00:00Pinaigting pa ng pamahalaan ng pagsupil sa fake news, troll farms, online scams, illegal pogos, online gambling at iba pa.
00:09Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:12Magiging mas mabangis at mabilis ang gobyerno sa pagsugpo sa iba't ibang banta sa cyber security,
00:19tulad ng online scams, fake news at maling paggamit ng artificial intelligence o AI na talamak ngayon.
00:26Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center, baliwala ang mga ginagawang hakbang para mapabilis at mapalawak ang internet connectivity sa bansa kung magagamit lamang ito ng cyber criminals.
00:40Kaugnay dito, magpapatupad ng restructuring ang bagong pamunuan ng CICC upang mas matutukan ang mga banta sa cyber security.
00:49At pagdating naman sa inyong mga scammers, mga maloloko, mga kriminal, dapat kami mabangis.
00:56Tutugisin ko talaga natin yan. We will use all the tools that's available to CICC to pinpoint, to attribute, to prosecute all these mga criminals online.
01:09Partikular na tututukan ng CICC ang pagsugpo sa fake news at troll farms, online scams, illegal pogos at illegal online gambling at mga pag-atake sa online government systems.
01:22Palalakasin din ang reporting mechanism sa pamagitan ng Hotline 1326 na maaaring tawagan ng mga mabibiktima o makatatanggap ng scam messages o cyber threats,
01:33lalo na sa over-the-top services tulad ng Viber.
01:37Pagdating naman sa mga AI content na nagkalat ngayon sa social media, aminado ang CICC na walang batas na nagtatakda ng malinaw na regulasyon dito.
01:48Nakukulangan din ang ahensya sa pag-aksyon ng social media sites.
01:52Kaugnay dito, nakikipag-ugnayan na ang DICT at CICC sa meta, YouTube at TikTok
01:59para sa paggamit ng detection tools o mechanisms laban sa deepfake at malisyosong AI content.
02:06Alam mo, may mga AI din yung mga yan eh.
02:09Si Google meron Gemini, si Meta meron yung Meta AI.
02:16So gamitin naman nila yung AI nila para proactively pagbawalan yan.
02:20Kailangan mo actively i-purge natin yung ating digital space against all these online harms, including deepfakes po.
02:27Samantala, sa harap naman ang pangamba ng telecommunications companies na posibleng maging daan nito sa data breach.
02:34Tiniyak ng DICT, nadadagdagan pa ang safeguards ng isinusulong na konektadong Pinoy Bill.
02:40Lalo na't isa itong priority legislation ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:46Pag-usap po ako ng masinsinan with the telcos, nakausap ko na po sila.
02:49Alam ko po yung concerns nila and security is very close to my heart.
02:55So kung may pagkukulang, pupunan natin.
02:58Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.