00:00Naka-uwi na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa kanyang pagbisita sa Osaka, Japan.
00:06Pasado alas 6 ng gabi kahapon nang dumating ang Pangulo sa bansa.
00:10Bit-bit ng Pangulo ang mga bagong kasunduan na magbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino,
00:15kabilang ang partnership sa pagitan ng Canadivia Corporation at Philippine Ecology Systems Corporation.
00:22Ito ay may kinalaman sa Waste to Energy Project na tutugon sa problema sa basura at magbibigay ng malinis na enerhiya sa bansa.
00:29Buko dito, bit-bit din ang Pangulo ang Tuneshi Grupa na magtatatag sa bansa ng kauna-unahang dual-fueled camsarmax vulga carrier,
00:37partikular na sa Cebu. Palalakasin nito ang posisyon ng Pilipinas sa larangan ng green shipping.
00:43Ipinagmalaki rin ng Pangulo ang Philippine Pavilion sa World Expo 2025 na nagpapakita ng mayamang kultura ng Pilipinas
00:50na isa sa mga highlights ng biyahe sa Osaka.