24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nadescope na isang nanay na ginamit ang larawan ng kanyang paslit na anak sa minanipulang video na nakapost online.
00:08Ibinibenta ito online, kalakit ng malaswang larawan.
00:13Nakatutok! Si Nico Wahe, excuse me!
00:18Kaya hindi ko masyado pinapost yung mga picture ni Diamond. Mga picture ni Diamond kasi iniwasan ko talaga ito.
00:26Naiyak sa galit ang influencer CEO na si Queen Hera nang matuklas ang may gumagamit online ng video at litrato ng kanyang isang taong gulang na anak.
00:35Ano ko niyo? Nakita ko yung picture niyo? Ano ko? Ano ko na sa website? Binibenta?
00:42May concerned citizen daw na nagpadala sa kanya nito.
00:45May nag-message sa akin na isang nanay or mother na about daw sa victim daw yung anak niya ng cybercrime or ginagamit daw yung video ng anak niya para ibenta.
01:00Kung nag-scroll daw siya doon sa website, nakita daw niya yung picture ng anak ko and then sinend sa akin yung picture.
01:08Ito ang orihinal na video na kanyang tinutukoy. Magkasama sila ng kanyang anak sa video.
01:14Pero nang makita ang post na tinutukoy ng concerned citizen, wala na si Queen Hera sa video at si Baby Diamond na lang ang nandoon.
01:21Nakalagay sa post na ibinibenta ito ng 1,500 pesos.
01:39Ipinapatrace ni Queen Hera ito sa isang IT professional at may hinala raw sila kung sino ang nasa likod nito.
01:45Dudulog daw siya sa National Bureau of Investigation o NBI para magsampan ang reklamo.
01:50Ayon sa National Privacy Commission o NPC, parami ng parami ang ganitong kaso ng online child pornography sa bansa.
01:57Napapansin kasi namin na dahil nga sa AI or Artificial Intelligence, parami ng parami ng apps na gumagamit ng mga pictures.
02:06So maaring gamitin ito para gawa ng masama or i-edit yung picture at gamitin sa isang video na hindi kaaya-aya.
02:15Anila kung ipopost ang mga video o litrato ng mga bata, tiyaking safe ito sa online world.
02:21Ang amin lang paalala ay palaging maging maingat at mapanuri sa pinupost natin.
02:28Iset natin yung ating Facebook, social media accounts sa private na setting kung saan yung makakilala natin, yung mga nakaka-access.
02:37Maaring lumapit sa NPC ang sino mang mabibiktima online.
02:41Si Queen Hera, tutulong din daw sa ibang magulang na biktima rin online.
02:45Anak, mapapanood mo ito one day. So I feel so sorry kasi nangyari sa'yo ito.
02:53Iniisip ko pa lang na until now, andun pa rin yung pictures mo at hindi ko pa rin, wala ko magawa para mapatanggal yun.
03:06I'm so sorry anak. Pero gagawa ko ng paraan, lahat ng paraan gagawin ko para mabigyan ito ng hostesya.
03:14Okay lang naman ang mag-post ng mga video at larawan online. Karapatan natin yan.
03:20Pero tandaan din natin na marami ang nakaabang na nakawin at gamitin yan sa maling paraan.
03:25Hindi natin kasalanan, pero kaya natin mag-ingat lalo kung mga walang kamuhang-muhang na bata ang maapektuhan.
03:33Para sa GMA Integrated News, ako si Nico Wahe. Nakatutok, 24 oras.