00:00Handa na ang Department of Social Welfare and Development na magbigay ng tulong sa mga residenteng maapektuhan ng pag-alboroto ng Bulkang Taal.
00:08Una nang nagbabalang FIBOX noong linggo na posibleng pumutok ang bulkan dahil sa pagtaas ng Seismic Energy Measurement o RSAM o pagtaas ng bilang ng mga pagginig.
00:18Ayon po kay DSWD Assistant Secretary Erin Dumlao, minomonitor ng Field Office Calabarzon ang sitwasyon ng bulkan sa pamamagitan ng mga local government units at iba pang ahensya ng pamahalaan.
00:30Sa ngayon ay meron 207,408 na kahon ng family food packs ang DSWD Calabarzon at 13,178 non-food items na naka-pre-positions sa iba't ibang storage facilities.
00:42Pinalalahanan din ni Dumlao ang mga residente sa Taal Lake na maging alerto sa posibleng pagputok ng bulkan at makisa sa kanilang mga LGU.