Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/27/2025
24 Oras: (Part 3) Subway sa South Korea, sinilaban ng isa sa mga pasahero; lagay ng panahon ngayong weekend; uod na may buntot, nagbigay kilabot nang mamataan sa La Union; kwelang sagot ni Rhian Ramos sa mga gigil kay Mitena dahil sa mga namatay na character sa Encantadia, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00KUYA KIM
00:03Nakaramdam ng kilabot ang isang babae sa La Union
00:08nang may makita raw itong kumikislot-kislot na uod
00:11na tila ba merong buntot?
00:13Ano kaya ito?
00:15Kuya Kim, ano na?
00:19Ang mansyan ng damit, kaya raw labhan ni Esperanza.
00:24Pero ang kanyang takot nang makita ang uod na ito
00:27na kumikislot-kislot at meron pang buntot.
00:30Mahirap daw burahin.
00:31Nagtataka ako may mahaba siyang buntot.
00:34Ang uod, nais patan daw niya sa poso nilang ito sa San Fernando La Union.
00:38Galaba po ako nung time na yun eh.
00:40May nakita po akong gumagalaw-galaw dun sa may mga naipong tubig.
00:44Last night, chineg ko ulit. Mas madami sila.
00:48Tapos napansin ko din, yung buntot nila, nakalagay lang sa surface ng ano.
00:52Siguro dun sila nag-breed or dun sila humihinga sa buntot na yun.
00:56Para mabigyan linaw, ang nakuha nang yung video, ipinost niya sa isang Facebook group.
01:00Di talagang nag-react yung mga tao dun eh.
01:02Ano nga bang nakita ni Esperanza habang siya'y naglalaba?
01:05Muya!
01:05Muya!
01:05Muya!
01:06Muya!
01:06Ano na?
01:06Ang tawag sa nakita ni Esperanza, rat-tailed maggot, isa itong larva na kapag tumanda nagiging isang klase na langaw, ang Aristalis tenax o dronefly.
01:17Tinawag na dronefly kasi kahawig siya nung drone ng honeybee. Hindi siya peste, diba?
01:23Makakonsider nga natin siyang beneficial organism kasi pollinator siya.
01:28Kaya naman tinawag na rat-tailed maggot dahil meron itong tila mahabang buntot na parang sa daga.
01:33Pero hindi ito buntot kundi isang breathing tube.
01:35Ito ay tube na ginagamit nila para makahinga sila sa tubig. It can extend up to like 10 times the length of the body such that makarating yung tip sa air para makuha nyo yung air sa labas.
01:52Hindi naman daw delikado sa ating mga tao ang mga rat-tailed maggot. Pero dahil nabubuhay ang mga ito sa marunumin tubig, maali silang magtala ng bakterya na pwedeng magkontamina sa ating pagkain o inumin.
02:03Kaya para maiwasan ang mangyari ito, dapat manatilihin nating malinis sa ating kapaligiran.
02:08Posibleng present na rin doon ang mga lamok, ang mga langaw, and eventually i-invite niyan ang mga daga, ang mga ipis.
02:16Ang makakapag-correct nito ay yung sufficient na sanitation.
02:20Hindi man siya peste, but again, this is an indicator that we have a problem in our water.
02:27Laging tandaan, kiimportante ang may alam.
02:29Ako po si Kuya Kim at sagot ko kayo 24 oras.
02:37Mga kapuso, nag-dissipate o nawala na kanilang hapon yung low-pressure area na minomonitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
02:44Pero ayon sa pag-asa, may bagong cloud cluster o kumpol ng mga ulap sa silangan ng Luzon.
02:50Hindi inaalisan tsansa na mabuo yan bilang panibagong sama ng panahon o low-pressure sa mga susunod na araw.
02:56Sa ngayon, wala pa naman itong efekto sa bansa pero dahil pa rin sa habagat, magpapatuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas.
03:03Base sa datos ng Metro Weather, maulan sa kalos buong bansa bukas lalo na po sa kapon.
03:07May matitinding ulan pa rin, gaya ng posibleng maranasan, sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon, Bico Region, Western Visayas at malaking bahagi ng Medinao.
03:17Halos ganito rin ang panahon sa linggo pero mas malawakan at mas marami na ang malalakas na pag-ulan.
03:23Maging alerto dahil mataas din ang Bantanamaha o landslide.
03:26Posible rin ang mga pag-ulan ngayong weekend sa Metro Manila kaya mag-monitor ng rainfall advisories ng pag-asa.
03:37Kakulangan sa silid-aralan na tupuan ang suliraninang maraming pampublikong paaralan sa bansa.
03:46Malaki efekto niyan sa mga mag-aaral na hirap makapag-focus sa eskwela.
03:52Kaya para tugunan niyan na mahagi ng school armchairs at teacher's desk, ang GMA Kapuso Foundation, katuwang ang ating sponsor.
04:07Sinong makakalimot sa iniwang bangungot ng bagyong ondoy noong 2009?
04:14Sa paghagupit nito sa malaking bahagi ng Guzon, maraming buhay ang nawala.
04:22Kabi-kabi lari ng pinsala hindi lang sa maraming bakay, kundi pati sa mga ipatibang infrastruktura.
04:29Kaya nagpatayo ang GMA Kapuso Foundation ng apat na Kapuso Classroom doon.
04:40Pero makalipas ang labing limang taon.
04:44Tila nanumbalik ang pangamba ng mga guro at mag-aaral.
04:48Dahil naman sa bagsik ng bagyong karina at enteng noong nakaraang taon.
04:55Nasira ang mga gamit sa eskwelahan pati na mga upuan.
04:59Sa kabutiang palad naman po, kahit ano pong bagyo yung dumaan sa atin, hindi naman po nasa danta ang ating building.
05:07Ang mga Kapuso Classroom, ating ipinaayos.
05:12At binambahagi ng Kapuso ng Kalikasan Project,
05:15binigyan natin sila ng 35 armchairs at teacher's desk.
05:20Ang mga upuan mula sa reclassified project ng McDonald's Philippines.
05:26Kung saan ang mga luma at nagagamit pang furniture sa kanilang mga restaurant,
05:32pinaganda, pinatibay, at nilagyan pa ng stainless metal arm para maging komportable ang studyante sa pagsusulat.
05:41Ito ay para tugunan ang kakulangan ng upuan sa mga pampublikong eskwelahan.
05:47Malaking tulong po ang upuan na ito.
05:48Ito pong ibinigay niyo ay makokomplete somehow yung mga kakulangan ng paralan pagdating po sa mga upuan.
05:55Sa mga nais makiisa sa aming mga proyekto, maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account
06:03o magpadala sa simwa na loon year.
06:06Pwede ring online via Gcash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
06:14Dumepensa ang Ombudsman sa mga akusasyon tungkol sa pag-aksyon nito sa reklamo
06:19kaugnay ng paggamit ni Vice President Sara Duterte ng confidential funds.
06:24Get nito, hindi inaagaw sa Kamara ang kapangyarihang mag-impeach.
06:29Pag-hahin ng kontra sa Laysay ang PIS-BISE kaugnay ng reklamo.
06:33At nakatutok si Joseph Moro.
06:35Nag-sumite na ng kanyang sagot o counter affidavit si Vice President Sara Duterte sa summons na ipinadala sa kanya ng Ombudsman.
06:46Ito ay kaugnay ng reklamo base sa committee report ng Kamara na inihain sa Ombudsman.
06:52Kaugnay ng umunima nung maliyang paggamit niya ng confidential funds in Department of Education at Office of the Vice President.
06:59Pagkatapos naman ito ay bibigyan din ng Ombudsman ng sampung araw ang Kamara para sa kanilang tugon sa sagot ng Vice President.
07:06Ikinagulat ng Kamara ang pag-aksyong ito ng Ombudsman sa committee report ng Kamara.
07:11Ikinabahala pa ng ilan na baka maka-apekto ito sa impeachment complaints sa Senate Impeachment Court,
07:17lalo na kung sakaling i-dismiss o ibasuran ng Ombudsman ang findings ng Kamara.
07:22Pero sabi ni Ombudsman Samuel Martires, kung ayaw daw ng Kamara na may maka-apekto sa impeachment laban sa Vice President,
07:29bakit daw isinimitin ng Kamara ang committee report nito sa Ombudsman?
07:33Ang Office of the Ombudsman, pag nakatanggap ng committee report from both houses,
07:42from any of the houses, from the Senate or from the House of Representatives,
07:48we treat it as a complaint.
07:50We do not treat it as a paperweight or a scratch paper na titignan lang namin.
08:00So sino ang magiging complainant dito?
08:04Ala nga naman ang magiging complainant ang Office of the Ombudsman.
08:07Sinagot ni Martires ang mga akusasyon ng kanyang paggalaw ay dahil appointee siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang posisyon sa gobyerno.
08:17Hindi ko naman itirahihiyak, hindi ko itinatatwa na ako'y naging associate justice ng Supreme Court dahil kay Digong.
08:30Hindi ko rin itinatatwa na ako'y naging Ombudsman dahil kay PRRD.
08:37Mula nang ako'y in-appoint ni Digong sa Supreme Court hanggang sa Ombudsman, niminsan ay hindi nakiusap sa akin si Digong.
08:49Sa mga nagsasabing sana ay patapusin muna ng Ombudsman ang Senate Impeachment Court sa paglilitis nito.
08:55Do I look stupid to you? Did I in the past do something that is against the law?
09:02Ayon kay Ombudsman Martires, fact-finding ang ginagawa ng kanyang opisina na hindi makakapekto sa impeachment.
09:09We are not grabbing the powers of Congress to impeach an impeachable officer.
09:18No. Neither are we trying to supplant the findings of the House of Representatives with respect to the impeachment complaint of the Vice President.
09:31We are not going to dismiss anything. What is there to dismiss when our power is only to investigate?
09:39Paliwanag pa ni Martires ang ginagawa nilang investigasyon na kadepende pa sa kalalabasan ng Impeachment Court.
09:46What we have at the moment is the power to investigate and not to prosecute.
09:52The Ombudsman or any investigating body has to await the result of the impeachment proceedings.
10:00If the impeachment proceedings will result in the conviction of the Vice President,
10:06then the Ombudsman or any investigative body, even the DOJ, can file the necessary case now, criminal case, against the Vice President.
10:18But if the Vice President is acquitted by the impeachment court,
10:24wala kami power to charge that.
10:29Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
10:34Inalabas na ang video ng panununog ng tren ng isang lalaki sa South Korea na ikinasugat ng 6 na tao ni Tung Mayo.
10:41Sa surveillance footage noong May 31 na inilabas ng Seoul Southern District Prosecutor's Office,
10:46kita ang isang lalaking sakay ng siksikang bagon na may kinuha po sa kanyang bag.
10:52Bote ito na may lamang palang gasolina na ibinugos niya sa bagon.
10:56Nagpulasan naman ang iba pang pasayero at meron pang nadulas.
10:59Kasunod nito'y sinilaban ng lalaki ang tren na nabalot agad ng makapalat maitim na usok.
11:04Sabi ng mga investigador,
11:06pinlano ng 67 taong gulang na lalaki ang Arson.
11:09Kasunod ang kanyang diborsyo.
11:11Kinasuan na siya ng attempted murder at Arson.
11:13Kagunay naman ang pagtulong ng Justice Department sa mga Pilipinong tetestigo
11:19sa International Criminal Court o ICC.
11:23Sinabi ng malakanyang na hindi ito direct ang pagtulong sa ICC.
11:29So hindi pa rin po tayo nakikipagdayan, nakikipagtulungan sa ICC?
11:34Yes, directly hindi po.
11:35Hindi directly makikipagtulungan sa ICC.
11:39At ayon din naman po sa DOJ,
11:42kahit sino pang witnesses,
11:43kung ito po ay witnesses ng mga biktima,
11:46mapa-ICC man po ito o sa ibang mga pagkakataon,
11:50tutulungan pa rin po nila.
11:52Yun din lang po ang gusto ng Pangulo,
11:53mabigyan ng justisya ang dapat mabigyan ng justisya.
11:57Bago nito,
11:58ay sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia
12:01na ang ICC ang humingi ng tulong
12:04para protektahan ang mga testigo.
12:07Kaya inutusan ang Kalihimang Witness Protection Program
12:10na bigyan ng siguridad ng mga testigo
12:13hanggang madalas sila sa kustodya ng ICC.
12:18Hindi lang mga iligal na nakaparada at negosyo
12:22ang nakahambalang sa ilang bangketa kaya sinita ng MMDA.
12:26May mga bahagi na rin ng bahay,
12:27pati fire hydrant ay ginamit sa paghugas at pagliko,
12:31nakatutok si Oscar Oyda.
12:35Bumungad sa MMDA Special Operations Group Strike Force
12:39ang patong-patong na kahoy na basta nalang iniwan
12:42sa may bangketa sa Andes Circle sa Maynila.
12:45Hinala ng MMDA,
12:47pambenta ito na walang mapagimbakan
12:49kaya dito iniwan.
12:52Hindi tuloy malakaran ang bangketa.
12:54Hindi natin pinipigilan na maghanap buhay ang ating mga kababayan.
12:59But then again, lagi natin pinapaalalahanan,
13:01sidewalk is meant for pedestrian.
13:03Sa bahagi ng R10 Road na nasa tondo sa Maynila,
13:07mga nagbebenta ng saging naman ang inabutan.
13:11Ang iba, hindi lang sa bangketa,
13:14kundi sa mismo kalsada na pumuesto.
13:17Pang ilang beses na umuno ito.
13:19May pwesto naman po kayo.
13:21Bakit pa po kayo?
13:22You have to resort to selling your items sa kalsada mismo.
13:26Sa Morione State naman,
13:28ginawa ng extension ng mga bahay at tindaan
13:30ang mga bangketa.
13:32Meron ding mga iligal na nakaparada.
13:36Ang mga ganyan sa dagupan sheet na unattended o walang bantay,
13:41pinagbabatak.
13:42Kalunos-lunos din ang kundisyon ng ilang bangketa,
13:45matapos minstulang gawin ang bahay ng ilan.
13:47Ang isang hydrant nga, ginamit na mo nung hugasan at paliguan.
13:53Ang dagupan po is part of the mabuhay lane.
13:56So ang purpose po ng mabuhay lane is to serve as an alternate route
13:59to lessen the congestion sa mga major toro fairs.
14:03Sa bahagi ng Chino Roses Avenue Extension naman,
14:08na nasa boundary ng Makati at Taguig,
14:10may ilan pa rin pumaparada ng alanganin.
14:13Sa tapat ng isang karinderiya,
14:15kaabilaan ng kalsada ang may nakaparada.
14:17Ganon din sa harap ng ilan pang establishmento sa lugar.
14:20Paulit-ulit po natin pinapasadahan yan.
14:23What we have to do lang talaga dito is we have to be consistent,
14:26paulit-ulit, hindi man natin kayang araw-arawin,
14:29but we will operate then every once in a while po
14:31para kahit pa paano magkaroon po ng muscle memory
14:33and kahit pa paano,
14:35malesen din po yung pagiging pasaway po natin sa kalsada.
14:40Para sa GMA Integrated News,
14:42Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
14:45Iniimbestigahan ng Bacaor City Police
14:49sa amparanambang sa isang lalaki sa Bacaor, Cavite.
14:51Sakuha ng CCTV.
14:53Sinundalang suspect ang biktima sa isang eskinita
14:55saka ito pinagbabaril.
14:57Nakatutok si Jomera Presto.
15:03Baga alas 5 kahapon nang mahagip sa CCTV
15:06ang babaeng ito na tumatakbo
15:08papunta sa barangay hall ng Zapote 2 sa Bacaor, Cavite.
15:12Makalipas ang ilang saglit,
15:13kasama na niya ang kapitan ng barangay.
15:16Responde na pala ito sa nangyaring pananambang
15:18sa isang eskinita.
15:20Sa kuhang ito, makikita pa ang biktima
15:21na nakahandusay ilang metro
15:23papunta ng Aguinaldo Highway.
15:25Ayon sa barangay,
15:27dalawang putok ng baril
15:28ang umalinga-ungaw sa kanilang lugar.
15:30Nirespondihang kaagad namin,
15:32nakita nga namin na may nakahandusay na rin
15:34na may tama ng balas sa ulo
15:36at sa katawan.
15:37Dispatcher daw siya ng dyan sa sakaya ng alabang.
15:41Sabi ng barangay,
15:43person of interest na na maotoridad
15:45ang lalaking ito
15:45na nakuha ng naglalakad
15:47sa bahagi ng Tramo Street.
15:49Huminto siya sa isang tindahan
15:50at bumili pa raw ng sigarilyo
15:52bago pumasok sa eskinita.
15:54Makalipas ang 20 minuto,
15:56makikita ang biktima
15:57na naglalakad papasok sa eskinita.
16:00Hindi na nahagip sa CCTV
16:01ng barangay ang aktual na pamamaril
16:03pero mayroon daw footage
16:05mula sa pribadong CCTV
16:06ang nakuhan ng mga pulis.
16:08Base sa kuha ng pribadong CCTV,
16:11makikita pa ang gunman
16:13na nagtago doon
16:14at tumayo
16:15nang makita ang biktima.
16:16Sinundan niya ito
16:17at malapit ang pinagbabaril
16:19hanggang sa tuluyang namatay
16:21ang biktima.
16:22Sabi ng barangay,
16:24blanco sila
16:24sa posibleng ugat ng pamamaril
16:26dahil hindi nila residente
16:27ang biktima.
16:28Patuloy pa ang follow-up operation
16:30ng mga tauhan
16:30ng Bakuor City Police Station
16:32para mahuli ang gunman
16:33at malaman ang motibo
16:35sa pananambang.
16:36Para sa GMA Integrated News,
16:39Jomer Apresto nakatutok,
16:4024 oras.
16:45Ngayong gabi sa Incantadia Chronicle Sangre,
16:48magkakaalaman kung anong mas matindi,
16:51yelo o apoy.
16:53Bago ang paghaharap na yan
16:54ni Perena at Metena,
16:55maraming tagalireo
16:56na minahal ang character
16:58ang kailangan ng mamaalam.
17:01Kaya naman,
17:01si Rian Ramos,
17:02may ko ilang sagot
17:03sa mga Incantadix
17:04na gigil sa kanyang road.
17:05Maki-chica kay Larsen Chagol.
17:11Dumating na ang lamig ng puso
17:13ni Mitena sa lireo.
17:17Nakakangatog sa inis
17:18at nakakadurog ng puso
17:20ang magkakasunod na pagkamatay
17:23ng mga taga-Incantadia.
17:25Mula kay Hara Cassandra,
17:27hindi mapapasayo ang mga rireo.
17:32Nasinundan ni Namira at Lira.
17:34Mira!
17:41Nakuhan na rin ni Mitena
17:43ang brilyante ng hangin
17:45at brilyante ng tubig
17:49mula kay Alena
17:52na ikinulong pa.
17:57Dahil sa mga tagpo
17:58sa Incantadia Chronicles,
18:00sangre,
18:01biro ng isang netizen,
18:03wala mo nang gagawa ng ice
18:05at wala mo nang bibili
18:07ng yelo.
18:09Pabirong sagot ni Rian,
18:11magmainit na tubig muna
18:12this week.
18:14Dahil parang di raw siya
18:15muna makakalabas
18:17ng bahay
18:18sa galit ng Incantadix.
18:21Hindi pa rin ako makapaniwala.
18:22I feel like this is
18:24a childhood dream coming true.
18:27And I'm very honored
18:29to be chosen to play this role.
18:31Mamaya,
18:32susunduin na ni Nabanak
18:34at Nakba si Sangre Danaya
18:36sa mundo ng mga tao.
18:39Unung daan muna sa Incantadia
18:40patungo dito sa mundo
18:41ng mga mortal.
18:42Makakaharap na rin
18:43ni na Sangre Pirena,
18:45Flamara at Adamus,
18:47si Mitena,
18:48kasama si Deya.
18:50Pud siluhod kayo
18:51at kilalanin ako
18:52bilang bagong reina ninyo.
18:55Puring-puring araw ni Rian
18:56ang co-stars
18:57lalo ang mga bagong Sangre.
19:00It gives me so much hope talaga
19:02for the entertainment industry
19:04to see these young
19:06actors being so professional
19:09and giving so much importance
19:11to the work that they do.
19:13I think you will all
19:15really love their performances also.
19:20Parang lahat naman kami
19:21nag-extra effort.
19:22We dug deep talaga
19:23para gawing totoo
19:24yung mga karakter namin.
19:27Ngayong Pride Month,
19:28nagpakita rin ang suporta si Rian
19:31sa Pride Run sa Quezon City
19:33ng LGBTQIA community.
19:37We want to celebrate with them also
19:39because even in the showbiz industry,
19:42ang layo-layo na natin today
19:44from where we used to be.
19:45Kasama niya rito
19:46si Allen Dizon.
19:49Yung Pride Month na ganito,
19:51parang asarap
19:51asarap na lang
19:52para sarap makita
19:54na meron siya lang
19:55unity, di ba?
19:57Pag mahal mo siyang tao,
19:58it's unconditional eh.
19:59Kahit ano man siya,
20:00kahit sino siya,
20:01kapag mahal mo,
20:02so kailangan mo talagang
20:03palindigan.
20:06Kamusta na si Lara?
20:08Napapanood naman si Allen
20:10sa GMA Prime Series
20:12na Sanggang Dikit for Real
20:14na pinagbibidahan
20:15ng mag-asawang
20:17Jeneline Mercado
20:18at Dennis Trillo.
20:20Ang aksyon at adrenalin sa set,
20:23gusto na nga raw nilang
20:24dalhin off-cam
20:25kaya nagkakaayaan na
20:27sa paborito nilang libangan.
20:30Pinag-usapan namin,
20:31mag-ride kami.
20:32Mag-bumotor kami,
20:32isip nag-bumotor sila,
20:33so gusto nilang mag-ride
20:34sa Papanga,
20:35sa North.
20:37Lars Santiago
20:39updated
20:40sa showbiz happening.
20:44Inaayos na rin
20:45ang mala VFA
20:47na kasunduan
20:48ng Pilipinas
20:49at Canada.
20:50Ang update
20:51sa pagtutok
20:52ni JP Soriano.
20:56Nakatakdang pumirma
20:57sa isang
20:58Visiting Forces Agreement
20:59ang Pilipinas
21:00at Canada.
21:02Matapos
21:02ang naging negosyasyon
21:03sa status of
21:04Visiting Forces Agreement
21:05o ZOFVA
21:07noong Marso.
21:08Ayon sa Department
21:09of Foreign Affairs,
21:10ito ay ang kasunduan
21:11sa pagitan ng
21:12Department of National
21:13Defense
21:14ng Pilipinas
21:15at Embassy of Canada
21:16sa Pilipinas
21:17para sa isang
21:18defense cooperation program.
21:20Kabilang diyan
21:21ng military education,
21:22training exchanges,
21:24information sharing,
21:26peacekeeping operations
21:27at disaster response
21:29sa pagitan ng
21:30Canada
21:30at Pilipinas.
21:32Ang Pilipinas
21:32meron ng katulad na
21:34Visiting Forces Agreement
21:35sa Amerika at Japan
21:36at kinakausap na
21:38ang iba pang bansa
21:39gaya ng New Zealand
21:40at France.
21:42Bukod sa VFA,
21:44mas palalakasin din daw
21:45ang maritime cooperation
21:46ng Canada
21:47at Pilipinas.
21:48Inaasahang bibisita
21:49sa Pilipinas
21:50ang mga Canadian
21:51frigates
21:52na lalahok
21:53sa mga paglalayag
21:54sa West
21:54Philippine Sea.
21:56Lahat ng ito
21:57matatalakay
21:58sa susunod na
21:59Philippine-Canada
21:59maritime dialogue
22:00na magaganap
22:01ngayong taon.
22:02Sa selebrasyon
22:14ng Canada Day
22:142025 na inorganisa
22:16ng Embahada
22:17ng Canada
22:17sa Pilipinas,
22:19nagpasalamat
22:20ang DFA
22:20sa suporta ng Canada
22:21sa gitna
22:23ng mga pangaharas
22:24ng China sa Pilipinas
22:25sa West
22:25Philippine Sea.
22:32Ang tinutukoy
22:36na 2016
22:37Arbitral Award
22:38ng DFA
22:38ay ang desisyong
22:40nagbasura
22:40sa 10-line map
22:42ng China
22:42at nagsasabing
22:44iligal
22:44ang pangaangkin
22:45nito
22:46sa West
22:47Philippine Sea.
22:48Para sa GMA
22:49Integrated News,
22:51ako po si
22:51JP Soriano,
22:53nakatutok
22:5324 oras.
22:56Hindi lang sa
22:57telebisyon
22:57sinusubaybayan
22:58ang 24 oras,
23:00kundi pati na rin
23:01sa bago nitong
23:01podcast.
23:03Wala pang isang linggo
23:04mula ng Ilunsad
23:05ang 24 oras podcast
23:06at nakuha agad dito
23:08ang top ranking
23:09sa Apple Podcast
23:10sa bansa.
23:11Nanguna ito
23:12sa news category
23:13habang mga lawa naman
23:14sa overall
23:15across all categories.
23:17Nakatutok si Darling Kai.
23:19Wala pang isang linggo
23:27mula ng Ilunsad
23:28number one na
23:29ang 24 oras podcast
23:31sa news category
23:32ng Apple Podcast
23:33sa Pilipinas.
23:34Number two naman ito
23:35across all categories.
23:36Inilunsad ang 24 oras podcast
23:38itong June 23
23:40para pwede rin
23:40pakinggan ng 24 oras
23:42at 24 oras weekend
23:44while on the go.
23:46Grateful at proud
23:47ang GMA Integrated News
23:48sa overwhelming response
23:50sa mga Pilipino
23:50sa 24 oras podcast.
23:53Ayon kay Senior Vice President
23:54at Head ng GMA Integrated News,
23:57Regional TV at Synergy,
23:58Oliver Victor B. Amoroso.
24:00Ang 24 oras podcast
24:02ay binuo ng GMA Integrated News
24:04Digital Strategy and Innovation Lab
24:06in collaboration with 24 oras
24:08at GMA New Media Incorporated.
24:10Para sa GMA Integrated News,
24:11Darlene Kai,
24:12nakatutok 24 oras.
24:16Maraming maraming salamat po
24:17sa inyong lahat.
24:19At yan ang mga balita
24:20ngayong biyernes.
24:21Ako po si Mel Tiyanko.
24:22Ako naman po si Vicky Morales
24:23para sa mas malaking mission.
24:25Para sa mas malawak na paglilingkod
24:26sa bayan.
24:27Ako po si Emil Subangio.
24:28Mula sa GMA Integrated News,
24:30ang News Authority ng Pilipino.
24:32Nakatutok kami 24 oras.

Recommended