Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/10/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Arestado ang isang babae sa Quezon City dahil sa pagbebenta o mano online ng malalaswang larawan ng kanyang mga minority-edad na anak.
00:08Paliwanag ng suspect sa pulisya, nagawa niya ang krimen ng dahil sa pera.
00:12Balit ang hatid ni Bea Pinlock.
00:18Sa munting bahay na ito sa Nova Liches, Quezon City, sinagip ng mautolidad ang tatlong magkakapatid,
00:25dalawang batang lalaki na edad labing apat at apat at isang babaeng labing dalawang taong gulang.
00:36Nilalako umano ng kanilang nanay ang malalaswang litrato ng kanyang mga anak sa mga dayuhan.
00:42Napaka-active mag-offer ng nanay, lalo na yung kanyang bunso at yung babae.
00:49Pero may mga pinapagawa yung foreigner sa kanya na ginagawa niya doon sa mga anak niya.
00:55Mas ino-offer niya yung batang lalaki, base na rin sa request ng foreigner siguro.
01:03Arestado ang 34-anyos na ina.
01:06Ayon sa pulisya, hindi bababasad 2,000 piso ang singil ng suspect kapalit ng mga sensitibong larawan ng mga bata.
01:15Hawak ng DSWD ang tatlong sinagip na anak ng suspect.
01:18Nakikita namin na halos yung ating mga victims ay nagiging biktima rin sa ibang mga transaksyon.
01:26Minsan nakikita sila na yung mga pictures na ito or images na ito ay kumakalat sa internet at kumbaga na ipapasa-pasa na.
01:37Pero hindi ito yung duktong-duktong o magkakakilala na parang sindikato.
01:43Hindi na nagbigay ng pakayagang suspect sa harap ng kamera.
01:46Pero ang sinabi raw niya sa pulisya, kakapusan sa pera, ang nagtulak sa kanya para gawin ang krimen.
01:53Pangangailangan nila, pinansyal, ang dahilan ng kanilang pag-alok o paggawa ng ganitong pang-abuso.
02:02Reklamong trafficking in persons at paglabag sa batas kontra online sexual abuse and exploitation of children,
02:08kaugnay ng Cybercrime Prevention Act ang kinakaharap ng sospek.
02:13Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended