00:00Inabisuhan ang Embahada ng Pilipinas sa Qatar ang mga Pilipino roon na magtago sa ligtas na lugar at maging alerto sa gitna ng tensyon doon.
00:12Kasunod ito ng pag-atake ng Iran sa Al-Udid Air Base sa Qatar, ang pinakamalaking military installation ng Amerika sa Middle East.
00:20Ayon sa Defense Minister ng Qatar, naharang ang mga missile at walang nasawi o nasaktan.
00:25Sinuspindi muna ng gobyerno ng Qatar ang air traffic doon.
00:29Ibig sabihin, bawal muna lumipad ang anumang sasakyang panghimpapawid papasok o palabas ng kanilang bansa.
00:36Ang pag-atake ng Iran ay ganti sa pambubomba ng Amerika kamakailan sa kanilang mga nuclear site.
Comments