Skip to playerSkip to main content
  • 10 months ago
Panayam kay Chairperson, National Amnesty Commission Atty. Leah Tanodra-Armamento ukol sa pagbibigay ng safe conduct passes at update dating rebelde na nag apply amnestiya

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagbibigay ng Safe Conduct Passes at updates sa mga dating rebelde na nag-apply ng amnestya naman,
00:06ang ating pag-uusapan kasama si Atty. Lea Tanodra Armamento,
00:11ang Chairperson ng National Amnesty Commission.
00:13Magandang tanghali po at welcome back, Ma'am.
00:16Thank you very much. Magandang tanghali din po, Asik, Joel.
00:19Ma'am, update lang po dun sa mga nabigyan ng Safe Conduct Passes.
00:23Siguro yung timeline muna.
00:25May binigay na go-signal si Presidente na mag-issue ng NAC.
00:31Kailan po yun at ano po ang estado ngayon?
00:33Bali, si Presidente po, nagkatuan po tayo ng ceremonial signing sa Cotabato noong April 11.
00:42Na binigyan niya kami ng authority to issue Safe Conduct Pass.
00:47And then, binigyan niya kami ng 30 days para gumawa ng aming implementing guidelines.
00:53Natapos namin ang April 29.
00:56And then, inanuan kami ng Malacanang na dapat mag-issue na kami ng Safe Conduct Pass.
01:03So, two days ago, a day before our Independence Day,
01:07nag-issue po tayo ng Safe Conduct Pass sa 25 natin na applicants for amnesty.
01:14Para sa kaalaman po ng ating mga kababayan, ano po ba yung Safe Conduct Pass?
01:20Ano po ba yan? Papel ba yan? Dokumento? At saan gagamitin yan?
01:25Yung Safe Conduct Pass po na ini-issue namin, nakalagay siya sa papel.
01:30Pero ito po ang papel na security paper ang tawag nila.
01:33At ito po ay may QR code at saka may seal ng National Amnesty Commission.
01:40Ito po ay isang proteksyon ng isang aplikant para siya ay makagalaw na hindi siya ma-aresto at hindi siya ma-prosecute.
01:48Kasi ang mga aplikant po natin sa amnesty, ito po yung may mga kaso.
01:53So, most probably, may mga warrant of arrest sila.
01:56So, ang efekto po ng Safe Conduct Pass, kapag ikaw ay nabigyan na nito ng National Amnesty Commission,
02:04ang mangyayari po ay pwede ka nang gumalaw, pumunta ka sa korte, pumunta ka sa prosecutor's office,
02:09sa NBI, sa polis para kumuha ng mga dokumento mo para ma-submit mo sa amin para ma-process namin yung amnesty.
02:18At the same time, ang efekto nito, ikaw ay pwedeng mamuhay na parang isang malayang mamamayan
02:26na pwede ka nang tumira sa inyong bahay kasama ang inyong pamilya na hindi ka matatakot na ma-aresto kahit ikaw ay may kaso.
02:33So, ibig sabihin po nito, ma'am, kapag na-issuehan na ng Safe Conduct Pass,
02:38aware yung mga law enforcement agents, pati mga korte na pwede na silang kumilos o gumalaw ng malaya?
02:47Opo, kasi ang ginagawa po natin, pati nag-issue tayo ng Safe Conduct Pass,
02:51nandoon po mismo sa memorandum ni Presidente sa amin,
02:55na bibigyan ng kopya yung Department of Justice, so kasama doon ang NBI.
03:00Bibigyan ng kopya yung AFP, Armed Forces of the Philippines, tsaka PNP.
03:06Tapos, gagawa po tayo, meron tayong database kung saan,
03:10itong mga agency na ito na, miyembro din po sila ng ating National Amnesty Commission,
03:16tsaka Local Amnesty Board, makikita nila na itong mga tao, ito may Safe Conduct Pass.
03:21So, hindi nila pwedeng arrestuhin by virtue of the warrant of arrest.
03:26So, meron po bang validity period ito? Kailan pwedeng gamitin at hanggang kailan?
03:32Agan to. Yung Provisional Safe Conduct Pass,
03:36ito po ini-issue o binibigay ng ating chairperson ng Local Amnesty Board.
03:42Ang Local Amnesty Board natin, nakaupo din doon po yung mga police, army,
03:48tsaka yung prosecutor natin.
03:50Ito po 15 days lang ito, kasi pag-apply ng tao,
03:54ng ating former rebels or mga miyembro ng MILF, MNLF, RPA, ABB,
04:03tsaka yung former members ng CPP, NPA, and DF.
04:08Ito po ay binibigay natin sa kanila at ang gagawin po ng ating mga kapulisan,
04:16may mga kopya po kasi sila eh.
04:20So, their own notice na yung ating mga tao na ito na hawak nila,
04:27yung kanilang Safe Conduct Pass, ay hindi sila pwedeng arrestuhin.
04:29Mm-hmm. Provisional, ma'am, yung provisional 15 days.
04:32Oh, 15 days lang yun.
04:33Mm-hmm.
04:34But within that period of 15 days, kasi mag-a-apply siya eh, nakalagay yun.
04:41Ang sunod na mangyayari, ang gagawin ng ating Local Amnesty Board,
04:45mag-submit sila dito sa National Office,
04:48o sa Commissioner in Charge,
04:50ng recommendation to give Safe Conduct Pass.
04:54Ang period ng Safe Conduct Pass is until the President has acted on the application.
05:01Unless may violations niyang ginawa doon sa kondisyon na binigay ni Presidente
05:07or binigay ng ating Commissioner in Charge,
05:11na vinihulate niya,
05:11yun, siyempre, mawalang visa yung kanyang Safe Conduct Pass.
05:15Otherwise, tuloy-tuloy yun hanggang sa may action si Presidente
05:19sa kanyang application for amnesty.
05:22Opo. Paano po minomonitor na sabi niyo kung may violation eh may invalidate yun?
05:27So, sino po nagmomonitor?
05:28Paano po minomonitor na compliant yung nag-apply
05:32at saka bilang pagtiyak na rin sa kanilang seguridad na valid yung kanilang Safe Conduct Pass?
05:38So, mayroon na yung database.
05:39Accessible siya sa PNP, sabi ko kanina, sa AFP, sa prosecutor.
05:45Ang lahat na ito, member sila ng Local Amnesty Board.
05:48At sila ang nagmomonitor, saka yung ating Local Amnesty Board Secretariat.
05:54And then, dito din sa National Office, nagmomonitor din tayo.
05:59Very close ang coordination natin sa police, saka sa AFP, saka sa NBI.
06:04So, any transgression or threat o naman sa security ng ating applicants,
06:12malalaman ka agad natin at i-call natin yung attention nila
06:15dahil tayo ay may obligasyon na binigay ni Presidente sa atin.
06:19Ma'am, sa mas malawak na usapin naman ng Amnesty,
06:23ilan na po yung nakapag-apply ng Amnesty?
06:26Sa anong mga grupo at saang mga regyon o lugar yung pinakamaraming applicants?
06:31Ang total namin ngayon na applicants for Amnesty is 2,928.
06:40Ang pinakamarami po yung CPP, NPA, NDF na members.
06:46At ito po sila ay mostly coming from Caraga Region, Eastern Visayas, saka Northern Mindanao.
06:53Ang pinaka, ang sunod ng pinakamarami ay yung MILF natin.
07:01Ang MILF natin is 778.
07:04Tapos yung ating, tawag dito yung ating NLF.
07:10At sunod, ang pinakakonti po natin yung RPA, ABB, RPMP group.
07:16Ito ay mga 67.
07:17So, ongoing yan. Pero ang dami na po nung halos 3,000.
07:21Pero ano po yung ginagawa ng NAC para mahikayat pa yung iba na mag-apply for Amnesty?
07:27Marami po kaming ginagawa.
07:29Kasi ang target sana namin, sana makakuha kami,
07:33tinitingnan po kasi namin sa data ng office ni Secretary Galvez,
07:37ng Presidential Advisor on Peace,
07:39parang may, dapat ang ating target is 10,000 applicants.
07:45So, ang ginagawa po namin,
07:47siyempre, pinapopularize namin yung Amnesty.
07:51So, pumupunta po kami sa community,
07:53yung tinatawag natin na town hall meeting,
07:56nagko-coordinate kami sa local government units,
08:01kausap namin yung mga PNP, AFP,
08:03and then pumupunta po kami sa mga kulungan
08:06for those who had been serving sentence,
08:08and then sumasama,
08:11pumupunta din kami sa mga kampo na mga rebelde,
08:15sumasama kami sa Peace Caravan
08:17na ginagawa ng Office of the Presidential Advisor
08:21on Peace, Reconciliation, and Unity
08:23para mahikayat sila.
08:26So, like this one,
08:28yung ginagawa nyo sa amin na kami humaharap dito sa TV,
08:32isa po ito sa pamamaraan namin
08:33na makaabot sa kanila
08:36yung adhikain ng gobyerno
08:39na sila ay magbalikloob na sa atin.
08:42Ma'am, isa sa mga paraan para mahikayat din
08:45yung mga dating rebelde
08:47para mag-apply is yung intervention
08:49at saka yung reintegration program.
08:51So, kamusta po yung mga programang ito
08:53in terms of implementation
08:55at efektibo ba?
08:57Ay, opo.
08:57May sariling programa po ang gobyerno natin
09:00para sa kanila.
09:01Ang tawag po dito sa Eclipse,
09:04meron itong kabuhayan,
09:08meron itong education,
09:10may pabahay itong...
09:11Marami pong services
09:12ang ating gobyerno
09:14na nakalaan lang
09:15para sa ating mga nagbabalikloob
09:16na mga rebelde.
09:18Ang National Amnesty Commission
09:20ay miyembro siya
09:21ng NTFL-CAC sector
09:25kung saan ang Eclipse
09:26at kami ay miyembro.
09:28So, namomonitor namin closely
09:30na itong amnesty applicants natin
09:32ay dapat bibigyan nila
09:34ng hanap buhay.
09:35In the meantime po na
09:37their applications are pending
09:39dahil may safe conduct pass na sila
09:41na sa komunidad na sila
09:42kasali na rin sila
09:44sa mga servisyon ng gobyerno
09:46para sa taong bayan.
09:48Sa inyong pagmumonitor po,
09:50meron po ba talagang
09:51mga dating rebelde
09:54na bumalik na sa normal
09:56at nagiging very functional
09:58and productive citizens
10:00dahil po sa mga programang ito?
10:03Opo.
10:03Lalo na po yung mga ano natin,
10:06yung sa MILF.
10:09Kasi diba,
10:09because may peace agreement tayo
10:11sa MILF.
10:12So,
10:13ang gobyerno po kasi tumutupal
10:16sa kanilang pangako sa MILF.
10:18So,
10:18marami po tayong mga kababayan
10:21na membro ng MILF
10:23na ngayon po ay
10:24nag-e-enjoy ng mga binipisyo.
10:28May employment din sila.
10:30Nagpa-participate din sila sa governance.
10:32So, may mga members ng parliament.
10:34Mga
10:35actually,
10:36recipient sila ng ating
10:38safe conduct pass.
10:40Yung mga
10:41AF,
10:42mga ano naman,
10:42si PPNP,
10:43ANDF.
10:44Dahil ito,
10:45former rebels na eh.
10:46So,
10:47nabalik loob na sila.
10:49Tinutulungan na rin sila,
10:50lalo na ng ating
10:51yung armed forces of the Philippines.
10:54At binibigyan na rin sila
10:56kasi mga
10:56tupad,
10:57yung mga kabuhayan,
10:59na ibibigyan na rin po sila.
11:00Sige, ma'am.
11:01Mensahin nyo na lamang po
11:02sa mga dating rebelde
11:03na gustong mag-apply
11:05ng amnestya,
11:06lalo't
11:07habang may pagkakataon pa.
11:08Ako po,
11:12nag-ikayat sa ating mga
11:13kasamahan na mga
11:14rebelde
11:16na gusto magbalik loob.
11:18Pagkakataon po natin ito,
11:19hindi po lahat ng presidente
11:21nagbibigay ng amnesty.
11:23So,
11:24papasalamat po tayo ngayon
11:25kay President
11:25Ferdinand Marcos
11:27na binibigyan kayo
11:28ng pagkakataon
11:29kasi naiintindihan po
11:31ng ating pamahalaan
11:32at ng taong bayan
11:34na ang pagre-rebelde ninyo,
11:36ang intensyon ninyo
11:37sana ay mabuti.
11:38Mapapaganda ang buhay
11:40ng inyong pamilya,
11:42ng inyong kaibigan
11:44at ng ating bayan.
11:46Kaya lang,
11:47ang inyong pamamaraan
11:49na pagre-rebelde
11:50ay labag sa ating batas.
11:52So, ngayon po,
11:53yung ating presidente
11:54ay,
11:56out of the goodness
11:57of his heart,
11:59ay inaabot
11:59ang inyong kamay
12:00na bumalik po kayo
12:02sa ating pamahalaan
12:03at tumulong
12:05sa tamang pamamaraan
12:07na may kapayapaan
12:09para po
12:09maiabot natin
12:10ang ating hadikain
12:11na gumanda
12:13ang buhay
12:13ng ating bayan.
12:14Maraming salamat po.
12:16Maraming salamat po
12:17sa inyong oras,
12:18National Amnesty Commission
12:19Chairperson
12:20Attorney Lea Tanodra Armamento.

Recommended