Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/8/2025
-Babae, patay matapos barilin sa isang eskinita; gunman at motibo sa krimen, tinutukoy pa

-2 na ang patay sa pagsabog sa pagawaan ng bala at baril; isa pang sugatan, nakalabas na ng ospital

-DOJ Sec. Remulla: Paghahanap sa Taal Lake na pinagtapunan umano sa labi ng mga sabungero, sisimulan ngayong linggo

-PAGASA: Bagong Low Pressure Area sa labas ng Phl Area of Responsibility, binabantayan; mababa ang tsansang pumasok sa PAR

-MDRRMO-Tuba, Benguet: Mga motoristang pa-Baguio, dumaan muna sa Marcos Highway dahil sa banta ng landslide sa Kennon Road

-Ilang magulang at estudyante, naperwisyo ng malakas na ulan at hangin

-LTFRB, nagbabala laban sa mala-sardinas na siksikan ng mga pasahero sa mga PUV

-Kotse sa Brgy. 189, Barrio Obrero, sinilaban at pinagbabaril ng 4 na lalaki; 3 iba pang sasakyan, nadamay

-Babae, sugatan matapos saksakin ng lalaking nangholdap sa kanya; suspek, arestado

-Bangkay ng isang babae, natagpuan sa septic tank ng ginagawang bahay sa Brgy. Tinaan

-Driver, patay matapos mahulog sa bangin ang minamanehong trailer truck; pahinante, sugatan

-Nasa P100M halaga ng misdeclared agricultural products, nasabat sa Port of Subic

-Trailer ng horror film na "P77," puno ng kilabot scenes

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nabulabog ang ilang taga-tondo sa Maynila ng may bariling babae sa isang eskinita roon.
00:10Blanco pa ang otoridad sa motibo ng pagpatay at sa kung sino ang gunman.
00:14Balitang hatid ni Jomara Presto.
00:19Nagtakbuhan ng ilang residente sa bahagi ng GK Compound sa Tondo, Maynila, mag-aalas 12 ng hating gabi.
00:25Isang babae pala ang binaril sa kalapit na eskinita.
00:30Pagpasok ko sa loob, may nakita nga akong nakabulagtan na babae. Tapos tumawag na ako ng polis. Ang tama niya po sa mukha eh.
00:37Kilala raw niya ang biktima sa tawag na alias Rina. Mabilis naman daw nagdatingan ng mga polis at kinordonan ng lugar.
00:43Sabi ng barangay, umikot pa sila sa lugar kagabi at nakausap pa nila ang biktima ilang minuto bago siya binaril.
00:50Nakisuyo raw ang barangay sa kanya na tawagin ang mga magulang ng ilang kabataan na nakatambay pa sa labas.
00:57Sabi ngayon ni kagawad, yung bata na kilala ng baril na papasukin yung mga bata.
01:06Pagkatapos nun, nung nasa barangay na kami, may isang concerned citizen na tumawag sa amin na mayroon daw aganap na shooting incident dito.
01:17Sabi ng ilang residente, isang putok lang ng baril ang narinig nila.
01:23Nakita rin daw nila ang biktima nakasamang kanyang live-in partner bago siya namatay.
01:27Hindi na raw makita sa ngayon ang barangay ang partner ng biktima.
01:31Patuloy ang investigasyon ng Manila Police District para matukoy ang gunman at ang motibo sa pamamaril.
01:37Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:41Mainit-init na balita, dalawa po ang kumpirmadong patay sa pagsabog sa isang paggawaan ng bala at baril sa Marikina.
01:49Ayon sa Arms Corps Global Defense Incorporated na may-ari ng planta, parehong empleyado nila ang mga nasawi.
01:56Nakikiramay sila at tumutulong na sa pamilya ng mga nasawi.
02:00Samantala, nakalabas na sa ospital ang isa pa nilang sugatang empleyado.
02:04Nakikipagtulungan din daw ang kumpanya sa investigasyon para matukoy ang dahilan kung bakit sumabog ang tinatawag na primer sa bala ng baril kahapon.
02:15February 2024, nang may sumabog na rin at nasunog pa ang kaparehong pagawaan ng bala ng baril.
02:21Imbaka ng pulbura naman ang pinagmula noon ng pagsabog at sunog.
02:28Kahit daw mailang hamon, magsisimula ngayong linggo ang paghahanap sa mga bangkay ng mga nawawan ng sabongero.
02:34Na itinapo naman o sa Taal Lake sa Batangas.
02:38There will be layers of sediments because there are eruptions going on.
02:43There will be murkiness in the waters because of the weather.
02:47But that being the case, it doesn't stop us from looking into the lake as the resting place of many of those missing people.
02:57Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Rimulla, magsisimula sila maghanap sa palaisda ang inarkilaraw ng isa sa mga suspect sa kaso.
03:05Dagdag ni PNP Chief Nicolás Torre III, meron din silang ibang lokasyong tinitingnan bukod sa Taal Lake.
03:11Hindi muna niya idinitalye para hindi raw mabulilyaso ang investigasyon.
03:14June 18, nang ibunyag na isa sa mga akusado na si Julie Dondon Patidongan o alias Totoy na sa Taal Lake itinapo umano ang bangkay ng mga nawawalang sabongero.
03:29Mainit-init na balita, may bagong low-pressure area na binabantayan po sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
03:35Namataan po yan ang pag-asa 1,935 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.
03:43Mababa ang tsansa ng nasabing LPA na pumasok ng PAR at maging isang bagyo.
03:48Wala rin po itong epekto sa lagay ng ating panahon ngayon.
03:52Hanging habagat ang magpapaulan sa bansa.
03:54Sa mga susunod na oras, uulanin ang maraming lugar kasama po ang Metro Manila base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
04:01Posible ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
04:09Abiso po sa mga motoristang pa Baguio City, inirekomenda ng MDRRMO Tuba Benguet na dumaan muna kayo sa Marcos Highway sa halip na Cannon Road.
04:18Nagkaroon kasi ng landslide sa bahagi ng Cannon Road sa barangay Camp 4 sa Tuba.
04:23Naipon sa loob ng tunnel ang mga sasakyan matapos matabunan ng lupa at bato ang kalsada roon.
04:27Agad namang nagsagawa ng clearing operations sa mga otoridad at kalaunay, nakalabas ang mga stranded na sasakyan.
04:35Tuloy-tuloy rin ang inspeksyon at clearing operations sa landslide sa barangay Virak sa Itogon Benguet.
04:40Hindi pa rin pinapayagang makapasok sa tunnel ang mga minero roon dahil sa posibilidad ng paghuhunang lupa dulot ng pag-uulan sa lugar.
04:49Nakaranas po ng malakas na ulan at baha ang ilang probinsya dahil sa ulang hatid ng hanging habagat.
04:55Malakas na ulan at hampas ng hangin ang naranasan sa Togigaraw City.
05:04Kanya-kanyang diskarte ang mga magulang sa pagsundo sa mga anak nila sa skwelahan.
05:08Nagka-landslide sa barangay Pangawan sa Kayapa, Nueva Vizcaya, dulot ng pag-ulan doon.
05:13Humambalang ang gumuhong lupa sa kalsada, pansamantalang isinara ang bahagi ng Nueva Vizcaya Benguet Road.
05:19Nagpapatuloy ang clearing operations doon.
05:21Sa Sambuanga City, ilang bahay ang pinasok ng bahas sa barangay Tumaga.
05:25Umapaw kasi ang kalapit na ilog dahil sa malakas na ulan.
05:29Patuloy na minomonitor ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang sitwasyon ng mga residente.
05:36Nagmistulang ilog naman ang ilang kalsada sa barangay Tibungco sa Davao City dahil din sa bahang dulot ng malakas na ulan.
05:43Lampas gater ang baha na nagpahirap sa mga motorista at residente.
05:47Baha rin ang naranasan sa barangay Kipalili sa San Isidro Davao del Norte dahil sa pag-ulan.
05:53Umabot ng lampas 20 ang baha.
05:55Pinasok din ang bahang ilang bahay.
05:57Kanya-kanyang hakot ang mga residente na kanilang mga gamit.
06:00Ayon sa pag-asa ang pag-ulan sa maraming lugar sa bansa ay dulot ng hanging habaga.
06:05James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:11Paalala ng LTFRB, bawal ang malasardinas na siksika ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.
06:17Pagsunod daw yun sa direktiba ng Department of Transportation para sa mas ligtas at mas komportabling public transportation sa Pilipinas.
06:25Para sa mga traditional at modern jeepney, 12 hanggang 32 lang ang pwedeng isakay na pasahero.
06:30Basta raw hindi lalagpas sa nakatakdang maximum capacity ng manufacturer nito.
06:37Pwede naman daw magkaroon ng nakatayong pasahero sa modern jeepney pero hindi raw dapat ito lumagpas ng limang tao kada square meter ng espasyo.
06:44Para sa mga UV Express, dapat siyam lang ang sakay ng mga AUV kabilang ang driver.
06:49Sampu para sa regular na van habang labindalawa para sa mas malaki pa ang mga van.
06:55Higit limampu naman ang pinapayagan sa mga bus basta hindi lalagpas sa maximum capacity nito.
07:00Tulad sa modern jeep, pinapayagan din ang mga nakatayong pasahero pero limitado lang.
07:05Bawa naman ito kapag mahaba ang biyahe.
07:08Ang mga lalabag, pagmumultahin at posibleng pang bawian ng Certificate of Public Convenience.
07:14Makikitang tumigil ang apat na lalaking niyan sa isang kotse sa G. Santiago Street sa barangay 189, barrio Obrero sa Tondo, Maynila.
07:25Maya-maya, binasag nilang salamin ng sasakyan at saka ito sinilaban.
07:30Binaril pa nilang sasakyan bago umalis sa lugar.
07:33Tulong-tulong na inapula ng mga residente ang apoy na inakala nilang aksidente hanggang sa natagpuan ng mga bala ng baril at iniwang galon ng gasolina.
07:41Batay sa paon ng imbestigasyon ng MPD Station 7, damay sa insidente ang tatlong sasakyan na tinamaan ng bala ng baril.
07:49Dinala na sa MPD Firearms Unit ang mga narecover na bala para imbestigahan.
07:54Ayon naman sa barangay, apat na araw bago ang insidente, may nagreklamo na raw na kinukunan ng litrato ang bahay ng biktima.
08:01Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang kampo ng biktima.
08:04Sugatan ang isang babae matapos saksakyan ng lalaking ng hold-up sa kanya sa Taytay Rizal.
08:12Arestado po ang sospek na umami naman sa krimen.
08:15Balitang hatid ni EJ Gomez, Exclusive.
08:18Balik kulungan ang 38-anyos na lalaking ito dahil sa pang-hold-up umano sa isang babae sa Taytay Rizal pasado alas 5 ng madaling araw kahapon.
08:34Ayon sa pulisya, naglalakad ang 29-anyos na biktima sa kalsada ng Samagta Floodway sa barangay San Juan nang mangyari ang insidente.
08:43Yung ating biktima, galing siya sa trabaho, isa siyang call center agent.
08:48So nung dumating siya dito sa may bandang floodway, nilapitan siya nitong ating sospek at nagdeklala ng hold-up.
08:55And then nung nagpumiglas yung ating victim, dun niya na inundayan ng saksak gamit yung ice pick.
09:02Nagtamo ng mga saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan ang biktima na nagpapagaling sa ospital.
09:09Natangay sa biktima ang isang cellphone.
09:11Sa follow-up operasyon ng Taytay Police, naaresto ang sospek na si Alias J.R. sa kanya mismong bahay.
09:18Na-trace natin, nakakita natin sa CCTV yung mukha ng sospek.
09:24At yun nga, nakuha, nahuhuli ng ating mga operatiba yung sospek dun sa barangay Muzon.
09:30And then na-recover din sa possession niya yung mismong cellphone na tinangay niya dun sa victim.
09:36Hindi na raw na-recover ang ginamit na patalim.
09:38Aminado ang sospek sa pang-hold-up.
09:41Ibebenta raw sana niya ang ninakaw na cellphone pantusto sa kanyang pamilya.
09:46Nang tanungin ukol sa ginamit niyang patalim.
09:56Nag-iagis ko po yun sa may ilog.
09:59Ano-ini po ako ng soro sa inyo, ma'am.
10:02Dahil, naroon po akong tatlong buwan na baby.
10:07Tapos, kailangan ko po ng pang-upo ng bahay.
10:12Patawarin niyo po ako.
10:13Sa records ng polisya, dati nang nakulong dahil sa pang-hold-up at illegal gambling ang sospek.
10:20Sasampahan siya ng reklamong robbery with frustrated homicide.
10:24Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na kuna ng pahayag ang mga kaanak ng biktima.
10:29E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:34Ito ang GMA Regional TV News.
10:40Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
10:45May nakitang bangkay sa septic tank ng isang ginagawang bahay sa Santa Maria, Ilocosur.
10:51Chris, tukoy na ba kung kaninong bangkay yun?
10:55Connie, isang babaeng first-year college student, ang natagpo ang bangkay sa barangay Tinaan.
11:02Ayon sa mga otoridad, isang lalaking maglilinis sana sa lugar ang nakakita sa kanyang bangkay.
11:07Linggo ng gabi nang makipag-inuman umano ang biktima sa kanyang mga kaibigan.
11:11Kinaumagahan na na makita na nasa loob siya ng septic tank.
11:16Lumalabas sa preliminary findings ng polisya na posibleng aksidente na hulog ang babae.
11:21Anila, hinihintay pa ang resulta ng autopsy na biktima para matukoy ang eksakto niyang ikinamatay.
11:28Una na ipinatawag ang mga nakainuman na biktima
11:30pero pinauwi rin sila ng polisya.
11:32Inimbestigan pa ang insidente.
11:36Patay naman ang isang driver matapos mahulog ang minamaneho niyang trailer truck sa bangin sa Banggi, Ilocos Norte.
11:43Sa tindi ng impact, tila nilukot na papel ang itsura ng truck.
11:47Natanggal din ang tractor head nito.
11:49Tumagilid naman ang trailer sa kalsada kaya kumalat ang karga nitong mga simento.
11:54Ayon sa investigasyon na wala ng preno ang truck at bumangga sa puno bago nahulog sa bangin.
11:59Nadaganan daw nito ang driver.
12:02Nakaligtas naman ang pahinante ng truck na nagtamu ng sugat.
12:07Ininspeksyohan ng mga otoridad ang mga nasabat na misdeclared agricultural products sa Port of Subic.
12:13Detaly po tayo sa ulot on the spot ni Oscar Oida.
12:16Oscar?
12:17Yes, Connie, aabot nga sa isang daang milyong pisong halaga ng misdeclared agricultural products ang nasabat ng Department of Agriculture at ng Bureau of Customs dito sa Port of Subic.
12:33Nakumpirma yan kanina matapos buksan ang sampu sa tatlumpot isang kwestyonabling container van na naharang dito nitong Hunyo.
12:42Ayon sa BOC, e diniklara mo nung chicken lollipop at karagi ang mga laman ng nasabing container van.
12:48Pero nang buksan kanina, ito pala yung mga sibuyas, carrots at makarel.
12:52E sinailalim sa kustudiyan ng Bureau of Customs sa mga ito, pagkat karamihan ay wala o manong consignee o kinatawan ng DA sa mga cold storage warehouse.
13:01Susuriin naman o ang mga nasabing produkto at kung ligtas pa ay maaring ipamahagi sa mga mahihirap.
13:07Connie?
13:08Maraming salamat, Oscar Oida.
13:15Kilabot Tuesday, mga mare at pare.
13:18May official trailer na ang kapuso mind-bending horror film na P-77.
13:26Hindi po kayo magsisisi.
13:29Baka ikaw ang magsisi.
13:36Mamamasukan bilang tagalinis ang karakter ni Barbie Forteza na si Luna.
13:41Pero sa Penthouse 77, sari-saring elemento ang magpaparamdam.
13:46Ang twist, dati palang morge ang lugar.
13:50Ang makatindig balahibong pelikula and cinemas na simula July 13.
13:57One empowered woman naman si Noreen ang karakter ni Barbie sa kapuso murder mystery series na Beauty Empire.
14:05Sa TV premiere kagabi, usap-usapan ang tapatan nila ni Shari, played by Kylie Nalcantara.
14:11Chika ni Barbie, si Noreen ay rawyata ang pinaka-complex sa lahat ng ginampanan niyang roles.
14:20Maraming twist and turn sa karakter ni Noreen.
14:24Kasi maraming siyang tinatago, maraming siyang nililihim.
14:27Pero it's all coming from a place of love.
14:29Música
14:36Música
14:36Música
14:37Música

Recommended