Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/3/2025
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa 2026 na planong ituloy ang EDSA Rehabilitation,
00:04kabilang sa pinag-aaralan ng DPWH ang mas mabilis at mas murang teknolohiya.
00:10Saksi, si Joseph Morong exclusive.
00:16Tapos na ang isang buwang palugit ni Pangulong Bongbong Marcos
00:19para pag-aralan muli ang rehabilitasyon ng EDSA.
00:23June 1, nang suspend din ito dahil ayon sa Pangulo,
00:26matagal at sagabal sa publiko ang dalawang taong kansya batay sa unang plano.
00:31Baka aniya may mga bagong teknolohiya para mapabilis yan.
00:35Pero tuloy pa rin ang rehab ayon kay Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan.
00:41Hindi na nga lamang ngayong taon dahil inabutan na ng tagulan na inaasang masusundan
00:46ng Christmas rush sa Vermont.
00:48Early next year, if we have the space early next year, then we can start.
00:53Some of the sections na hindi most traveled, no?
00:59And that will not affect the substantially traffic movement.
01:02Ayon sa DPWH, mas mabilis at mas mura ang tinitinan nilang teknolohiya para kumpunihin ang EDSA.
01:09Sa orihinal na plano kasi, lane by lane na babakbaki ng kahabaan ng EDSA
01:14sa kapapalitan ng bagong kalsada.
01:168-17 billion pesos ang aabutin ng kabuang halaga ng orihinal na proyekto.
01:23Pero ngayon, sinusubukan nila ang tinatawag na time in motion
01:26kung saan lalatagan lamang ng bagong layer ang EDSA.
01:30It looks so promising. We're not going to scarify it anymore.
01:34We'll just put it on top. But we have to stabilize it.
01:37Stabilize it properly.
01:39Tatas ng konti ang EDSA.
01:41Hindi naman ganong mataas.
01:43Posible rin gawin yan sa gabi para hindi masyadong abala.
01:47Pero kakailanganin pa rin ani ang ipatupad ang inanunso noong odd event scheme sa EDSA
01:52para mabawasan ang volume ng sasakyan.
01:55Isusumitin ang DPWH sa Pangulo ang rekomendasyon.
01:59Oras na maisapinal na nila ang teknolohiyang gagamitin.
02:02Pagaman sa susuloy na taon pa ang rehab, tuloy pa rin ngayong taon.
02:06Ang plano ng Department of Transportation na dagdagan ang mga bus sa EDSA busway.
02:12Pinag-aaralan pa rin kung pwede nang paagahin ang operasyon ng MRT
02:16at kung pwede nang gamitin sa MRT ang 24 na mga bagon ng Dallian Trains
02:21na hindi agad nagamit dahil hindi lapat sa sistema ng MRT.
02:25Sa checklist nila ng Sumitomo, there are only I think 2 or 3 out of 10 left for the 8 trains.
02:35So if maklear yun, then we can start using these trains.
02:39Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong ang inyong saksi.
02:43Hindi pa rin inaalis ng pag-asa ang chance ng magkabagyo sa ating bansa sa mga susunod na araw.
02:50Huling na mataan ang binabantayang Low Pressure Area o LPA,
02:53125 kilometers hilaga-hilagang kanluran ng Kalayan, Cagayan.
02:59Ayon sa pag-asa, inaasahang mabagal itong kikilos papalayo sa Batanes.
03:03At pagdating ng weekend, unti-unti itong aakyat, pahilagang silangan malapit sa Taiwan.
03:08Hanggat na nanatili yan sa may tuktok o hilaga ng bansa,
03:11patuloy itong hihilahin ang habagat na magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa.
03:17Basa sa datos ng Metro Weather, bukas na umaga, posibleng maulit ang mga pag-ulan.
03:22Heavy to intense sa Ilocos Region,
03:24at pagsapit ng hapon, halos buong Luzon ang uulanin na malakas.
03:28At maging alerto po sa Bantanabaha o landslide.
03:32May mga pag-ulan din sa Visayas, lalo na sa western portions.
03:36May mga kalat-kalat na ulan din sa Mindanao.
03:39May chance rin na ulan dito sa Metro Manila.
03:44Aresado ang 30 taong gulang na lalaking nanggaha sa umano ng tatlong pamangkin
03:48at isang kapitbahay sa Davao de Oro.
03:51Ayon sa isa sa mga biktima, labing isang taong gulang siya
03:54ng unang halayin umano ng Tsuhi noong 2018.
03:58Binigyan daw siya ng pera para sumama sa sakahan
04:00at doon na umano nangyari ang krimen.
04:03Hindi daw siya nakapagsumbong noon sa kanilang mga gulang
04:06dahil tinakot siya ng suspect.
04:08Sunod naman daw na biniktima ang dalawang nakababatang kapatid.
04:12Nagsisisi na raw ang suspect na aminadong nagawa ang krimen
04:15habang gumagamit ng iligal na droga.
04:17Wala po pasok bukas July 4 sa lahat na antas
04:22sa pampubliko at pribadong paaralan sa Ilocos Sur.
04:25Luna, La Union, Masantol, Pampanga, Tabuk, Kalinga.
04:30Ganyan po sa Orani, Bataan,
04:32Sa Poso Rubio, Pangasinan,
04:34Umingan, Pangasinan,
04:35Binalupihan, Bataan,
04:37Imus, Cavite,
04:38at Kalumpit, Bulacan.
04:40Suspendido naman ang face-to-face classes sa lahat na antas
04:44sa Candaba, Pampanga.
04:46Wala rin face-to-face classes sa pampubliko at pribadong paaralan
04:49mula elementary hanggang high school sa Macabebe, Pampanga.
04:54At suspendido rin ang pasok sa pampubliko at pribadong paaralan
04:57mula elementary hanggang senior high school sa Cavite.
05:01Sa Dagupan City,
05:02suspendido ang face-to-face classes bukas.
05:07Diret-diretso ang motrosiklong yan hanggang mahulog sa malaking butas
05:11sa makilala Kutabato.
05:13Ayon sa pulisya,
05:14iniiwasan ng naturang rider
05:15ang dalawang road signage
05:17sa construction area sa lugar.
05:19Pero bumanga ito sa barrier
05:21at nag-overshoot sa malaking butas.
05:25Patay po ang rider.
05:30Enjoy na enjoy sa kanilang workation
05:36ang mag-asawang Dennis Trillo at Janelle Mercado sa Switzerland.
05:40Naroon sila para sa taping ng
05:41Sanggang Dikit for Real.
05:43Pero sa gitna po niyan,
05:44may oras silang mag-unwind.
05:46Mala rollercoaster ang peg
05:48ng kanilang toboggan ride.
05:50At nag-sightseeing din sila sa Grindelwald
05:52kasama si Baby Dilan.
05:55Hindi rin syempre makukumpletong trip
05:56kung walang family picture.
05:59Hindi rin nila pinalampas
06:00na makita ang mga trend
06:01sa Zurich.
06:06Salamat po sa inyong pag-saksi.
06:08Ako po si Pia Arcangel
06:09para sa mas malaki misyon
06:10at sa mas malawak
06:12na paglilingkod sa bayan.
06:13Mula sa Jimmy Integrated News,
06:15ang news authority ng Filipino.
06:17Hanggang bukas,
06:18sama-sama po tayong magiging
06:20saksi.
06:21Saksi!
06:21Mga kapuso,
06:27maging una sa saksi.
06:29Mag-subscribe sa Jimmy Integrated News
06:31sa YouTube
06:31para sa ibat-ibang balita.
06:33bleb- Kaito mankola.
06:35unICA to hea,
06:35musta is a time of
06:36gàt thunder!
06:38You know about.
06:39...

Recommended