Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 months ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kami, sa nagpapatuloy ng airstrikes ng Israel at Iran sa isa't isa,
00:05makapainahan po natin si migrant worker Secretary Hans Kakdak.
00:08Secretary, magandang umaga po.
00:10Magandang umaga, Igan, at sa inyo mga tagapakinig-tagapanood.
00:13Una po, kumusahin muna namin yung pinay po na critical daw ang lagay.
00:18Well, sa ngayon, nasa critical condition pa rin siya.
00:21Dinalaw siya ng team natin under the auspices of the embassy,
00:25yung ating migrant workers office at sa OWA, yung team ni admin PY kaunan.
00:30At ang news na natanggap namin doon sa dalaw ay conscious siya, which is a good sign.
00:37Yung kulay niya, nung isang araw ay medyo maputla pero nag-improve.
00:43So, another good sign.
00:44But nevertheless, kailangan pa rin talaga mag-improve ang condition niya.
00:50She will be due for an operation.
00:52Opo.
00:53Ang isang maganda dito ay meron siyang kapatid doon.
00:58So, nagbabantay sa kanya sa ospital na datnan namin doon sa ospital.
01:02At pati yung pamilya rito sa Pilipinas ay nakadaopalad na rin namin to assure them of government assistance.
01:09Itong pinag-utos ng ating Pangulo,
01:10pangalagaan ang mga OFWs dito sa sitwasyon na ito, sa sigalot na ito,
01:16dahil kailangan sila matulungan.
01:18At meron pa rin naman tayong tinutulungan bukod sa yung dalawang nasa ospital.
01:23Yung isa, hindi critical ang condition.
01:25Opo.
01:26And then, meron pa rin tayong tinutulungan sa mga hardest hit areas, sa mga hard hit areas,
01:31kung saan meron tayong inalagay ngayon sa temporary accommodation.
01:34Opo.
01:35Nadagdagan pa ho ba yung mga kababayan natin sa Israel at Iran na nasugatan o kaya nasaktan, Sekretary?
01:41Well, sa awa ng Diyos, nagkaroon na naman ng attack kahapon.
01:45Pero sa awa ng Diyos, walang tayong napabalitaan na saktan.
01:50Yung apat ay yun pa rin ang bilang na alam natin.
01:54Meron tayong ngayong labing apat na tinutulungan o natulungan.
01:59At yung nga yung sinasabi ko, walo sa kanila nasa temporary accommodation natin ngayon.
02:04Gano'n na po karami yung nagvoluntaryong umuwi o magpa-repatriate?
02:09Well, ngayon, tumatayo sa 109 yung nasa listahan natin.
02:13Opo.
02:14And counting, 85 doon sa 109 nagpalista na bago pa nung atake nung biyernes sa Iran.
02:21Opo.
02:21Pero sa ngayon, umaabot na ng 25 yung gustong magpa-repatriate and counting yan.
02:28It's a continuing count. Nadagdagan araw-araw yung gustong magpa-repatriate.
02:33Opo.
02:33So, hopefully, kapag nagkaroon ng opening of the airspace, sarado kasi ang airspace at ang airport,
02:40ay magkakaroon tayong pagkakataong maglikas.
02:42Opo.
02:43Sa ngayon po ba, ano ang update sa Israeli at Iranian government?
02:46Marami na ho na dadamay. Wala ho ba usapan na magsispire sila?
02:49Sa puntong ito ay kailangan natin ng kaukulang payo mula sa DFA, silang ating political and security experts on the ground.
02:59And we are also in touch with SECIBO and the DND on this matter.
03:03May parawagan tayo sa mga OFWs na nasa Israel at Iran.
03:06Yes, sa ating mga mahal na OFWs, manalig po kayo.
03:12Kayo po'y pangangalagaan namin, lalo na yung mga matinding na epektohan na mga pagsabog at atake ng Iran, mga missiles.
03:21At kami nakamonitor po sa sitwasyon.
03:25Mag-ingat lang po, tumungo sa bomb shelter at sumunod sa protocols ng host government patungkol sa inyong safety.
03:33Kung huwag masyadong lumabas sa bahay, huwag lumabas ng bahay.
03:38At huwag rin pong masyadong makilahok sa mga malawakan discussion o lalo na yung pagpapalaganap ng fake news sa panahon na ito.
03:47So mag-ingat lang po, 1348 ang ating hotline plus 632-1348 pag nasa abroad.
03:54Mag-ingat po lagi. God bless.
03:56Maraming salamat, DMW Secretary Hans Kakdak. Ingat po.
04:00Salamat, ingat.
04:01Igan, mauna ka sa mga balita.
04:03Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.

Recommended