaraang mga araw kasunod ng pag-atake
04:02ng mga hutis sa MV Magic Seas.
04:05Para sa GMA Integrated News,
04:07ako po si JP Soriano,
04:09ang inyong saksi.
04:12Mga kapuso,
04:13maging una sa saksi.
04:15Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
04:17para sa ibat-ibang balita.
04:24Which God is?
04:25Mag-subscribe sa GMA Reformatui.
04:27Mag-subscribe sa GMA Integrated News sarien
04:28ang inyong sartopaniko.
04:29love ka si JP Soriano,
04:30ang inyong saksi.
04:31Ag-subscribe sa GMA Deck

Recommended