Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/8/2025
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, July 8, 2025


-Babae, patay matapos barilin sa isang eskinita; gunman at motibo sa krimen, tinutukoy pa

-2 na ang patay sa pagsabog sa pagawaan ng bala at baril; isa pang sugatan, nakalabas na ng ospital

-DOJ Sec. Remulla: Paghahanap sa Taal Lake na pinagtapunan umano sa labi ng mga sabungero, sisimulan ngayong linggo

-PAGASA: Bagong Low Pressure Area sa labas ng Phl Area of Responsibility, binabantayan; mababa ang tsansang pumasok sa PAR

-MDRRMO-Tuba, Benguet: Mga motoristang pa-Baguio, dumaan muna sa Marcos Highway dahil sa banta ng landslide sa Kennon Road

-Ilang magulang at estudyante, naperwisyo ng malakas na ulan at hangin

-LTFRB, nagbabala laban sa mala-sardinas na siksikan ng mga pasahero sa mga PUV

-Kotse sa Brgy. 189, Barrio Obrero, sinilaban at pinagbabaril ng 4 na lalaki; 3 iba pang sasakyan, nadamay

-Babae, sugatan matapos saksakin ng lalaking nangholdap sa kanya; suspek, arestado

-Bangkay ng isang babae, natagpuan sa septic tank ng ginagawang bahay sa Brgy. Tinaan

-Driver, patay matapos mahulog sa bangin ang minamanehong trailer truck; pahinante, sugatan

-Nasa P100M halaga ng misdeclared agricultural products, nasabat sa Port of Subic

-Trailer ng horror film na "P77," puno ng kilabot scenes

-Tattoo na kapareho umano sa iba pang sangkot sa pagkawala ng mga sabungero, ipinakita ni Julie "Dondon" Patidongan

-Ilang estudyante, buwis-buhay na gumagapang sa nasirang tulay para makapasok sa paaralan

-Phl Statistics Authority: 2.03M Pilipino ang walang trabaho nitong May 2025

-Barangay tanod, patay sa pananaksak; 2 niyang kasama, sugatan

-Taxi driver, inirereklamo matapos maningil ng P2,970 sa biyaheng mahigit 12km lang ang layo

-Total ban o paglimita sa access sa online sugal, isinusulong ng ilang mambabatas

-INTERVIEW: ALEJANDRO TENGCO, CHAIRMAN AND CEO, PAGCOR

-Bulkang Lewotobi Laki-Laki, sumabog at nagbuga ng abo ng hanggang 18 kilometro ang taas

-3 lalaki, arestado dahil sa pagbebenta umano ng droga; P1.6M halaga ng umano'y shabu, nasabat

-Driver na nag-video habang nagmamaneho, humingi ng paumanhin; pinahaharap sa LTO sa July 10

-Intense na tapatan sa pagitan nina "Felma" at "Hazel," ipinasilip sa teaser ng GMA Afternoon Prime series na "Cruz vs. Cruz"


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang tanghali po.
00:09Oras na para sa may init na balita.
00:11Nabulabog ang ilang tagatundo sa Maynila
00:31ng may bariling babae sa isang eskinita roon.
00:34Blanco pa ang mga otoridad sa motibo ng pagpatay
00:36at sa kung sino ang gunman.
00:38Balita ng atin ni Jomara Presto.
00:41Nagtakbuhan ng ilang residente sa bahagi ng GK Compound
00:47sa Tondo, Maynila, mag-aalas 12 ng hating gabi.
00:50Isang babae pala ang binaril sa kalapit na eskinita.
00:54Pagpasok ko sa loob, may nakita nga akong nakabulagtan na babae.
00:57Tapos tumawag na ako ng polis.
00:59Ang tama niya po sa mukha eh.
01:01Kilala raw niya ang biktima sa tawag na alias Rina.
01:04Mabilis naman daw nagdatingan ng mga polis at kinordonan ng lugar.
01:07Sabi ng barangay, umikot pa sila sa lugar kagabi
01:10at nakausap pa nila ang biktima ilang minuto bago siya binaril.
01:15Nakisuyo raw ang barangay sa kanya na tawagin ang mga magulang
01:18ng ilang kabataan na nakatambay pa sa labas.
01:21Sabi ngayon ni Kagawad, yung bata na kilala ng baril
01:25na papasukin yung mga bata.
01:30Pagkatapos nun, nung nasa barangay na kami,
01:34may isang concerned citizen na tumawag sa amin
01:38na mayroon daw nag-anap na shooting incident dito.
01:42Sabi ng ilang residente, isang putok lang ng baril ang narinig nila.
01:47Nakita rin daw nila ang biktima nakasamang kanyang live-in partner
01:50bago siya namatay.
01:51Hindi na raw makita sa ngayon ang barangay ang partner ng biktima.
01:55Patuloy ang investigasyon ng Manila Police District
01:57para matukoy ang ganman at ang motibo sa pamamaril.
02:01Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:06Mainit-init na balita, dalawa po ang kumpirmadong patay
02:09sa pagsabog sa isang pagawaan ng bala at baril sa Marikina.
02:13Ayon sa Arms Corps Global Defense Incorporated na may-ari ng planta,
02:18parehong empleyado nila ang mga nasawi.
02:20Nakikiramay sila at tumutulong na sa pamilya ng mga nasawi.
02:24Samantala, nakalabas na sa ospital ang isa pa nilang sugatang empleyado.
02:29Nakikipagtulungan din daw ang kumpanya sa embesikasyon
02:32para matukoy ang dahilan kung bakit sumabog
02:35ang tinatawag na primer sa bala ng baril kahapon.
02:39February 2024, nang may sumabog na rin at nasunog pa
02:42ang kaparehong pagawaan ng bala ng baril.
02:45Imbaka ng pulbura naman ang pinagmulanuan ng pagsabog at sunog.
02:50Kahit daw mailang hamon, magsisimula ngayong linggo
02:55ang paghahanap sa mga bangkay na mga nawawalang sabongero
02:57na itinapon umano sa Taal Lake sa Batangas.
03:00There will be layers of sediments because there are eruptions going on.
03:07There will be murkiness in the waters because of the weather.
03:11But that being the case, it doesn't stop us from looking into the lake
03:17as the resting place of many of those missing people.
03:22Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Rimulla,
03:24magsisimula sila maghanap sa palaisda ang inarkilaraw ng isa sa mga suspect sa kaso.
03:29Dagdag ni PNP Chief Nicholas Torrey III,
03:32meron din silang ibang lokasyong tinitingnan bukod sa Taal Lake.
03:35Hindi muna niya idinitalye para hindi raw mabulilyaso ang investigasyon.
03:39June 18, nang ibunyag ng isa sa mga akusado
03:42na si Julie Dondon Patidongan o alias Totoy
03:44na sa Taal Lake itinapon umano ang bangkay ng mga nawawalang sabongero.
03:49Mainit-init na balita, may bagong low-pressure area na binabantayan po sa labas
03:58ng Philippine Area of Responsibility.
04:01Namataan po yan ang pag-asa 1,935 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.
04:07Mababa ang tsansa ng nasabing LPA na pumasok ng PAR at maging isang bagyo.
04:13Wala rin po itong epekto sa lagay ng ating panahon ngayon.
04:15Hanging habagat ang magpapaulan sa bansa.
04:19Sa mga susunod na oras, uulanin ang maraming lugar
04:21kasama po ang Metro Manila base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
04:26Posible ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng Bajao landslide.
04:33Abiso po sa mga motoristang pa Baguio City,
04:36inirekomenda ng MDRRMO to Babenguet na dumaan muna kayo sa Marcos Highway sa halip na Cannon Road.
04:42Nagkaroon kasi ng landslide sa bahagi ng Cannon Road sa barangay Camp 4 sa Tuba.
04:47Naipon sa loob ng tunnel ang mga sasakyan matapos matabunan ng lupa at bato ang kalsada roon.
04:52Agad namang nagsagawa ng clearing operations sa mga otoridad
04:54at kalaunay nakalabas ang mga stranded na sasakyan.
04:59Tuloy-tuloy rin ang inspeksyon at clearing operations sa landslide sa barangay Virac sa Itogon, Benguet.
05:04Hindi pa rin pinapayagang makapasok sa tunnel ang mga minero roon
05:07dahil sa posibilidad ng paghuhon ng lupa dulot ng pag-uulan sa lugar.
05:13Nakaranas po ng malakas na ulan at baha ang ilang probinsya dahil sa ulang hatid ng hanging habagat.
05:19Balitang hatid ni James Agustin.
05:21Malakas na ulan at hampas ng hangin ang naranasan sa Togigaraw City.
05:28Kanya-kanyang diskarte ang mga magulang sa pagsundo sa mga anak nila sa eskwelahan.
05:32Nagka-landslide sa barangay Pangawan sa Kayapa, Nueva Vizcaya, dulot ng pag-ulan doon.
05:37Humambalang ang gumuhong lupa sa kalsada, pansamantalang isinara ang bahagi ng Nueva Vizcaya, Benguet Road.
05:43Nagpapatuloy ang clearing operations doon.
05:45Sa Sambuanga City, ilang bahay ang pinasok ng baha sa barangay Tumaga.
05:49Umapaw kasi ang kalapit na ilog dahil sa malakas na ulan.
05:53Patuloy na minomonitor ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang sitwasyon ng mga residente.
06:00Nagmistulang ilog naman ang ilang kalsada sa barangay Tibungco sa Davao City.
06:05Dahil din sa bahang dulot ng malakas na ulan.
06:07Lampas gater ang baha na nagpahirap sa mga motorista at residente.
06:11Baha rin ang naranasan sa barangay Kipalili sa San Isidro, Davao del Norte dahil sa pag-ulan.
06:17Umabot ng lampas 20 ang baha.
06:19Pinasok din ang bahang ilang bahay.
06:21Kanya-kanyang hakot ang mga residente na kanilang mga gamit.
06:24Ayon sa pag-asa, ang pag-ulan sa maraming lugar sa bansa ay dulot ng hanging habaga.
06:30James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:33Paalala ng LTFRB, bawal ang malasardinas na siksika ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
06:41Pagpunod daw yun sa direktiba ng Department of Transportation para sa mas ligtas at mas komportabling public transportation sa Pilipinas.
06:49Para sa mga traditional at modern jeepney, labindalawa hanggang tatlumput dalawa lang ang pwedeng isakay na pasahero.
06:55Basta raw hindi lalagpas sa nakatakdang maximum capacity ng manufacturer nito.
07:01Pwede naman daw magkaroon ng nakatayong pasahero sa modern jeepney, pero hindi raw dapat ito lumagpas ng limang tao kada square meter na espasyo.
07:08Para sa mga UV Express, dapat siyam lang ang sakay ng mga AUV kabilang ang driver.
07:13Sampu para sa regular na van habang labindalawa para sa mas malaki pa ang mga van.
07:19Higit limampu naman ang pinapayagan sa mga bus basta hindi lalagpas sa maximum capacity nito.
07:25Tulad sa modern jeep, pinapayagan din ang mga nakatayong pasahero pero limitado lang.
07:29Bawa naman ito kapag mahaba ang biyahe.
07:32Ang mga lalabag, pagmumultahin at posibleng pang bawian ng Certificate of Public Convenience.
07:41Makikitang tumigil ang apat na lalaking yan sa isang kotse sa G. Santiago Street sa barangay 189, Barrio Obrero sa Tondo, Maynila.
07:48Maya-maya, binasag nilang salamin ng sasakyan at saka ito sinilaban.
07:54Binaril pa nilang sasakyan bago umalis sa lugar.
07:57Tulong-tulong na inapulan ng mga residente ang apoy na inakalan nilang aksidente hanggang sa natagpuan ng mga bala ng baril at iniwang galon ng gasolina.
08:06Batay sa paon ng imbistigasyon ng MPD Station 7, damay sa insidente ang tatlong sasakyan na tinamaan ng bala ng baril.
08:13Dinala na sa MPD Firearms Unit ang mga narecover na bala para imbistigahan.
08:18Ayon naman sa barangay, apat na araw bago ang insidente, may nagreklamo na raw na kinukunan ng litrato ang bahay ng biktima.
08:25Tumanggi mo nang magbigay ng pahayag ang kampo ng biktima.
08:30Sugatan ang isang babae matapos saksakyan ng lalaking ng hold-up sa kanya sa taytay Rizal.
08:36Arestado po ang sospek na umami naman sa krimen.
08:40Balitang hatid ni EJ Gomez, Exclusive.
08:42Balik kulungan ang 38 anyos na lalaking ito dahil sa pang-hold-up umano sa isang babae sa taytay Rizal pasado alas 5 ng madaling araw kahapon.
08:58Ayon sa pulisya, naglalakad ang 29 anyos na biktima sa kalsada ng Samagta Floodway sa barangay San Juan nang mangyari ang insidente.
09:07Yung ating biktima, galing siya sa trabaho, isa siyang call center agent.
09:12So nung dumating siya dito sa may bandang floodway, nilapitan siya nito ang ating sospek at nagdeklara ng hold-up.
09:19And then nung nagpumiglas yung ating victim, dun niya na inundayan ng saksak gamit yung ice pick.
09:26Nagtamo ng mga saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan ang biktima na nagpapagaling sa ospital.
09:33Natangay sa biktima ang isang cellphone.
09:35Sa follow-up operasyon ng taytay polis, naaresto ang sospek na si Alyas JR sa kanya mismong bahay.
09:42Na-trace natin, nakakita natin sa CCTV yung mukha ng sospek.
09:48At yun nga, nakuha, nahuhuli ng ating mga operatiba yung sospek dun sa barangay Muzon.
09:54And then na-recover din sa possession niya yung mismong cellphone na tinangay niya dun sa victim.
10:00Hindi na raw na-recover ang ginamit na patalim.
10:02Aminado ang sospek sa pang-hold-up.
10:05Ibebenta raw sana niya ang ninakaw na cellphone pantusto sa kanyang pamilya.
10:10Nang tanungin ukol sa ginamit niyang patalim.
10:20Nag-iagis ko po niya sa may ilog.
10:23Ano-ingi po ako ng soro sa inyo ma'am.
10:26Dahil, naroon po akong tatlong buwan na baby.
10:31Tapos, kailangan po po ng pang-upo ng bahay.
10:36Patawarin niyo po ako.
10:37Sa records ng pulisya, dati nang nakulong dahil sa pang-hold-up at illegal gambling ang sospek.
10:44Sasampahan siya ng reklamong robbery with frustrated homicide.
10:48Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kunan ang pahayag ang mga kaanak ng biktima.
10:54E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:58Ito ang GMA Regional TV News.
11:04Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
11:09May nakitang bangkay sa septic tank ng isang ginagawang bahay sa Santa Maria, Ilocosur.
11:15Chris, tukoy na ba kung kaninong bangkay yun?
11:20Connie, isang babaeng first-year college student, ang natagpo ang bangkay sa barangay Tinaan.
11:26Ayon sa mga otoridad, isang lalaking maglilinis sana sa lugar ang nakakita sa kanyang bangkay.
11:31Linggo ng gabi nang makipag-inuman umano ang biktima sa kanyang mga kaibigan.
11:35Hinaumagahan na makita na nasa loob siya ng septic tank.
11:40Lumalabas sa preliminary findings ng pulisya na posibleng aksidente na hulog ang babae.
11:45Anila, hinihintay pa ang resulta ng autopsy ng biktima para matukoy ang eksakto niyang ikinamatay.
11:51Una na ipinatawag ang mga nakainuman ng biktima pero pinauwi rin sila ng pulisya.
11:57Inimbestigan pa ang insidente.
12:00Patay naman ang isang driver matapos mahulog ang minamaneho niyang trailer truck sa Bangin, sa Banggi, Ilocos Norte.
12:07Sa tindi ng impact, tila ninukot na papel ang itsura ng truck.
12:11Natanggal din ang tractor head nito.
12:13Tumaginid naman ang trailer sa kalsada kaya kumalat ang karga nitong mga simento.
12:18Ayon sa investigasyon na wala ng preno ang truck at bumangga sa puno bago nahulog sa bangin.
12:24Nadaganan daw nito ang driver.
12:26Nakaligtas naman ang pahinante ng truck na nagtamu ng sugat.
12:31Ininspeksyonan ng mga otoridad ang mga nasabat na misdeclared agricultural products sa Port of Subic.
12:38Detaly po tayo sa ulot on the spot ni Oscar Oida.
12:41Oscar?
12:41Yes, Connie, aabot nga sa isang daang milyong pisong halaga ng misdeclared agricultural products
12:52ang nasabat ng Department of Agriculture at ng Bureau of Customs dito sa Port of Subic.
12:58Nakumpirma yan kanina matapos buksan ang sampu sa tatlumput isang questionabling container van
13:04na naharang dito nitong Hunyo.
13:06Ayon sa BOC, e diniklara mo nung chicken, lollipop at karagi ang mga lamanang nasabing container van
13:12pero nang buksan kanina, ito pala yung mga sibuyas, carrots at makarel.
13:17E sinailalim sa kustudiyan ng Bureau of Customs sa mga ito
13:19pagkat karamihan e wala mo nung consignee o kinatawan ng DA sa mga cold storage warehouse.
13:24Susuriin naman o ang mga nasabing produkto at kung ligtas pa ay maaaring ipamahagi sa mga mahihirap.
13:31Connie?
13:32Maraming salamat Oscar Oida.
13:39Kilabot Tuesday, mga maari at pare.
13:42May official trailer na ang kapuso mind-bending horror film na P77.
13:50Hindi po kayo magsisisi.
13:52Hahaha, baka ikaw ang magsisi.
14:01Mamamasukan bilang tagalinis ang karakter ni Barbie Forteza na si Luna.
14:05Pero sa Penthouse 77, sari-saring elemento ang magpaparamdam.
14:11Ang twist, dati palang morge ang lugar.
14:14Ang makatindig balahibong pelikula and cinemas na simula July 13.
14:19One empowered woman naman si Noreen ang karakter ni Barbie sa kapuso murder mystery series na Beauty Empire.
14:29Sa TV premiere kagabi, usap-usapan ang tapatan nila ni Shari, played by Kailin Alcantara.
14:36Chika ni Barbie, si Noreen ay rawyata, ang pinaka-complex sa lahat ng ginampanan niyang roles.
14:44Maraming twist and turn sa karakter ni Noreen.
14:48Kasi maraming siyang tinatago, maraming siyang nililihim.
14:51Pero it's all coming from a place of love.
14:55Nasa restrictive custody na ng Philippine National Police ang labing limang kabaro nila
14:59na isinasangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
15:03Si Julie Patidongan alias Totoy, may pinakitang tattoo na may kaugnayan umano sa ilan pang sangkot sa kaso.
15:08Balitang hatid ni Ian Cruz
15:11Ipinakita sa akin ni Julie Dondon Patidongan alias Totoy ang tattoo niya ni San Miguel Arcangel na nasa may likod malapit sa batok.
15:22Ayon sa kanya, nasa dalawang puraw silang may kaparehong tattoo.
15:25Tanda umano ng kanilang malalim na samahan ng mga anya'y may kinalaman sa missing sabungeros.
15:31Pero may ibang miyembro raw na pinabago na ang tattoo.
15:35Yung tattoo dito, sa amin alam na ng ano to, yung Arcangel, yung grupo na yan, may mga tattoo lahat yan.
15:41Kaya, imposible. Yung isang kaibigan ko na pulis, nagpadala na ng picture na binago niya na yung tattoo sa likod.
15:48Yung tattoo namin dito sa likod, ngayon pinatakman na nila.
15:52Pero halatang halata, kahit takpan pa ninyo ng ilang tattoo yan, hindi ninyo mabago yan.
15:58Sabi ni Patidongan, mula nang ilabas daw niya ang mga nalalaman tungkol sa kaso ng mga nawawalang sabungero,
16:05kaliwat ka na narawang banta sa kanya.
16:07Pinadalhan pa ako ng bulaklak na risk in peace.
16:11Hindi ako ba tatakot kung sino ka man yung punsyo pilato ka, nagpapadala sa akin ng ganyan.
16:17Takotin mo yung lulong mong panot. Huwag ako.
16:22Handa na raw ang kanyang salaysay.
16:24Pero may inaayos pa bago isumite sa Department of Justice.
16:28Pidabit na yan, nandiyan na yan.
16:30Ang katulad nung sinabi ko na nakaraan, kulang pa talaga.
16:35Pero mag-antay ka Mr. Atong Ang.
16:38Bumaliktad na lahat.
16:39Yung mga pidabit ko na yan, alam kong may kopya na si Mr. Atong Ang yan.
16:45Pero hindi ko pwedeng ibigay ang lahat ng detalyan yan.
16:49Wala pang bagong pahayag si Atong Ang.
16:52Pero nauna na niyang itinanggi na may kinalaman siya sa kaso.
16:56Nasa protective custody ngayon ng PNP si Patidongan.
17:01Habang ang 15 polis na ginadawit sa kaso,
17:04nasa restrictive custody sa Camp Krame.
17:06Sabi ng PNP, posibleng madagdagan pa ito habang umuusad ang imbesigasyon.
17:12Wala kaming sasantuhin dito.
17:13Wala kaming...
17:15We will leave no stones unturned.
17:17Ayon kay Police General Nicolás Torre III,
17:20bago pa man siya maging PNP chief,
17:22lumapit na sa kanila si Patidongan.
17:24Si ADG pa ako na sinimulan ito.
17:26Si ADG pa ako nang nakuha namin si Totoy at nagbigay ng information sa amin.
17:31I was very shocked.
17:32Karumaldumal naman talaga ang nangyayari.
17:34Hindi talaga not acceptable by any standards.
17:36Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:44Pangkoy!
17:44Makapigil hininga ang bawat kilos ng mga estudyante niyan sa Kayapa Nueva Vizcaya.
17:51Para makapasok sa paralan,
17:53gumagapang sila sa mga steel cable ng nasirang tulay sa pagitan ng Barangay Laptang at Pinayag.
18:00Dagdag pa sa peligro ang rumaragasang ilog sa ilalim.
18:03Ayon sa LGU, nung nakarang taon pa nasira ang hanging bridge dahil sa agupit ng bagyong pipito.
18:09May alternatibong mga daan sa napapasok at pauwi sa eskwelahan pero nasira na rin dahil sa mga pagulan.
18:15Ipinagutos na ng lokal na pamahalaan ang pagpapagawa ng bagong tulay.
18:20Pinayuhan na rin ang mga mag-aaral na huwag piliting pumasok at mag-modular learning muna.
18:24Mainit-init na balita, sa ikalawang sunod na buwan,
18:30mahigit dalawang milyong Pilipino sa bansa ang unemployed o walang trabaho.
18:35Ayon sa Philippine Statistics Authority,
18:38ang 2.03 million na unemployed nitong Mayo ay katumbas ng 3.9% ng labor force ng bansa.
18:45Bahagyang mas kaunti kumpara sa 2.06 million na walang trabaho noong Abril.
18:52Kabilang po sa mga sektor na may pinakamaraming bagong trabaho nitong Mayo
18:56kaysa noong Abril ay sa agrikultura, accommodation and food services, manufacturing at edukasyon.
19:03Sabi ng PSA, mas kaunti rin ang 6.6 million na underemployed nitong Mayo
19:09kaysa sa mahigit 7 million na underemployed noong Abril.
19:13Sila yung may mga trabaho pero mas mababa sa kanilang kakayahan o nakukulangan sa kanilang kita.
19:19Bahagyanin pong tumaas ang bilang ng mga employed o yung may mga trabaho noong Mayo
19:24sa mahigit 50 million na mga Pilipino.
19:30Ito ang GMA Regional TV News.
19:35May init na balita mula sa Visayas hatid ng GMA Regional TV.
19:39Patay ang isang barangay tanod matapos saksakin ng isang lalaki sa Santa Barbara, Iloilo.
19:43So, Sarah, bakit nanaksak yung sospek?
19:47Rafi Lasing noon ang sospek at naghamon-umanon ng away.
19:52Base sa embisigasyon, nasa iluman ang barangay tanod kasama ng dalawa niyang kaibigan
19:56nang may narinig silang sumigaw at naghahamon ng away.
20:01Doon na raw sila nakita ng lalaki at sinaksak ang isa sa kanila.
20:05Umawat ang barangay tanod hanggang siya naman ang nasaksak sa tagiliran.
20:08Dumating naman ang kapatid ng sospek at sinaksak naman ang isa pa nilang kasama.
20:14Nasa mabuti ng kalagayan ang dalawang kasama ng tanod.
20:17Hawak naman ang pulisya ang magkapatid na sospek.
20:20Paliwanag nila, naunang nanakit ang mga biktima at gumantilang sila.
20:27Inirereklamo ang isang taxi driver dito sa Davao City dahil sa overcharging
20:32o sobra umanong paniningil sa pasahero.
20:34Kwento ni Roneline Suikano, halos 3,000 piso ang sinihil ng naturang driver sa mga magulang niya.
20:42Mula Davao International Airport hanggang Davao City Overland Transport Terminal yan
20:46o mahigit labindalawang kilometro lang ang layo.
20:50Sa biyahe pa lang daw, nagrereklamo na ang lalaking pasahero na mabilis ang patak ng metro.
20:56Sagot naman ang driver ay wala raw siyang magagawa dahil ganoon talaga iyon.
21:00Tukoy na ng LTFRB Region 11 ang driver at pinagpapaliwanag na.
21:05Sakaling mapatunayan na may violation, posibleng bawiin ang lisensya ng driver na wala pang pahayag.
21:12Nais ng ilang mambabatas na higpitan o hindi kaya tuluyang ipagbawal na ang online gambling.
21:19Gaya po ng ginawa sa Pogo, isinisulong ni Sen. Migs Zubiri ang total ban sa online sugal.
21:25Mungkahi naman ni Sen. J. V. Eherzito sa National Telecommunications Commission o NCC,
21:31baka posibleng ipablock ang akses ng isang indibidwal sa online gambling sites.
21:37Paglimita rin sa akses ang panukalang batas na inihain ng akbayan party list.
21:43Bukod sa players, dapat din daw higpitan ang pagpromote sa isugal.
21:47Ayon sa palasyo, nakikinig at tinitimbang ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga mungkahi.
21:52Ang PAGCOR, handa raw sumunod sa anumang maipapasang batas kaugnay sa online gambling.
22:01At kaugnay po sa isinusulong sa Kamara at Senado na pagbabawal o paglimita sa online gambling,
22:07kausapin po natin si PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tenko.
22:11Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
22:15Magandang umaga sa iyo, Connie.
22:18Yes sir, ano ba?
22:19Sa lahat ng lakikinig sa iyo yung programa.
22:21Opo. Ano ba ang masasabi ninyo dito sa isinusulong po sa Senado at Kamara
22:26na sabi nga yung iba total ban ang online gambling, yung iba limitahan naman?
22:33Ako po, tulad ng aking sinasagot sa mga katanungan nitong mga nakaraang araw,
22:40Ako po ay ang pagkor po, ang hinihiling sana, ay magkaroon ng mahigpitang regulasyon.
22:53At yun po ang nakikita kong isang paraan.
22:57Dahil sa paniniwalang mahirap pong i-ban totally ang online gaming sa pangkasalukuyan,
23:06dahil lang po sa, ang gamit lang po nito ay internet,
23:11or yan po ang paggamit sa pagsusugal ngayon online.
23:15Kaya gusto kong ipaalam sa lahat na marami na po nitong mga nakaraang buwan na pag-aaral
23:23ang ginagawa ang pagkor at magkakaroon po ng anunsyo kami sa mga susunod na linggo
23:30tungkol sa mga hakbang na aming pinag-aaralan at ipatutupad sa mga susunod na araw.
23:41Kasi po ay mayroong magiging signing ng memorandum of agreement
23:46with the Ad Standards Council sa darating na ikalabing-anin ng Hulyo
23:52kung saan gusto namin mahigpitan po itong mga outdoor advertising natin
24:00gayon din po yung advertising natin sa primetime TV.
24:05Isa po kasing mapapansin mo siguro, Connie,
24:09e parang mga kabuti na kumalap na lang kulubsan itong mga billboard na ito.
24:16Sa pamamagitan ng Ad Standards Council,
24:21e naniniwala po ang pagkor na maririgulahan natin itong mga billboard na ito.
24:27At siguro sa mga susunod na linggo,
24:31siguro ang kailangan lang ay ayokong pangunahan ng Ad Standards Council,
24:36pero ang maliwala dito, bibigyan lang siguro ng punting panahon yung mga billboard na yan
24:43na ibaba na ang kanilang mga billboard.
24:45At maririgulahan na as to the size.
24:49Kasi Connie, kung nakikita mo, kasing lalaki na ng mga building.
24:52Oo nga po, gano'n nga po.
24:54Pero sa ngayon ba, ilang online gambling operators ang legal
24:58na nag-ooperate po sa ilalim ng pag-war?
25:01Opo, yun po'y napakagandang tanong.
25:07Sa ngayon po, halos kumulang po, pitong pulang ang may lisensya.
25:13Ang talagang paulit-ulit kong sinasabi sa lahat na nagtatanong sa akin,
25:21ang simisira sa online gaming industry ngayon,
25:25yung maraming illegal na patuloy na nag-ooperate.
25:31At ang masakit nito, Connie, they are operating from outside the Philippines.
25:35Ayun na nga.
25:37At ang tina-target nila, ang tina-target nila ay mga Pilipino customer.
25:46So, makikita mo, ang daming mga website ngayon na nakakalat,
25:52tulad ng ilang na kinokopia yung mga pangalan ng mga IR natin
25:57at tinadagdagan ng mga numero lamang para pakita sa publiko
26:02kunwari na sila yung kumakatawan doon sa malaking casino na yun.
26:07Opo.
26:08Pero kung titig naman ilistahan natin, Connie,
26:11walang lisensya yung nasabing mga kumpanyang yun.
26:15Okay. Kung 70 ang legal, ilan po ang iligal?
26:19Ang tingin ko po, nasa daan po ang iligal.
26:23Ah, ganun po karami. Mas marami pa pala, no?
26:25Ganun po, karami. Yes.
26:27Ang masakit, Connie, yan ang mga kumpanyang hindi nakapag-re-regulate ng tama.
26:34Yung mga reklamong pati kabataan ay naglalaro.
26:37Diyan naglalaro ang mga kabataang minor de edad.
26:40Aha.
26:41Alam nyo naman dito sa pagcourt, 21 years old and above ang regulasyon natin.
26:47Eh, yung mga nagpapasugal na hindi lisensyado,
26:54eh, tumatanggap yan, maski anong edad, para lang mga paglaro sa kanila.
26:58Walang verification.
26:59Pangalawa. Correct. Pangalawa, Connie, marami kaming natatanggap araw-araw na sulat na reklamo
27:08kung saan sila'y hindi nababayaran, sila'y hindi binabalik ang deposito,
27:13sila'y nadadaya doon sa sugal.
27:16Eh, yan ay nagaganap sa pagkat walang ang regulasyon at walang lisensya.
27:20Sa pagcourt, pagka ikaw ay may lisensya ka,
27:26ay dapat dumangka sa isang pasusing pag-tetest ng iyong mga games
27:33para nang sa ganun mapakitang patas ang palaro.
27:36Ikaw ay kailangan magbayad sa nanalo at ikaw ay dapat magbalik ng deposito ng mga player mo
27:48anong oras man hingin ito ng player sa iyo.
27:52Okay. Sir, ito bang sinasabi kasi din na walang beneficyo maging ang gobyerno
27:56dahil wala rin namang nire-remit yung mga illegal na yan na gambling.
28:00Pero sa legal po na online gambling,
28:03kaya daw winnaway ng ating gobyerno o ng administrasyong Marcos,
28:09eh dahil malaki rin ang naiyaambag naman ng legal na online gambling.
28:13Magkano ho ba?
28:14Noong 2024 po, eh, himigit kumulang po sa 50 bilyong piso
28:22ang nalikom ng pagkor na license fees.
28:27Doon po ay automatic po yun, 50% ay pupunta na agad sa kaban ng ating National Treasury.
28:36At bukod po doon ay maraming sinusuportahan na ahensya
28:40ang pagkor tulad ng Philippine Sports Commission,
28:44Dangerous Drug Board,
28:47ah, yung PhilHealth sa pamamagitan ng Universal Care Act.
28:52Ah, kami po ay nagsasubsidize ng PhilHealth.
28:56Ah, tinitinan ko po nung makalawa
28:59ang nakontribute po ng online gaming alone,
29:04hindi po ng pagkor,
29:05sa PhilHealth, eh, meron pong kulang 6.5 billion pesos.
29:11Ah, pa.
29:12So kung atin titinan, ma'am,
29:15sa 30,000 average,
29:17can you imagine ilang milyon yung ating natilungan
29:21sa pamamagitan ng license fees ng online gaming
29:26sa mga pasyente ng PhilHealth?
29:29Marami pa ho. Sana tayong mga pag-uusapan.
29:31Itutuloy na lang natin siguro sa mga susunod na araw
29:34ang iba pang mga tanong tungkol po dito,
29:36especially when it comes to yung addiction, ano,
29:39ng ating litunan sa gambling.
29:41Marami pong salamat, Pagcourt Chairman.
29:43Salamat na marami, Ma'am Connie.
29:45Maraming salamat at maraming salamat din
29:47sa lahat na nakikinig sa iyong programa.
29:49Magandang hapon po.
29:50Magandang hapon po.
29:51Ayan po naman si Pagcourt Chairman Alejandro Tenko.
29:54Bumalo na sa ulap ang napakataas na usok na yan
30:04matapos po ang pagsabog ng Mount Lewotobi,
30:07laki-laki sa Indonesia.
30:09Maabot ng labing walong kilometro ang taas ng abo
30:12ayon sa Volcanology Agency ng bansa.
30:14Napunurin ng abo ang mga kalsada sa mga lugar
30:17sa paligid ng vulkan.
30:19Kaya ayon sa mga residente, halos nag-zero visibility roon.
30:23Nananatiling nasa pinakamataas na alert ang vulkan
30:26hanggang ngayon.
30:27Kaya hindi pinahihintulutan ang pagpasok
30:30sa 6-kilometer radius ng vulkan.
30:33Pinag-iingat din po ang mga residente
30:34sa posibleng pagdaloy ng lava.
30:38Eto na ang mabibilis na balita sa bansa.
30:42Arestado ang tatlong lalaki
30:44dahil sa pagbibenta ng iligal na droga
30:46sa barangay 199 sa Pasay.
30:48Nasa bat sa operasyon
30:49ng nasa 200 gramo ng umunay shabu
30:51na nagkakahalaga ng humigit kumulang 1.6 million pesos.
30:56Hindi nagbigay ng pahayag ang mga suspect
30:58na maaharap sa kaukulang reklamo.
31:00Patuloy ang investigasyon
31:01ukol sa supplier ng droga ng mga suspect.
31:06Nahukay ang dalawang vintage bomb
31:08at isang Japanese grenade
31:09sa isang construction site
31:11sa loob ng College of Medicine ng UP Manila.
31:13Ayon sa District Explosive and K-9 Unit
31:15ng Manila Police District,
31:16nasa tatlong talampakan ng lalim
31:18ng pagkakabaon ng mga bomba.
31:21Kung tinamaan daw ito sa paghukay,
31:23ay posible itong sumabog.
31:25Bago kunin,
31:26pinilikes muna ang mga empleyado
31:27sa unibersidad at mga construction worker.
31:30Nakatakdang i-detonate
31:32o pasabugin ang mga lumang bomba
31:33sa tarlak.
31:34Humingi na ng paumanhin
31:38ang driver ng isang luxury sports car
31:40na nagvideo habang nagmamaneho.
31:43Sa post sa social media
31:44ng driver na si Josh Mojica,
31:46inamin niyang siya
31:47ang nagmamaneho
31:48sa nagviral na video.
31:50Inaako raw niya
31:51ang pananagutan sa kanyang ginawa.
31:53Payon niya sa mga nanonood
31:55sa kanyang mga video
31:56huwag gayahin
31:57ang kanyang pagkakamali.
31:59Pinahaharap si Mojica
32:00at ang nagmamayari
32:02ng sasakyan
32:03sa Land Transportation Office
32:05sa July 10
32:06para magpaliwanag
32:07sa insidente
32:07at patunayang
32:08hindi sila dapat humarap
32:10sa reklamo.
32:11Kung mapapatunayang may sala,
32:13mag-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a-a.
32:16P50,000 si Mojica para sa paglabag sa anti-distracted driving.
32:21Posible rin suspindihin ng tatlong buwan hanggang isang taon ang kanyang lisensya o kaya'y tuluyan na itong bawiin.
32:32Mga mare at pare, nagsalita na ang dalawang misis na sangkot sa isang viral post.
32:41Tatlong anak namin, may nabunti siya ang iba.
32:44Yan ang pinakasalan niya.
32:46Yan ang mainit na tapatan ni na Felma at Hazel sa malaviral video teaser ng upcoming Kapuso Afternoon Prime series na Cruise vs. Cruise.
33:02Ang 30-second teaser punong-puno ng emosyon dahil sa superb acting skills ni Navina Morales at Cladis Reyes.
33:10Sino nga ba ang mas may karapatan, ang ibinahay o may bahay?
33:16Malapit na nating malaman yan soon.
33:18All out ang praises ni Sangre Tera Bianca Umali para sa gumanap na Young Tera sa Encantadia Chronicles Sangre.
33:30Chika ni Bianca sa inyong kumare, agree siya sa Encantadix na nagsasabing magkahawig sila ni Johara Asayo.
33:37Suwak din daw ang acting ng batang aktres sa dapat pagdaanan ni Tera bilang bata at kung bakit magiging buo ang loob niyang maging tagapagligtas.
33:49Ano naman kaya ang reaksyon diyan ni Young Tera?
33:51Nagpapasalamat po ako kasi ang dami pong nagsasabi na kamukha ko siya and receiving na compliment galing sa kanya.
34:03Thankful po at saka nakakalambot po ng puso.
34:09Para maiwasan ang pagdumi ng mga balota dahil sa tinta ng mga marker,
34:13iminumungkahin ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting para sa mga susunod na eleksyon ang paggamit ng stamping pen.
34:19Baday kasi sa incident report ng PPCRV kaugnay sa eleksyon 2025,
34:24sandant labing apat na balota ang hindi tinanggap ng makina dahil sa ink smudge o dumirito.
34:29Dapat daw ay stamping pen na lang at gawin itong hugis oval o kapareho ng mga bilog sa balota.
34:34Lumabas din sa findings ng PPCRV na pag na nagpapadumirin sa balota ang thumb mark ng mga butante.
34:40Ayon sa Commission on Elections, pinag-aaralan na nila ang mga pagbabagong gagawin para sa ganitong issue sa mga balota.
34:46Hindi naman daw agad ito may patutupad para sa eleksyon sa Bangsa Maroto na Masuigin in Maslim, Mindanao na nakatakdana sa Oktubre.
34:54Sugatan ang binatilyong yan matapos pagbubugbugi ng limang lalaki sa barangay poblasyon sa Talisay, Cebu.
35:07Batay sa embestigasyon, nasangkot umano sa suntukan ang labing-anim na taong gulang na lalaki na lasing daw noon.
35:14Umuwi siya pero bumalik ulit dahil naiwan niya ang t-shirt at cellphone.
35:17Doon na raw siya inabangan ng mga kaibigan ng nakasuntukan niya na nasa edad labing-pito hanggang 25 taong gulang.
35:25Ipinaaresto ng alkalde ng lungsod ang limang nambugbog.
35:28Tumagi silang magbigay ng pahayag.
35:30Dahil sa insidente, magsasagawa ng random inspection ng mga polis sa mga inuman
35:34at maglalagay ng outpost malapit sa mga establishmento para sa pagpapatupad ng curfew.
35:40Huli kam ang pang-hold up ng tatlong lalaki sa isang convenience store sa Santo Tomas, Batangas.
35:48Arestado ang isa sa kanila.
35:50Balitang hatid ni John Consulta.
35:52Kita sa CCTV ang pagpasok ng tatlong lalaki na nagpanggap na customer sa loob ng isang convenience store sa Santo Tomas, Batangas noong June 26.
36:05Maya-maya lang, makikitang tinutukan ng baril at nagdektera na ng hold up ang mga suspect na agad din nila sa likuran ng establishmento ang mga empleyado.
36:14Ang isa sa mga suspect, sinaktan at sinipapa ng dalawang beses ang isa sa mga empleyado.
36:20Ilang saglit pa, pinuntirin na ng mga suspect ang pera sa convenience store bago tumakas sa direksyon ng Quezon Province.
36:27We have a series of robbery incidents that happened in Laguna, then going to Batangas, and some parts of the Cavite.
36:38Sa closing time, dahil alam nila na mga tao aware sila kung ano yung oras ng closing time, hindi masyadong marami.
36:45At the same time, siyempre pag closing time, alam mo na nandyan na yung malaking collection ng kanilang benta.
36:55Nagkita natin yung signature ng kanilang activity na seemingly, this is the doing of one group.
37:04Dahil sa backtracking ng Santo Tomas Police, nasundan nila ang grupo sa kanilang stopover sa isang restaurant sa kanila na Quezon na wala ng suot na hood at mask.
37:13Sa pag-backtracking at pag-review namin ng mga footages, I think in Candelaria ay medyo nag-relax itong grupo.
37:25Palibasa malayo na, kumain sa isang restaurant, nag-alis ng face mask, ng mga sombrero,
37:32at nakita rin natin sa CCTV footage na doon sila naghatian ng kanilang mga parte.
37:38So at that time, nakakuha tayo ng mga identity.
37:41Sa hot pursuit operation ng Santo Tomas Police, naaresto ang isa sa mga suspect na kasama ang kanyang damit na ginamit sa panuloob.
37:49Siya ang nakunan ng CCTV na nanalakit sa isa sa mga hinoldap na empleyado.
37:55Di na itinanggit ng suspect ang krimen at kinumpirmang mayroon pa silang dapat bibiktimahin na isa pang convenience store,
38:01pero kita sa CCTV na hindi sila tumuloy.
38:04Bakit ka nga nag-u-turn dun sa, no?
38:07Si po sir, may mga police daw po na duty.
38:11Bumalik ulit kami, nandun pa rin daw po kaya sa iba na lang po kami umanap ng hold up.
38:18Patuloy ang follow-up operation laban sa mga pakasamahan ng suspect.
38:22John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
38:27Bala po ng ilang pribadong ospital na suspindihin muna o bagalan ang pagtanggap ng mga guarantee letter mula po sa mga pasyente.
38:37Yan yung sakop ng Medical Assistance for Indigent or Indigent and Financially Incapacitated Patients Program ng gobyerno.
38:45Ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines sa panayang po ng Super Radio DZBB,
38:50baka kasi maaubos na daw ang pondo ng mga ospital.
38:53May 480 million pesos pa raw kasing hindi nababayaran ang gobyerno sa 43 ospital sa lalawigan ng Batangas.
39:03Nanawagan ang PHAPI sa gobyerno na bilisan na ang pagbabayad para rito.
39:08Ayon sa Department of Health, nagpapatuloy naman na ang pagbabayad nila sa mga ospital kaugnay sa programa.
39:16Ito ang GMA Regional TV News.
39:19Isa ang patay sa banggaan ng kotse at modern jeep sa barangay San Antonio sa Oton, Iloilo.
39:26Batay sa imbisagasyon ng pulisya, napalikit sa lane ng jeep ang kotse na may kabilisan ang takbo.
39:33Halos na yupi ang kotse habang wasak ang unahang bahagi ng jeep.
39:37Idiniklarang bedo na rival sa ospital ang driver ng kotse.
39:40Sugata naman ang jeep ni driver at labintatlo niyang pasahero.
39:44Ayon sa pahayag ng driver sa kanilang kooperatiba, paggewang-gewang ang takbo ng kotse bago sila nabanggan ito.
39:51Patuloy nilang nire-review ang kuha ng dashcam ng modern jeep.
39:55Nasa kusudiyan na ng pulisya ang driver ng modern jeep na hindi nagbigay ng pahayag.
40:00Hinihintay pa ang desisyon ng mga kaanak ng nasawing driver kung magsasampa ng reklamo.
40:05Tumanggi silang magbigay ng pahayag.
40:07Arestado ang isang babae dahil sa pagbebenta umuno ng iligal na droga sa Naga Camarines Sur.
40:15Ayon sa mga pulis, tatlong beses nang bumiyahe papunta sa Bicol Region ang sospek,
40:20bidbit ang supply mula sa Metro Manila.
40:22Sa by-bust operation sa barangay Triangulo,
40:25nasabad sa kanya isang plastic bag na naglalaman ng 200 gramo ng umuno y siyabu
40:30na may tinatayang halaga na mahigit sa 1.3 milyon pesos.
40:33Maharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act
40:37ang sospek na walang pahayag.
40:44For the first time, mag-o-host ang Pilipinas na isang elite pole vault event.
40:49Inanunsyo niya ni World No. 4, Ernest John E. G. Obiana kahapon.
40:54Anya, imbitado sa World Athletic Sanction Event, ang mga top pole vaulter sa mundo.
40:59Gagawin ng event sa September 21 pagkatapos ng World Championship.
41:03Idaraos ang event sa isang park sa Makati City.
41:06Ayon kay Obiana, ang event ay katuparan ng kanyang pangarap
41:09na makapagdaos ng isang elite pole vault event sa bansa.
41:13Noong nakarang taon, dapat ito isasagawa,
41:15pero hindi na tuloy matapos magkaroon ng injury ni EJ.
41:18Para sa mga kapapanganak lamang po, may newborn screening caravan na gagawin sa Gumaka Quezon sa Huwebes, July 10.
41:29Sa pangunguna po yan ng Jimmy Capuso Foundation at Department of Health,
41:33gagawin ang libring screening sa Southern Quezon Convention Center sa barangay Tabing Dagat
41:38o Tabing Dagat mula alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.
41:44Pwedeng magparegister hanggang bukas, July 9, ang mga nanay na may isa hanggang 29 day old na bagong silang na sanggol.
41:54Para po sa mga interesado, maaaring tawagan ang mga numerong nasa inyong screen.
42:05Big celebration ang naganap sa PBB Celebrity Collab Edition After Party na nangyari mismo sa bahay ni Kuya.
42:14Isinare ni PBB host Bianca Gonzalez ang tradisyonal na tapunan sa pool after party.
42:28Bukod sa housemates at staff, hindi nakaligtas dyan ang mga host na si Gabby Garcia at Robbie Domingo.
42:34Sidelight ng party ang reunion ng boys housemates na super sweet kay Esnir.
42:39Hirit ng netizen, si Esnir ay winner daw talaga.
42:42Game rin as duo ang housemates sa kanilang TikTok entry.
42:46Gaya ng Asper, nina AZ Martinez at River Joseph.
42:50Kish, nina Josh Ford at Kira Ballinger.
42:54Rawi, nina Ralph DeLeon at Will Ashley.
42:57At Millie, nina Emilio Daez at Michael Sager.
43:01Layag na layag naman ang Will Ka, nina Will at Bianca Devera sa kanilang TikTok entry.
43:07Kilig din ang hatid ng entry ng big winner duo na Breka, nina Brent Manalo at Mika Salamangka.
43:15Speaking of Breka, inamin ang duo sa GMA Integrated News na hindi nila in-expect na sila ang magiging big winners.
43:24Thankful sila sa kanilang PBB journey, lalo na sa kanilang emotional maturity at psychological challenges.
43:31Anong rediscover mo sa sarili mo?
43:36Na I'm highly sensitive person po talaga.
43:41Opo, totoo.
43:43Kasi sa labas, sa pamilya ko po, sa mga kaibigan ko, kailangan ako po lagi yung malakas.
43:47Malakas po, strong yung personality.
43:49Pero kaya mo po pala maging sensitive at the same time, strong yung personality.
43:54Kung wala kang pinapakita, paano ka nila maintindihan?
43:57I'm doing this for my younger self.
43:59Yung my younger self po, yung alamig kasing beses talaga nung bata ako na
44:04ang daming times na namin misunderstood talaga ako.
44:08Kasi nga po dahil tahimik ako, saka yung the way I present myself,
44:13sobrang, sa tuloy nga po sabi ni Mika, sobrang self-secured.
44:16So, na-take siya as pagkayabang.
44:19Hindi pa tapos ang big surprises ng ex-housemates
44:23sa August 10 ang The Big Co-Love FanCon event sa Araneta Coliseum.
44:29Present diyan ang inyong favorite housemates ng Pinoy Big Brothers Celebrity Collab Edition.
44:35Simula na ngayong araw ang ticket selling.
44:38Tinanong po namin ang netizens,
44:45pabor kaya sila na ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga minority edad.
44:50Ang sabi kaya nila,
44:51para kay Johnal De La Rosa,
44:53eh hindi naman daw kailangang ipagbawal.
44:55Ang kailangan, patnubay at gabay ng mga magulang.
44:59Ang sabi naman ni Kagura,
45:01okay yan, lalo na ngayong panahon na kung ano-ano
45:03ang nakikita sa social media
45:04na hindi ang cope sa mga bata.
45:07Kwento naman po ni Melody,
45:09nung inalis ang gadget ng mga anak niya,
45:12mas nakapagfocus sila sa pag-aaral.
45:15Ilang minuto lamang din daw nila
45:16pinapayagang gumamit ng gadgets ang mga bata.
45:20Ang sabi naman ni Monette,
45:22pwede raw yan sa elementary,
45:23pero pag sa high school na,
45:25importante ang cellphone,
45:27lalo na kung panggabi ang urian.
45:30Mga kapuso,
45:31makisali sa aming online talakayan
45:32sa iba't ibang issue.
45:33At kung may mga naisin po kayong
45:35maibalita sa inyong lugar,
45:36mag-PM na sa Facebook page
45:38ng Balitang Halit.
45:47Sa mga hanggang drawing na lang,
45:49ang bakasyon,
45:50abay ready naman kayong mainggit.
45:52Ibibida kasi natin ang babaeng
45:53blessed by the gifts of nature
45:55sa Baiz Negros Oriental.
45:57E mapapasa na all daw
45:59ang gustong ma-experience
46:00ang feeling na babad na babad.
46:03Eto nga,
46:04vitamin C.
46:06Sa labas ng bakuran,
46:07yan ang pinagmamalaki ng island girl
46:09na si Makyang.
46:11Ilang hakbang lang kasi
46:12mula sa pintuan ng bahay,
46:14abay po pwede nang mag-dive
46:15at mag-hayayay
46:18sa baybayin ng Olympia Island.
46:21O ayan o,
46:22want to sawang swimming
46:23ang exe na tuwing holiday,
46:25birthday,
46:26at kahit pa ordinary day.
46:29I love the view,
46:30ang venue,
46:30ano man ang okasyon.
46:32Kung high tide o may kalunidad,
46:34may katabing isla naman daw
46:35na sa mga pwede nilang paglikasan.
46:38Ang pasilip sa bakuran ni Makyang
46:39eh 1.5 million na
46:41ang views.
46:44Trending!
46:45Ang galing o,
46:46pagkagising mo,
46:47pwede ka na ang galing mag-dive.
46:49Parang nasa resort lang,
46:51di ba?
46:51Yung mga mamahaling resort,
46:52yung mga pagkagising mo,
46:53pwede ka na tumalong sa dagat.
46:55Pwede, pwede yan,
46:56lalo na kapag ma-antok days mo.
46:59Tumalong ka na lang,
47:00nandung ka na.
47:01Wala na plano-plano yan,
47:03no?
47:03Diretso ano na yan.
47:04Diretso ligo.
47:06Buti na lang,
47:07malinis pa yung dagat mo.
47:08O, mapuntahan nga sana natin yan.
47:11Ito po ang balitang hali
47:12at bahagi kami ng mas malaking misyon.
47:14Ako po si Connie Sison.
47:15Rafi Tima po.
47:16Kasama niyo rin po ako,
47:17Aubrey Caramper.
47:18Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
47:20Mula sa GMA Integrated News,
47:22ang News Authority ng Filipino.

Recommended