Pinatawan ng Chinese Foreign Ministry ng tinawag nitong parusa, si dating Senador Francis Tolentino dahil sa inasal nito kaugnay ng mga issue na may kinalaman sa China. Pinagbawalan siyang pumasok sa Chinese mainland, Hong Kong at Macau. Tugon ni Tolentino, isa raw karangalan para sa kanya na ipagtanggol ang soberanya ng Pilipinas.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pinatawa ng Chinese Foreign Ministry ng tinawag nitong PARUSA si dating Sen. Francis Tolentino dahil sa inasal nito kaugnay ng mga issue na may kinalaman sa China.
00:11Pinagbawalan siyang pumasok sa Chinese mainland, Hong Kong at Macau.
00:15Tugon ni Tolentino, isa raw karangalan para sa kanya na ipagtanggol ang Soberenya ng Pilipinas.
00:21Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:23Isang araw lang matapos ang termino sa Senado ni Francis Tolentino.
00:31Agad naglabas ang anunsyon Chinese Foreign Ministry.
00:34Bawal tumuntong ang dating senador sa Chinese mainland, sa Hong Kong at Macau.
00:39Sanksyon o PARUSA raw ito ng China kay Tolentino sa anilay egregious o napakasamang inasal nito pagdating sa mga issue may kinalaman sa China.
00:46Si Tolentino ang pangunahing sponsor at isa sa mga mayakda ng naisang batas ng Philippine Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Act sa Senado
00:54na nagdeklera na Soberenya at Hurisdiksyon sa Internal Waters, Territorial Sea at Archipelagic Waters sa bansa.
01:00Mga batas na maring pinalaga ng China.
01:03At ilang linggo lang bago matapos ang kanyang termino, naibunyag sa pinahunahan niyang Senate Investigation,
01:08ang pang-e-espia umunan ng China sa bansa.
01:10Dagdag ng China Foreign Ministry, meron daw talagang pagbabayaran sa pananakit sa interes ng China.
01:17Hindi naman natitinag si Tolentino sa mga ipinatao na sanctions ng China.
01:21Kapalit ng kanya raw paglaban para sa karapatan, dignidad at soberanya ng sambayan ng Pilipino sa West Philippine Sea.
01:27Tama lang naman po siguro yung ginawa natin, hindi lang bilang isang senador noong panahon yun,
01:32hindi bilang isang Pilipino. It's a badge of honor.
01:36Kara nga lang po pong ipagtanggol sa karapatan ng Pilipinas.
01:41Kara nga lang po pong ipagtanggol ang interes ng mga Pilipino.
01:44Patuloy daw niya ipaglalaban ang kung anong nararapat para sa bayan
01:47at titindig sa panig ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard
01:51at ng mga mangis ng Pilipinong umaasa sa karagatan para sa kanilang kabuhayan.
01:56Kahit bilang isang ordinaryong mamamayan,
01:59gagawin ko po yung ginawa ko na ipaglaban ang interes ng Pilipinas
02:03at panindigan ang para sa Pilipino.
02:06Kung ano man yung kaparusahang dinawad ng isang malaking bansa sa akin,
02:10hindi po masusukil yung aking panindigan na ipaglaban ang interes ng ating pagsa.
02:19Ayon sa DFA, bagamat may karapatan ng China na magpatupad ng ganito mga sanksyon,
02:24ay malinaw na hindi ito nakakatulong sa pagbuo ng tiwala
02:26at pagpapabuti ng bilateral relations sa Pilipinas at China.
02:30Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.