Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil wala na sa lugar ang ilang pambabasa sa Wata Wata Festival noong nakaraang taon,
00:07literal nang nagtakda ng lugar kung saan pwedeng mambasa sa Pista ng San Juan.
00:14Pagbumultahin ang mga lalabagyan.
00:16Nakatutok si Mark Salazar.
00:22Sikat at dinarayo ang basaan sa Kapistahan ng San Juan.
00:25Ang tradisyon ng Wata Wata Festival ay harutang wala sanang pikunan.
00:36Pero noong isang taon na iskandalo dahil nasobrahan ang mga nambabasa.
00:43Tulad ni Boydila na nag-viral sa pangwa-water gun sa umaayaw na rider.
00:48So ako naman yung umaasa na sa taong ito ay hindi na niya gagawin yung ginawa niya noong nakarang taon.
00:54Umaasa po ko na natuto na siya ng kanyang leksyon.
00:58At magsilbing leksyon po ito sa lahat ng iba na maaaring gumagawa ng ganyan dati na hindi lamang nahuli.
01:05Para siguradong hindi na maulit ang nakakapikong basaan,
01:09inamyendahan ang City Council ang ordinansang naglalatag ng patakaran.
01:13Simula sa June 24, 2025, Pista ng San Juan,
01:17hindi na po pwede ang basaan sa kung saan saan sa syudad dahil nagtalaga na ng basaan zone.
01:24At least nilinaw na ng ordinansa ng San Juan kung saan lang ang basaan zone para sa mga gusto naman talaga magpabasa.
01:32Pero danger zone doon sa mga ayaw naman magpabasa.
01:35At yan ay mula dito sa Pigivara Street, kahabaan ng Pinaglabanan Road.
01:44Hanggang dito sa End Domingo Street, halos isang kilometrong haba yan ang basaan na nababantayan ng halos tatlong daang pulis
01:52para masigurong ang basaan ay fun lang at safe.
01:56Sa basaan, bawal na rin ang paggamit ng water bomb o yung ibinabatong tubig sa plastic at high-pressurized sprayer
02:18maliban sa mga pinayagang bumbero.
02:20Bawal ding magbukas ng mga sasakyan para mambasa o sumampa at yugyugin ang mga sasakyan.
02:28At hindi nagbibiro ang ikinasang parusa sa mga lalabag.
02:325,000 piso ang multa sa mambabasa outside the basaan zone at may kasamang kulong.
02:39Kung minor di edad, 5,000 piso ang multa ng magulang o guardian.
02:43Bawal na rin ang basaan sa Balong Bato, ang barangay ni Boydila.
02:47Nanghihinayang tuloy ang kanyang mga kabarangay sa nawala nilang tradisyon.
02:52Wala na yung diwa na basaan ng sanuan.
02:55Tradisyon yun eh. Batang paslit pala ako, may basaan na eh.
03:00Kakamustahin sana namin si Boydila sa kanilang lugar.
03:04Pero sa aming paghahanap, sapiitan namin siya natuntun.
03:08Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
03:38Sumunod muna bago magreklamo at huwag-awayin ang Duterte Impeachment Court.
03:49Yan ang mensahe ng korte sa prosecution na hindi pa nagpapasa ng sertifikasyong hinihingi sa kanila.
03:55Tugo ng huli, hindi sila nakikipag-away kundi nananawagan lang na sundin ang konstitusyon.
04:00Nakatutok si Mav Gonzalez.
04:02Hinihintay pa rin ngayon ng Senate Impeachment Court ang hiningi nitong sertifikasyon sa Kamara
04:10na naaayon sa konstitusyon ang inihain nilang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
04:17Noong nakaraang linggo, inadopt ng Kamara ang resolusyon para dito pero hindi pa na isusumite sa Impeachment Court.
04:24Bumuel ta tuloy ang tagapagsalita ng korte.
04:27Huwag daw awayin ng mga impeachment prosecutors ang Senado dahil hindi sila ang magkaaway.
04:32Ano po motibo nila by criticizing the court?
04:36Dapat po yung energy po nila na pagkikritisize sa korte ay ginugugol nga po nila doon sa kanilang kalaban.
04:43Dahil hindi po nila kalaban ng korte.
04:45Ang kalaban po nila ay yung kabila, yung kabilang party, yung defense po.
04:52So sabi nga po formidable yung at mga respetabling mga abogado po yung nasa defense team.
04:58So paghandaan na lamang po nila.
05:01At yun yung awayin po nila at huwag po yung impeachment court.
05:05Bago mag June 30 inaasahang darating ang hinihinging sertifikasyon sa Kamara.
05:09It's up to them whether or not to comply or not but again this is the order of the impeachment court
05:19and any lawyer worth his salt and any litigant for that matter should comply first before you complain.
05:30Iniiwasan din anya ng korte na ipakontempt ang prosekusyon.
05:34At sana rao huwag na umabot sa Korte Suprema ang issue dahil baka humaba lang ang proseso.
05:39Ayaw na ang impeachment court na magkaroon ng away o magkakaroon ng constitutional crisis
05:44pag nagmatigas ang impeachment court laban sa desisyon ng Korte Suprema if ever.
05:50So ang ginawa po ng impeachment court, pumunta po siya at nakipagdialogo at nag-order po sa House
05:55na tayo na lang mag-resolban itong constitutional issue na ito.
06:00Na may question about yung mga depekto sa articles of impeachment, sagutin nyo na lamang.
06:07Sabi ni Atty. Antonio Odi Bucoy, prosecution spokesperson, hindi sila nakikipag-away.
06:13Kundi nanawagan lang na kumilos ang impeachment court base sa inutos ng konstitusyon.
06:17We are calling them out to do their constitutional duty. Hindi namin ahwe.
06:22We are just calling them out to act on the articles and proceed to trials.
06:26Sabi ni Bucoy, hindi raw contemptible pero may epekto ang hakbang nila.
06:31It is not contemptible per se but there are serious repercussions. Why?
06:36If we do not comply, the process will be again delayed.
06:40Salunis ang palugit ni Duterte para sagutin ang summons ng impeachment court.
06:43Sabi ni Tunggol, sumagot man o hindi, tuloy ang paglilitis.
06:48Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzales, nakatutok, 24 oras.
06:56Mga kapuso, may mga nanalo na sa proof of purchase promo ng GMA na Kapuso Big Time Panalo Season 3.
07:04Dahil 75th anniversary ng GMA Network, tig 75,000 pesos ang iuuwi ng apat na lucky winners mula week 1 hanggang week 4.
07:14Congratulations kina Gerard Francis Cruz, Minerva Campo Redondo, Leo Aguilar at Gloria Pagasian.
07:23Baka ikaw na ang susunod na manalo kapuso dahil pwede pang magpadala ng entries hanggang July 11.
07:29Ang kailangang gawin, bumili ng participating brands, iligay sa sobre kasama ng inyong detalye at ihulog sa mahigit 1,000 drop boxes nationwide.
07:39May chance pa kayong manalo sa mga susunod na linggo ng daily and weekly cash prizes.
07:44At sa Grand Draw, meron pang pitong winners ng tig 1 million pesos each.
07:49Paalala lang mga kapuso, mag-ingat sa fake news, fake Facebook accounts o scam texts.
07:56Tanging official call at text message mula sa GMA, manggagaling ang notification kung kayo ang nanalo.
08:04Kasabihan lang ang tiis ganda pero hindi kailangang tumaya sa nagsasagawa ng cosmetic procedures.
08:10Namura nga pero hindi lisensyado.
08:12Tulad ng racket ng dalawang inaresto sa Makati na pawang mga dayuhan.
08:16Nakatutok si Marisol Abduraman.
08:18Gusto lang naman daw ng babaeng ito na mapaganda ang kanyang itsura.
08:27Kaya dito sa klinika na ito siya nagpagawa.
08:29Kabilang na ang pagpapatangos ng ilong at yung tinatawang na Korean filler.
08:33Pero imbes daw na gumanda, hindi maayos ang pagkakagawa.
08:37Kaya dumulog ang biktima sa CIDG.
08:40Inulit ang procedure.
08:44Doon na sumugod ang mga taga CIDG.
08:46Huli sa entrapment operation ng dalawang Vietnamese national sa mismong klinik nila sa Makati.
08:53Nagpapractice ng medical procedure na kung saan ay hindi naman sila doktor at wala siyang lisensya.
09:00At wala ding permit yung klinik nila.
09:02Doon nila ginanap yung medical procedure like yung nose lift at saka Korean filler.
09:09Hindi pa masabi ng CIDG sa ngayon kung gaano na nila ito katagal ginagawa.
09:15But I'm sure matagal na nilang ginagawa ito dahil base doon sa mga receipts na nakukuha namin.
09:22Madami na silang customer.
09:24Ayon sa CIDG, maraming naiinganyo na magpagawa sa kanila dahil mas mura.
09:28Ang procedure daw na nagkakahalaga ng 50-100,000 sa mga lehitimong klinik, 22,000 pesos lang daw sa kanila.
09:36Mag-iingat lang po tayo at kung gusto man natin panatilihin o improve yung kaayusan natin,
09:44doon po tayo sa lehitimo na doktor talaga at saka lisensyado at yung klinik ay may permit.
09:53Huwag po tayo doon sa mga mas mura pero hindi natin check yung safety natin doon sa kalusugan natin.
10:00Nakikipag-ungnayan na raw ang CIDG sa Bureau of Immigration.
10:03Sinampahanan ng reklamong paglabag sa The Medical Acts of 1959
10:08as amended by RA-4224 ang mga suspect na wala pang pahayag sa ngayon.
10:14Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Oras.
10:20Wala sa rules ng Impeachment Court na hinga ng sertifikasyon ng Kamara Kaugnay
10:34ng pagiging constitutional ng Articles of Impeachment.
10:39Ayon po yan kay dating Chief Justice Reynato Puno.
10:42Wala rin anyang kwestiyon na pwedeng tumawid sa sunod na kongreso ang paggulong ng proseso.
10:49Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
10:54Kahit si dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno
10:58nababagalan sa usad ngayon ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
11:04nakapanayam siya ng Super Radio DZW.
11:06Lahat tayo ay nababagalan sa pag-usad ng impeachment complaint
11:14dyan sa Senate Impeachment Court.
11:19Hindi naman na hinihingi ng mga mamamayan na magkaroon ng akwital or conviction.
11:30Basta magkaroon lang ng closure at makita kung ano mga magiging desisyon ng Senate Impeachment Court.
11:42Si Puno ang chairperson ng Philippine Constitution Association of Filconsa,
11:46ang pinakamatandang Constitution watchdog ng bansa.
11:50At siya mismo may nakitang problema sa ilang hakbang na ginawa ng Senate Impeachment Court
11:55tulad ng pagbabalik sa Kamara ng Articles of Impeachment laban sa Vice Presidente.
12:00Halimbawa, nag-promolic na sila nung sarili nilang rules and procedure.
12:08Wala naman doon sa kanilang rules na dapat magkaroon ng certification yung house
12:20to the effect na nasunod yung one-year ban.
12:24Wala naman yung sa rules and regulations nila.
12:28Eh bakit nila ngayon ini-impose ang reglamento na yan?
12:33Naniniwala si Puno, wala dapat question na pwedeng tumawid ang impeachment trial
12:38mula sa 19th Congress patungo sa 20th Congress.
12:41Ginagawa nga raw ito kahit ng Senate Electoral Tribunal na dumidinig sa mga election complaint.
12:47Sa pagsusuri ng maraming dalubhasa sa ating saligang batas,
12:55eh klarong-klaro naman doon na yung impeachment court is a continuing body papalit ng judge.
13:05Eh hindi raso nyo yun to doubt the continuity of the jurisdiction of the court.
13:12Gano'n din yung Senate Electoral Tribunal.
13:17Eh papalit-palit ang mga representante ng Senado dyan.
13:25Pag-uwing eleksyon, pero continuing yung jurisdiction ng Senate Electoral Tribunal.
13:31Gano'n din ang sinusunod sa Estados Unidos.
13:35Nung nipit si President Clinton, eh nagkaroon rin ng mga bagong senador doon dahil sa eleksyon nila.
13:46Pero hindi na wala yung jurisdiction ng Senado.
13:51Paniwala rin ni Puno, dapat manatiling walang kinikilingan ang mga senator judge
13:55at kailangan mag-inhibit ang mga hindi makakasunod dito.
13:59Yung pong requirement na kailangan ng isang wish ay maging impartial, maging fair.
14:09Yan po ay parte ng due process.
14:13At yan ay nandoon sa ating konstitusyon.
14:21Pag binayulate yung provision na yun, eh baka yung desisyon nila ay maging questionable.
14:27Kaya nauungkat ngayon ang usapin kung dapat bang ang Senado ang magsilbing impeachment court
14:33gaya ng napag-usapan noon sa diskusyon ng Constitutional Commission para sa 1987 Constitution.
14:40Sabi ng isa sa mga bumalangkas nito na si dating Supreme Court Associate Justice Adolf Ascuna,
14:46may mungkahin noon na ang Korte Suprema ang tumupad ng tungkulin ito
14:50kung di ito magagampanan ang Senado, pero hindi ito naaprubahan.
14:55What I remember is the Felicitas Arroyo, Aquino Arroyo's suggestion,
15:04which we did not adopt, but which we should have adopted in retrospect.
15:10Her solution is if the Senate is, for some reason or another, unable or unwilling genuinely
15:18to try and decide an impeachment case.
15:22The Supreme Court should fill the void in the exercise of some residual power
15:28and be the one to try and decide an impeachment case.
15:32Because the Supreme Court is impartial and it is a constitutional body.
15:39So it is well-placed to fill the gap in case the Senators somehow refuse or are unable to act.
15:50Sabi ngayon ni Puno,
15:51Meron na nga tayo mga naging panukala dyan eh, kung papalitan natin yung 87 Constitution natin.
15:58Na dapat ang maging court dyan ay hindi yung political principle government natin.
16:09Dapat mag-husga kagaya sa ibang countries yung tinatawag nilang constitutional court.
16:17Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
16:23Ilang tulog na lang at mapapanood na natin ang kwento ni Carolina,
16:30played by Andrea Torres sa upcoming Kapuso series na Akusada.
16:34Bukod sa masalimuot na kwento,
16:36mabilis din daw ito atiyat makakrelate ang mga manonood sa mga character.
16:40Makichika kay Larson Chagos.
16:42Isang simpleng babae na nagulo ang buhay dahil napagbintangan sa isang matinding krimen.
16:53At isang lalaking nagulantang nang malamang ang babaeng kanyang pinakasalan
16:58ang pumatay pala sa kanyang first wife.
17:02Ganyan kasalimuot ang magiging takbo ng kwento ng padating na GMA Afternoon Prime series
17:10na Akusada na pinangungunahan ni na Andrea Torres, Benjamin Alves at Lian Valentin.
17:18Ang daming bagong ginawa sa show na ito na gusto rin namin siyempre makita yung reaction nila
17:23paano nila tatanggapin yung ganito ka fast-paced na kwento.
17:27Kasi tito, alam mo, one week pa lang po lumabas na lahat ng characters.
17:30Sobrang komportable na raw sila sa paganap sa kanya-kanyang karakter
17:35na tsak makakarelate raw ang audience.
17:39Yun po yata maganda sa storya namin.
17:42The audience knows more than the characters themselves.
17:46So, alam mo kung sino, malalaman nyo po kung ano yung po mangyayari kay Ada.
17:51Mas may alam yung audience kaysa dun sa characters.
17:54My character has yet to find out sa week na ginagawa namin.
17:58Ipinagmamalaki rin ni Andrea na lahat sila ay naging bahagi
18:04para mapaganda pa ang serye.
18:06Ang sarap dito kasi tulungan kaming lahat.
18:09As in, pag nag-aaral kami ng script or may nabasa kami eksena ng isa
18:13na nakita namin, ooh, super bigot.
18:15Parang nagbibigay kami ng opinion para mas mapaganda yung eksena.
18:20Tapos, as in, ano talaga, collaboration talaga siya.
18:23Sa June 30, mapapanood ang akusada sa Jemmey Afternoon Prime.
18:30War Santiago updated sa showbiz happening.
Comments

Recommended