Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Bago po sa saksi, hinikayat na umuwi sa Pilipinas ang mga Pilipinos sa Israel at Iran ngayong nakataas ng Alert Level 3 o Voluntary Repatriation.
00:10Pinaiiwa sa mga Pilipinong bumiyahes sa mga naturang bansa dahil sa peligro at pagkakasara ng mga paliparan at pantalan.
00:17Sa mga Pilipinong nais makauwi ng bansa, pinapayuhan silang kontakin ng ating embahada o embahada ng Pilipinas sa Israel at Iran.
00:25Ilang oras lang ang nakakaraan, muling umalingaw-ngaw ang air raid siren sa Tel Aviv at Jerusalem.
00:33At ang po sa Israeli media, may mga tumamang misal sa Tel Aviv, Negev at Haifa.
00:39Saksi si JP Sirian.
00:45Naglalakal paubi galing trabaho ang BFW si Elmer nang abutan ng nagliliparang misal sa isang bahagi ng Tel Aviv, Israel.
00:52Inside, inside, inside. Inside. Oh my God.
01:15Buti na lang Anya nakakita siya ng taguan, pero doon pala babagsak ang ilang debris ng misal ng Iran.
01:21Nag-video pa ako. Super-video pa ako kasi ganun ginagawa kadalasan ng mga Pinoy.
01:27Kung baga kampante, baka may nalaging na-intercept ng Iron Dome yung mga misal.
01:32Pagtanong ko sa likod ko, aba yung mga debris na parang nagbaksakan na mga salamin ng buildings.
01:40Tapos tumakbo na ako, pero late na.
01:43Nakaligtas naman si Elmer at hindi naman nagtamo ng sugat.
01:47Sa panibagong airstrikes kayong araw, anim ang sugatan nang tamaan ng misal ang mga residential buildings sa Birshaba, Southern Israel.
02:00Naroon din ang ospital kung saan mahigit itumpo ang sugatan sa pambobomba ng Iran kahapon.
02:05Itinanggi ng Israel ang sinasabi ng Iran na may military headquarters malapit sa ospital.
02:12Ayon naman sa Iran, limang ospital doon ang napinsala dahil sa airstrikes ng Israel.
02:17Ayon sa Human Rights Activists News Agency na asusasyon ng Human Rights Advocates sa Iran,
02:24mahigit anim na raan na ang nasawi sa Iran dahil sa isang linggong sigalot sa pagitan nila at ng Israel.
02:31Mahigit isang libo naman ang sugatan.
02:33At sa Israel, di bababa sa 24 ang patay sa Iranian strikes.
02:39Nasa pitong daan ang sugatan.
02:41Noong nakaraang Diyernes, sinimulan ng Israel ang mga pag-atake dahil malapit na raw makabuo ang Iran ng nuclear weapon na anilay banta sa siguridad ng Israel.
02:54Inulit ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa isang panayam na yan pa rin ang intensyon ng kanilang opensiba.
03:01Bagamat pwede raw mauwi sa pagbagsak ng liderato ng Iran ang opensiba ng Israel,
03:05hindi raw nila yan direktang intensyon. Depende raw yan sa mga Iranian.
03:11Ang kaalyado ng Israel na si U.S. President Donald Trump dati nang iginiit na makikipag-negosyasyon ng Iran kaugnay ng nuclear program nito.
03:20Ayon sa White House, magpapasya si Trump sa susunod na dalawang linggo kung direktang sasali ang Amerika sa opensiba ng Israel.
03:28Ani Trump, may chance sa umanong magkaroon ng negosyasyon sa Iran sa hinarap.
03:33Pero sabi ng Iran, walang puwang ng negosyasyon sa Amerika hanggat hindi natatapos ang mga pag-atake ng Israel.
03:42Paalala ng gobyerno ng Pilipinas sa may 30,000 Pilipinos sa Israel pati na sa Iran.
03:47Pinapayuhan din ang mga Pilipinong samantalahin ang repatriation o paglikas na ikinakas sa nila kahit voluntaryo pa at hindi pa rin sa peritan.
04:06Ngayong gabi, inaasang nakalipad na papuntang Middle East si Magand Fortress Secretary Hans Kaptak kasamang kapang opisyal ng gobyerno para sunduin ang mga OFWs mula sa Israel at Iran na kabilang sa gagawing repatriation.
04:19Ang mga magpapalikas na Pilipino ibibiyahe by land mula Israel papunta namang Jordan.
04:24Apektado na rin ang presyo ng langis sa world market.
04:28Kaya para sa trade envoy ng United Kingdom, walang ibang pagtipilian kundi sikaping huwag itong mauwi sa mas malaking gira.
04:36The Middle East crisis is inflationary and it drives costs up for business around the world.
04:44We all have to work internationally in the interest of peace.
04:48Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
04:55Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:59Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.