00:00Muling binigandiin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang ng pamahalaan para itaguyod ang kapakanan at kaligtasan ng Filipino seafarers.
00:09Sa pagdiriwang kahapon ng Day of the Seafarers, ipinunto ng Pangulo ang pagbalangkas ng gobyerno ng mga polisiya para mapataas ang dignidad ng mga mandaragat at matiyak na mapapalawak ang mga oportunidad para sa kanila.
00:24Kinilala rin ng Presidente ang disiplina, kakayahan at dedikasyon ng mga maritime worker na nagsasakripisyo sa trabaho at malayo sa kanilang pamilya.
00:35Ipinunto pa ng puno ekotibo ang papel ng Maritime Industry Authority sa pagpapayabong pa ng Filipino seafarers bilang global asset.
00:44Ayon sa Department of Migrant Workers, humigit kumulang 500,000 Filipino seafarers ang naipadala sa iba yung dagat noong 2024.
00:54Iniulat naman ang Banko Sentral ng Pilipinas na umabot sa 6.94 million US dollars ang remittances ng seabased OFW sa parehong taon.