00:00Tiniyak naman ang palasyo na nananatili sa sustainable level ang 62% na naitalang debt to GDP ratio ng Pilipinas.
00:08Ayon kay Communications Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro,
00:13pasok pa ito sa international threshold na nakatakda sa 70% kahit pa nakitaan ng pagtaas kumpara noong nakaraang taon.
00:21Batay sa huling datos ng Bureau of Treasury nitong Marso, umabot na sa halos 17 trillion pesos ang utang ng bansa.
00:28Pero tiniyak ng Malacanang na may malinaw na pinaglaanan ang mga hiniram na pondo.
00:35Ito po ay ginamit sa mga growth enhancing investments tulad ng infrastructure, education, agriculture, health at social services.
00:43Makikita po natin kung ano ang mga tinulong ng Pangulo at ng pamalaan sa mga farmers natin, sa mga mangingisda po natin.
00:50Pati po itong pagpapataas din po na mga ayuda at tulong sa ating mga kababayan. Makikita niyo po yan.