Aabot sa P54K ang average oustanding na utang kada credit card sa Pilipinas. Ayon pa sa credit information corporation o CIC, 10% ng 21 million credit cards sa bansa ang hindi pa nababayaran.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Aabot sa 54,000 pesos ang average outstanding na utang kada credit card sa Pilipinas.
00:08Ayon po sa Credit Information Corporation o CIC,
00:1210% ng 21 million credit cards sa bansa ang hindi pa nababayaran.
00:18Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:22Dahil naingganyo na mga kaibigan, kumuha ng credit card si Mark hindi niya tunay na pangalan.
00:29Nakatulongan niya ito para itawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya hanggang sa mabaon siya sa utang.
00:35Napapadami po yung bili ko ng mga shoes, mga ganun po, mga luho ko po.
00:41Ang interest, lumalaki na po yung per month ko hanggang nahirapan na po ako makapagbayad kasi yung sweldo ko po is sakto lang.
00:48Ayon sa isang financial literacy advocate, problema talaga ang hindi responsabling paggamit nito.
00:54Let's say example, meron kang 100,000 credit limit. Feeling mo, gusto mong ubusin kung hindi ka na nga nagbayad ng buo, hindi ka pa nagbayad, di ba on time, may penalty ka pa.
01:05Kaya nagpapatong-patong po siya.
01:07Ayon sa Credit Information Corporation o CIC na nangangalap na mga credit data sa bansa, sa ngayon ay umaabot na sa 54,000 pesos ang average outstanding na utang kada credit card sa Pilipinas.
01:20At 10% ng 21 million credit cards sa bansa ang hindi pa nababayaran.
01:26Ayon sa Credit Information Corporation, mahalagang mabayaran ng buo ang credit card bill buwan-buwan. Dapat din mabayaran ito bago ang due date.
01:34Kapag hindi raw kasi nababayaran ng buo, magkakaroon ng interes at lalaki ang kanilang bayarin.
01:41Wala mang nakukulong sa utang, may epekto ito sa access natin sa ibang utang tulad na mga loan na mahalaga lalo kung kailangan na kailangan na sila.
01:49Kapag hindi natin ito bayaran, pag nireport po ang status ng utang ninyo sa CIC, magiging negative po yan.
01:57At ang magiging epekto niyan ay kapag mag-apply po tayo ng panibagong utang in the future, lalabas po na meron pa tayong hindi nababayarang obligasyon.
02:08Kaya payo ng mga eksperto,
02:10If you don't have the money to spend, di ba huwag kang isaswipe o huwag mo isaswipe yung credit card mo.
02:16Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok 24 Oras.