Skip to playerSkip to main contentSkip to footer

Recommended

  • 6 days ago
Tiklo sa Cebu City ang chemical engineer na gumagawa umano ng iba't ibang uri ng droga, gaya ng party drugs. Sangkot din umano ang suspek sa sindikatong nagdadala ng droga sa Central at Western Visayas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ticklo sa Cebu City, ang chemical engineer na gumagawa umano ng iba't ibang uri ng droga gaya ng party drugs.
00:09Sangkot din umano ang suspect sa sindikato na nagdadala ng droga sa Central at Western Visayas.
00:15Nakatutok si Alan Domingo ng GMA Regional TV.
00:19Iba't ibang uri ng kimikal na ginagamit umano sa paggawa ng illegal drugs ang tumambad sa mga operatiba ng salakayin ang ikatlong palapag ng apartment na ito sa Cebu City.
00:36May mga kapsol na naglalaman umano ng party drugs, powderized substance at sa loob ng unit may malaking exhaust tube.
00:44Nakita natin doon na may iba't ibang makina kung saan yung mga makinang yun accordingly pang-bix ng iba't ibang klaseng powdery substance.
00:54May mga na-recovered ding dalawang armas at mga bala.
00:58Ayon sa mga otoridad, apat na buwan minamanmanan ang 32 anos na suspect at isang chemical engineer.
01:05Dati na raw siyang nasakuti sa isang bybus.
01:08At dito sa inupahang kwarto, gumagawa umano siya ng mga iligal na droga.
01:13Pinakaulo ng sindikato ng ecstasy at cocaine na siyang responsable sa pagpapalaganap ng mga party drugs dito sa Central Visayas, sa Western Visayas at sa iba't iba pang karatig lalawigan.
01:30Online din umano ang transaksyon at idinadaan sa courier at delivery services ang paghatid ng mga kontrabando.
01:37Inaalam pa ng autoridad kung may iba pang sangkot sa iligal operasyon ng suspect.
01:45Inaalam din kung saan niya kinukuha ang sangkap sa paggawa ng iba't ibang klase ng illegal drugs.
01:51Hindi nagpa-unlock ng panayam ang suspect at maging ang kanyang live-in partner na naaktuhan sa kwarto.
01:58Inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampal laban sa kanila.
02:02Mula sa JMA Regional TV at JMA Integrated News, Alan Domingo na Katotok, 24 Horas.

Recommended