00:00Maganda nga po mula sa DOST pag-asa. Ito ang ating weather update ngayon June 26, 2025.
00:06Tuluyan na po na lumayo sa ating bansa yung minomonitor natin na tropical depression.
00:10Sa kasalukuyan ay nasa 1,205 ito, west of extreme northern Luzon.
00:15Wala itong efekto sa anumang parte sa ating bansa.
00:19Ang minomonitor natin ngayon ay yung low pressure area sa labas din ng Philippine Area of Responsibility.
00:24Tulad ng tropical depression na binanggit natin kanina ay wala rin itong direktang efekto sa anumang parte ng ating bansa.
00:31Ang nagpapaulan po sa atin ay yung southwest monsoon or habagat.
00:35Ito po ay magdadala ng mga kaulapan na may kasamang mga ulan dito sa Pangasinan, sa Sambales, sa Bataan, sa Occidental Mindoro, sa Oriental Mindoro, sa Palawan,
00:45kasama yung western Visayas at ganoon din sa buong Mindanao.
00:49Kaya yung patuloy na posibilidad ng mga pagulan dito ay maaaring magdulot ng mga pagbaha at paguhon ng lupa.
00:56Kaya pinaalalaan na natin yung ating mga kababayan na magdala ng payong at magingat.
01:02Sa natitirang parte ng ating bansa ay patuloy na makakaranas tayo ng maaliwalas na kalangitan
01:07na may posibilidad ng mga localized thunderstorms lalo na sa hapon at sa gabi.
01:13Para sa ating forecast bukas, dahil pa rin sa epekto ng habagat ay magiging maulap at may mga pagulan na dito sa Metro Manila,
01:21sa western side ng Central and Southern Luzon, kasama yung Palawan.
01:25Pero sa natitirang bahagi ng ating bansa, ang maaaring magpaulan ay yung tinatawag natin na localized thunderstorm.
01:31Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay 25 to 31, sa Baguio naman ay 17 to 24, sa Lawag ay 24 to 31, at sa Legaspi ay 25 to 33.
01:40Tulad ng binanggit natin kanina, ang Palawan ay patuloy na magiging maulap.
01:45Ganon din sa western Visayas at buong parte ng Mindanao dahil ito sa epekto ng hanging habagat.
01:53Pero sa natitirang bahagi ng Visayas, magiging maaliwalas ang ating kalangitan at mas maliit yung posibilidad ng mga pagulan.
02:01Agwat ng temperatura dito sa Puerto Princesa ay 25 to 32, ganon din dito sa Cebu,
02:06at sa Sambuanga ay 24 to 34, sa Cagayan de Oro ay 24 to 32, at sa Davao naman ay 24 to 33.
02:15Kasalukuyan na wala po tayo nakataas na gale warning o babala na may kinalaman sa matataas na alon sa anumang parte ng ating bansa.
02:24Para sa ating 3-day weather outlook o yung inaasahan na ating panahon,
02:27sa susunod na tatlong araw, simula Saturday hanggang Monday sa mga piling syudad sa ating bansa,
02:32sa Metro Manila, yung weekends po natin ay magiging maulan, kaya kung may lakad po tayo,
02:37huwag po natin kalimutan na magdala ng payong at kapote naman kung tayo nagmomotor.
02:41Sa Monday ay magiging maaliwalas na yung ating kalangitan sa Metro Manila,
02:46at ganon din sa Baguio City simula Saturday hanggang Monday.
02:49Sa Legaspi naman, sa Saturday ay magiging maaliwalas yung ating kalangitan,
02:52yung maaaring magpaulan lang ay yung localized thunderstorm.
02:55Pero sa Sunday at sa Monday, manunumbalik yung cloudy skies na may kasamang mga pagulan.
03:02At dito naman sa kabisayaan, sa Metro Cebu, sa Iloilo City at sa Tacloban City,
03:07sa Saturday po ay maaliwalas ang ating kalangitan.
03:10Pero dahil sa patuloy na magiging epekto ng hanging habagat,
03:14sa Sunday at sa Monday ay magiging maulap na po sa malaking bahagi ng ating kabisayaan.
03:19Kaya sa Sunday at sa Monday po ay magiging maulap at mas mataas na yung posibilidad ng mga pagulan.
03:25Sa Metro Dabao at sa Cagayan de Oro ay maaliwalas po yung ating kalangitan.
03:30Ang mga maaaring magpaulan lang ay yung mga localized thunderstorm.
03:32Ganon din sa Sambuanga sa Saturday.
03:35Pero sa Sunday at sa Monday dito sa Sambuanga ay manunumbalik tayo sa maulap na kalangitan
03:40at mas mataas na yung posibilidad ng mga pagulan.
03:44Meron po tayong nirelease na bagong product.
03:46Ito po yung www.panahon.gov.ph
03:50Dito po sa ating website na ito or platform ay maaaring natin makita
03:55kung saan yung mga lugar na meron tayong in-issue
03:57na maaaring magkaroon ng localized thunderstorm at heavy rainfall warnings.
04:02Halimbawa po ay pipindutin natin itong bell icon sa upper right portion ng website.
04:07Lalabas po itong mga nakahighlight na mga lugar.
04:09At kapag pinindut po natin yung isa dito sa mga nakahighlight na lugar
04:13ay lalabas kung anong mga municipality yung maaari na magkaroon
04:19o maka-experience ng mga thunderstorms sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
04:24Ang ating araw ay lulubog mamayang 6.29 at muling sisikat bukas ng 5.30 ng umaga.
04:30Para sa karagdagang informasyon,
04:32pwede po tayong bumisita sa social media pages ng Pag-asa