00:00...babala ang malakanyang sa mga opisyal ng gobyerno, kaugnay sa false reporting, kaugnay sa mga accomplishment ng kani-kanilang ahensya.
00:07Bagamat hindi na binanggit ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kung aling ahensya ang mga ito,
00:13iginiit niya na walang lugar sa pamahalaan ng mga ganitong opisyal.
00:16Aniya, babantayan itong mabuti ng pamahalaan.
00:19Higit pa rin yan, binanggit ng Pangulo sa kanyang podcast na may ilang opisyal ang nagre-report na natapos na umano ang ilang proyekto,
00:26pero hindi naman aniya ito ang tunay na nangyayari.
00:30Kapag ka po hindi na-explain na mabuti kung bakit hindi tugma ang kanyang report sa katotohanan,
00:37ay maaari po siguro siyang pagbuksan ang pinto.