Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/9/2025
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Huli ka mang pagbulusok na isang dump truck sa Binangonan Rizal.
00:03Dead on the spot ang driver.
00:05Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
00:11Bumulusok ang isang truck ng basura sa barangay Darangan, Binangonan Rizal.
00:15Sumalpok ito sa isang bahay at tindahan.
00:19Dead on the spot ang 43 taong gulang na driver na si Cholan Binala.
00:24Sugatan naman ang may-ari ng bahay.
00:26Naupo lang ako rito para magpalamig dito sa tapat ng aircon hanggang bigla na lang may sumabog.
00:34Tapos biglang humagi sa akin yung aircon na ito nga, sugat.
00:38Tapos paglabas namin, makata namin yung truck.
00:40Yung mukha ng truck, na, dyan na.
00:43Namatay ang isa nilang alagang aso na nabagsakan daw ng semento.
00:47Maswerte namang sarado ang tinamaang tindahan nang mangyari ang insidente.
00:52Buti hindi ako nagbukas kasi kumakain muna ako.
00:54Okay, pagtapos ko ano, tapos ko kain, narinig ko lang biglang sabog.
01:00Kala ko anong nangyari.
01:01Yun pala, isa na, meritsa dun.
01:04Buti nga, wala yung mga anak ko dito eh.
01:07Sa lakas ng impact, matindi ang pagkakayupi ng unahang bahagi ng truck.
01:11Kwento raw ng pahinante, tapos na silang maghakot ng basura.
01:15Kaya pinatanggal ng driver ang kalso ng gulong.
01:18Hindi tiyakong nakaanda ng makina ng truck noon.
01:20Pero bigla na lang daw itong dumausdos.
01:22Nung magtanggal sila ng kalso, bigla dumirediretso yung sasakyan.
01:28So unexpected na mawawalan siya ng preno.
01:32So kaya nagdirediretso siya dito.
01:34Patuloy na iniimbestigahan ng Rizal Provincial Police ang insidente.
01:39Pahirapan ang pagtanggal sa labi ng driver dahil sa tindi ng pagkakayupi sa cabin ng truck.
01:44Nakakaawa ko yung ano niya.
01:47Durob yung ganto niya.
01:49Maawa ko.
01:51Hindi ko kaya tingnan ng matagal na.
01:53Naulila ng driver, ang kanyang live-in partner at kanilang tatlong anak.
01:58Sobrang hirap po kasi siya lang po yung nagaanap po kayo sa amin eh.
02:03Pati yung mga anak ko, maliit.
02:06Iyak nang iyak nga yun.
02:07Iiyak siya, inaanap siya papa niya.
02:09Tiniyak ng barangay na tutulungan nila ang pamilya ng nasawing truck driver.
02:14Nakikipag-ugnayan na rin daw sila sa may-ari ng tinamaang bahay at tindahan para pag-usapan ang danyos.
02:20EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended