00:00Tiniyak ng Department of Migrant Workers ang maayos na paglalakbay ng unang batch na mga Pilipinong uuwi sa bansa dahil sa tumitinding tensyon sa Israel.
00:10Patuloy namang hinihikayat ang pamahalaan ng ating mga kababayan sa Israel na bumalik na ng Pilipinas para na rin sa kanilang kaligtasan.
00:17My report, si Gav Villagas.
00:19Nakaalis na ang 26 na mga Pilipino sa Israel sa pamamagitan ng repatriation program ng ating embahada.
00:29Para tiyaki na kaligtasan ng ating mga kababayan sa kanilang pagtawid patungong Jordan,
00:34ay sinamahan sila ni Philippine Ambassador to Israel Aileen Menjola at ng team mula sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration.
00:44Pagdating sa Jordan ay personal na senalubong ni na Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos at Migrant Workers Secretary Hans Leo Kakdak ang ating mga kababayan.
00:54Sa isang press briefing, sinabi ni Secretary Kakdak na tumaas na ang trend ng mga Pilipinong na is magpa-repatriate.
01:00We know that yung pace o yung trend in terms of humihingi ng repatriation assistance seems to be higher post-Iran attack last June 13th than prior to.
01:13Para naman kay Ambassador Santos, may mga inilatag na rin ang pamahalaan ng mga hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino.
01:21We work closely together to ensure the safety of our nationals during this difficult time.
01:29These are developments that go beyond us, no, because we are not direct parties to the conflict.
01:35But we are affected because of the presence of our nationals in the region.
01:40And it is our job, our primary duty, to ensure the safety.
01:44That is why we are working around the clock.
01:48We are working together under the one country team approach, under the whole of government approach, under the directive of the President, under the bagong Pilipinas framework.
01:59Pagkarating ng mga OFW sa Pilipinas ay agad silang bibigyan ng tulong mula sa pamahalaan.
02:05Inaasahan naman na darating sa bansa ang unang batch ng repatriates bukas ng umaga at pinoproseso na ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang pag-uwi ng 33 Pilipino na kabilang sa ikalawang batch ng voluntary repatriation ng pamahalaan.
02:20Samantala, labis na nababahala ang Pilipinas sa mga pangyayari sa gitna silangan.
02:25Dito ay hinimok ng Pilipinas ang mga partido na piliin ang diplomasya at iwasang palalain ang kaguluhan na pwedeng maging banta sa regional at international peace and security.
02:35Pangunahing concern ngayon ang ating pamahalaan ng kapakanan at kaligtasan ng ating mga kababayan sa regyon.
02:42Nakahanda ang ating mga Embahada sa regyon para magbigay na karampatang tulong sa ating mga kababayan.
02:47Patuloy na isusulong ng Pilipinas na magkaroon ng mapayapa at diplomatikong solusyon sa nangyayaring krisis.
02:54Sa ngayon ay pareho nang itinaas ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 3 ang alert status sa Israel at Iran na nagihihigayat sa mga Pilipino na bumalik na ng Pilipinas.
03:06Gabo Milde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.