- 6/13/2025
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, June 13, 2025
-Babaeng kalalaya lang dahil sa kasong may kinalaman sa illegal drugs, patay sa pamamaril
-PAGASA: Bagyong Auring, humina bilang Low Pressure Area matapos mag-landfall sa Taiwan; nasa labas na rin ng Ph Area of Responsibility/ Metraweather: Mahina hanggang katamtamang ulan, asahan sa malaking bahagi ng Mindanao at ilang panig ng Visayas at Luzon/ Metraweather: Mas maayos na panahon, aasahan sa balik-eskwela sa Lunes
-Huli-cam: Buhawi, nanalasa sa isang barangay
-Oil Price increase, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-Kampo ni FPRRD, hiniling sa ICC ang interim release ng dating pangulo
-DTI: Mahigit 21,000 na piraso ng substandard batteries, sisirain ngayong araw
-2 motorsiklo, ilegal na nagkarera sa highway; mga rider, parehong menor de edad
-3, sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Visayas Avenue
-Van na pumutok ang gulong, tumama sa motorsiklo, garong at gate ng bahay; driver, sugatan
- P442,000 halaga ng umano'y shabu at baril na walang lisensya, nakumpiska sa buy-bust operation; 4 arestado
-Presyo ng ilang school supplies, hindi na inaasahang tataas, ayon sa ilang nagtitinda
-VP Duterte, pinalagan ang ilang isyu na ipinupukol sa kanya at kanyang pamilya/ VP Duterte sa mga pag-atake sa kanya na may kaugnayan sa impeachment: "Cowardly yet openly disingenious and arrogant"/ Sen. Imee Marcos at Sen. Robin Padilla, kasama ni VP Duterte sa Kuala Lumpur/ Sen. Marcos sa hindi nila pagsusuot ng robe noong mag-convene ang impeachment court: "Kaakibat ng kalayaan ang responsibilidad na maging patas"/ House Speaker Martin Romualdez, inaprubahan ang mosyon na huwag munang tanggapin ang ibinalik na Articles of Impeachment/ Sagot ni VP Duterte sa summons, inaasahan ng impeachment court sa June 23
-Defense Team ni VP Sara Duterte, pinaghahandaan na ang magiging tugon sa summons ng impeachment court
-Tindahan, nilooban ng menor de edad na lalaki; pitakang may lamang mahigit P14,000, tinangay
-Rider, patay matapos mabangga ng bus; 2 anak na angkas niya, sugatan
-61-anyos na lalaki, natagpuang patay sa sapa matapos mahulog sa riprap
-Ilang Kapuso stars, fashion elegance ang hatid sa The Mega Ball: Fashion+Dance!
-Dating IBP President Atty. Domingo Cayosa: Puwedeng mag-inhibit sa kaso ang isang judge kung nakokompromiso ang kanyang impartiality/ 1987 Constitution framer Atty. Monsod: Dapat mag-inhibit bilang senator-judge sina Sen. Dela Rosa at Sen. Tolentino sa impeachment case ni VP Duterte/ Sen. Dela Rosa, iginiit na hindi siya mag-iinhibit sa impeachment case ni VP Duterte; Sen. Tolentino, wala pang pahayag/ Atty. Cayosa: Pagpapa-inhibit sa ilang senator-judge, mahirap gawin/ Senate President Escudero: Hindi mapipilit ang senator-judges na mag-inhibit sa impeachment case ni VP Duterte/ UP Law Asst. Prof. Paolo Tamase: Kakailanganing boto sa pag-convict o acquit sa bise, posibleng magbago kapag may nag-inhibit na senator-judge
-241 na sakay ng eropla
-Babaeng kalalaya lang dahil sa kasong may kinalaman sa illegal drugs, patay sa pamamaril
-PAGASA: Bagyong Auring, humina bilang Low Pressure Area matapos mag-landfall sa Taiwan; nasa labas na rin ng Ph Area of Responsibility/ Metraweather: Mahina hanggang katamtamang ulan, asahan sa malaking bahagi ng Mindanao at ilang panig ng Visayas at Luzon/ Metraweather: Mas maayos na panahon, aasahan sa balik-eskwela sa Lunes
-Huli-cam: Buhawi, nanalasa sa isang barangay
-Oil Price increase, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-Kampo ni FPRRD, hiniling sa ICC ang interim release ng dating pangulo
-DTI: Mahigit 21,000 na piraso ng substandard batteries, sisirain ngayong araw
-2 motorsiklo, ilegal na nagkarera sa highway; mga rider, parehong menor de edad
-3, sugatan sa banggaan ng 2 motorsiklo sa Visayas Avenue
-Van na pumutok ang gulong, tumama sa motorsiklo, garong at gate ng bahay; driver, sugatan
- P442,000 halaga ng umano'y shabu at baril na walang lisensya, nakumpiska sa buy-bust operation; 4 arestado
-Presyo ng ilang school supplies, hindi na inaasahang tataas, ayon sa ilang nagtitinda
-VP Duterte, pinalagan ang ilang isyu na ipinupukol sa kanya at kanyang pamilya/ VP Duterte sa mga pag-atake sa kanya na may kaugnayan sa impeachment: "Cowardly yet openly disingenious and arrogant"/ Sen. Imee Marcos at Sen. Robin Padilla, kasama ni VP Duterte sa Kuala Lumpur/ Sen. Marcos sa hindi nila pagsusuot ng robe noong mag-convene ang impeachment court: "Kaakibat ng kalayaan ang responsibilidad na maging patas"/ House Speaker Martin Romualdez, inaprubahan ang mosyon na huwag munang tanggapin ang ibinalik na Articles of Impeachment/ Sagot ni VP Duterte sa summons, inaasahan ng impeachment court sa June 23
-Defense Team ni VP Sara Duterte, pinaghahandaan na ang magiging tugon sa summons ng impeachment court
-Tindahan, nilooban ng menor de edad na lalaki; pitakang may lamang mahigit P14,000, tinangay
-Rider, patay matapos mabangga ng bus; 2 anak na angkas niya, sugatan
-61-anyos na lalaki, natagpuang patay sa sapa matapos mahulog sa riprap
-Ilang Kapuso stars, fashion elegance ang hatid sa The Mega Ball: Fashion+Dance!
-Dating IBP President Atty. Domingo Cayosa: Puwedeng mag-inhibit sa kaso ang isang judge kung nakokompromiso ang kanyang impartiality/ 1987 Constitution framer Atty. Monsod: Dapat mag-inhibit bilang senator-judge sina Sen. Dela Rosa at Sen. Tolentino sa impeachment case ni VP Duterte/ Sen. Dela Rosa, iginiit na hindi siya mag-iinhibit sa impeachment case ni VP Duterte; Sen. Tolentino, wala pang pahayag/ Atty. Cayosa: Pagpapa-inhibit sa ilang senator-judge, mahirap gawin/ Senate President Escudero: Hindi mapipilit ang senator-judges na mag-inhibit sa impeachment case ni VP Duterte/ UP Law Asst. Prof. Paolo Tamase: Kakailanganing boto sa pag-convict o acquit sa bise, posibleng magbago kapag may nag-inhibit na senator-judge
-241 na sakay ng eropla
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Dead on the spot ang isang babae matapos pagbabarilin habang nasa gilid ng kalsada sa barangay Marulas sa Valenzuela.
00:37Ang biktima, kalalaya lang dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
00:42Balit ang hatid ni Bea Pinla.
00:46Nabulabog ang barangay Marulas, Valenzuela kahapon nang dumating ang dalawang lalaking ito sakay ng motorsiklo.
00:53Ang angkas ng motor, pinagbabaril ang babaeng nakatayo sa gilid ng kalsada.
00:59Bumaba pa ang lalaki, lumapit sa biktima at pinaulanan pa ulit siya ng bala.
01:05Tumakas ang riding in tandem.
01:07Dead on the spot ang 34 anyos na biktima.
01:11Hindi bababa sa apat na tama ng bala ang kanyang natamo.
01:14Ayon sa mga witness na na-interview natin, may ka-meet up itong biktima natin at nung nado na nga sa sabay kanto, ay agad na may dumating na dalawang tao na magkaangkas sa isang motorsiklo.
01:31At doon na, pinaslang na nga itong ating biktima.
01:36Based doon sa ating investigation, kunsehan sa droga itong dahilan kung bakit siya pinaslang.
01:41Ayon sa pulisya, kalalaya lang ng biktima nung nakaraang taon dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
01:48May mga reklamo rin daw dati sa barangay laban sa biktima dahil umano sa pagnanakaw.
01:54Pagnanakaw lang talaga ang lagi niyang reklamo rito sa amin. May pag-uusap sila na hindi na uulitin.
02:00So nag-agreed naman yung mga complainant na hindi niya na uulitin.
02:07Yung ala na uulit niya sa ibang tao naman.
02:09Tinutugis pa ng pulisya ang mga salarin.
02:11Meron na po tayong person of interest na ating tinitingnan.
02:15Kung meron po kayong nalalaman sa kribin na nangyari ito,
02:20mangyari po lamang na ipagbigay alam nyo agad po sa aming himpilan para sa kaagarang at pagkakahuling itong ating suspect.
02:26Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:36Low pressure area na na ulit ang bagyong Auring.
02:40Ayon sa pag-asa, pasado alas 8 kagabi nang lumabas o lumakas bilang bagyo ang noy low pressure area sa Batanes area.
02:47Matapos mag-landfall sa Taiwan, humina ulit ito bilang LPA.
02:51Nakalabas na rin ito ng Philippine Area of Responsibility.
02:55Kaninang madaling araw, nagpapaulan pa rin ang trough o extension ng nasabing LPA sa Batanes.
03:00Patuloy namang naka-apekto ang hanging habagat sa Ilocos Region at Babuyan Islands.
03:05Pusibli ang light to moderate rain sa malaking bahagi ng Mindanao at sa ilang panig ng Visayas at Luzon kasama na ang Metro Manila
03:11base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
03:15Higit na mataas ang tsansa na ulaan bandang hapon at gabi bukas
03:18at sa ringgo Father's Day sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
03:22Pusibli ang heavy to intense rains na maaaring maglulot ng baha o landslide.
03:27Mas maayos na panahon ang aasahan sa lunas ng umaga kasabay ng mga magbabalik eskwela.
03:32Pero maigi pa rin magdala ng payong para sa posibling ulan pagdating ng hapon o gabi.
03:41Nanalasa ang isang buhawi sa Abulog, Cagayan.
03:43Sa pool sa cellphone video ang pananalasa ng buhawi sa basketball court sa barangay Bago.
03:54Nagtakbuhan ang mga tao habang ilipad ang ilang upuan.
03:57Napaliyad din ang mga puno sa paligid.
04:00Ayon sa uploader, wala namang nasaktan sa insidente.
04:02Sa dumalinaw sa Buanga del Sur, na perwisyo ng landslide ang mga taga-barangay Kamalig.
04:10Umambalang sa National Highway ang mga lupa at kahoy matapos ang pagulan doon.
04:15Apektado ang biyahe ng mga bus at truck.
04:18Nadaanan nalang ulit ang kalsada makalipas ang tatlong oras na clearing operation.
04:22Rumaragas ang baha naman ang naranasan sa barangay Kaputian sa malalag Davao del Sur.
04:33Pinasok ng tubig ang ilang bahay kasabay ng malakas na buhos ng ulan.
04:39Halos isandang pamilya naman sa Santa Maria Davao Occidental ang inilikas dahil sa bigla ang pagbaha.
04:45Dinala sila sa pitong evacuation center.
04:47Nagbigay na rin ng food packs, hygiene kits, hot meals at medical assistance sa mga apektadong pamilya.
04:53Ayon sa pag-asa, Easter Lease ang nagpaulan sa Davao region.
05:03Deep, deep, deep sa mga motorista, posibleng tumaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo.
05:09Batay sa 40 trading ngayong linggo, nakikita ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy
05:14na madaragdagan ng 1 peso hanggang 1 peso and 40 centavos ang kada litro ng diesel sa Martes.
05:21Price hike din ang nakikita sa gasolina na 90 centavos hanggang 1 peso and 40 centavos.
05:27At sa kerosene na 1 peso hanggang 1 peso and 20 centavos kada litro.
05:32Bunsod yan na gumaganda umanong trade relations ng Amerika at China
05:35at nakikitang pagsigla ng demand.
05:38Kung matuloy, ikalimang sunod na linggong taas presyo na yan sa gasolina at ikatlo naman sa diesel.
05:44Pumiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang paglaya
06:03habang dinidinig ang kanyang kasong murder as a crime against humanity sa International Criminal Court.
06:09Sa apelan ng kampo ng dating Pangulo sa ICC Pre-Trial Chamber 1,
06:13sinabing pumayag daw ang gobyerno ng isang ICC member state na manatili sa kanilang lugar ang dating Pangulo.
06:19Sa kaling payagan, handa rin daw ang naturang bansa na sumunod sa anumang kondisyong itatakda ng ICC Pre-Trial Chamber 1.
06:27Tiniyak din ang kampo ni Duterte na walang balak ang dating Pangulo na takasa ng kanyang kaso.
06:32Dapat rin daw bigyang konsiderasyon na siya ay 80 years old na.
06:36Lilimitahan din daw niya ang komunikasyon sa ibang tao maliban sa kanyang pamilya.
06:40Hindi rin daw siya gagamit ng internet, cellphone o iba pang gadgets.
06:44Wala pang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1 pagnay sa hiling ng kampo ni dating Pangulong Duterte.
06:52Isinumiti ang urgent request for interim release kahapon, June 12.
06:56Sa Facebook, sinabi ni ICC Assistant to Council Attorney Cristina Conti na nabigla siya nang makita sa pila ang kampo ni Duterte
07:03na hindi daw kakontrahin ang ICC prosecutor ang hiling para sa pansamantalang paglaya ng dating Pangulo.
07:08Bata rin sa huli nilang pag-uusap ng kanyang mga kliyente na biktima sa kaso, hindi sila pabor sa anumang special treatment sa dating Pangulo.
07:17Sa panayam ng Super Radio DCWB, sinabi ni Conti na mabuting hintahin din muna ang pahayag ng ICC prosecution at ng ICC Member State
07:25na tatanggap umano kay Duterte.
07:30Mahigit sanda ang milyong pisong halaga ng substandard na baterya ang nakataktang sirayang ng Department of Trade and Industry.
07:36May ulat on the spot si Darlene Kai.
07:40Darlene?
07:44Grafie, nagpapatuloy yung pagsira ng mga lead acid storage batteries dito sa isang waste disposal and materials recovery facility sa Valenzuela.
07:52Katulad po ng nakikita niyo rito ay nagpapatuloy yung destruction ng mga substandard na batteries na yan.
07:58Ayon sa DTI or Department of Trade and Industry Fair Trade Group, kigit 21,000 na piraso ng substandard lead acid storage batteries ang sisirain ngayong araw.
08:08Nagkakahalaga yan ng mahigit 110 milyon pesos.
08:12Ayon kay Director Regino Maliari Jr. ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau,
08:17ang mga kinumpiskang battery ay nasabat sa hindi bababa sa sampung operasyon kasamang NBI o National Bureau of Investigation.
08:24Pinakamalaki rito ay mula sa operasyon nila noong September 2024.
08:30Iligal daw ang pagbebenta ng mga ito dahil substandard at walang markings ng Philippine Standard at Import Clearance Certificate o ICC.
08:38Ibig sabihin, hindi pumasa sa inspeksyon.
08:41Sabi pa ni Maliari, delikado ang mga itong gamitin dahil maaring mag-leak, masunog at ikapahamak ng mga nakasakay sa sasakyang gumagamit.
08:50Ayon naman kay DTI Assistant Secretary Agaton Uvero, imported daw ang mga substandard batteries na ito at malamang na dumaan sa backdoor entry para makapasok sa Pilipinas.
09:00Bahagi raw ng investigasyon ay kung saang saang lugar galing ang mga baterya at kung paano ito nakapasok sa bansa.
09:07Sinampahan na raw ang mga wholesaler at retailer kung nanagbebenta ng mga bateryang ito ng paglabag sa product standards law.
09:16Raffi, sisirain yung mga batteries na ito at i-re-recycle daw yung mga parte na pwedeng pakinabangan.
09:22Sa lahat ng iyan, katawan ng DTI, yung DNR para noong masaguro na yung disposal, pagtatapon at pag-re-recycle dito sa mga bateryang ito ay hindi makakasama sa kalikasan.
09:32Yan ang latest mula rito sa Valenzuela City.
09:34Ako po si Darlene Kai para sa GMA Integrated News.
09:37Maraming salamat, Darlene Kai.
09:38Pumaharuroot ang dalawang torsiklo na iyan sa bahagi ng highway sa Concepcion, Iloilo.
09:49Iligal na nga ang karera, wala pang suot na lumang safety gear ang parehong rider.
09:54Rumisponde ang mga polis at napagalaman na minor de edad ang mga rider.
09:59Ipinatawag at kinausap na sila ng mga otoridad kasama ang kanilang mga magulang.
10:03Matapos mapagsabihan, ibanilik na sila sa kustudya ng kanilang mga magulang.
10:08Pero na-impound ang mga ginamit nilang motorsiklo.
10:13Tatlo ang sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Visayas Avenue, Quezon City.
10:18Ang nahulikam na insidente sa Balitang Hatib ni James Agustin.
10:24Pakaliwa ang isang motorsiklo sa bahagi nito ng Visayas Avenue sa Quezon City magalauna ng madaling araw kanina.
10:31Masda na kumukuha ng chempong rider.
10:34Pagkalampas ang isang tricycle, bigla niyang nakasalpukan ang isa pang motorsiklo.
10:39Sa lakas ng impact, tumilapo ng mga sakay ng dalawang motorsiklo.
10:43Sa video na ito, kita ang mga sugatang biktima.
10:45Nakadapa ang rider na nakasutang puting t-shirt habang nakaupo sa tabi niya ang kanyang angkas.
10:51Ilang metro ang layo sa kanila ng isa pang rider na humingi ng tulog.
10:54Agad na rumisponde ang ambulansya ng Barangay Vasra.
10:58Sila ang nagsugot sa ospital sa rider na nakasutang puting t-shirt.
11:02Dumating din ang ibang rescuer na nagdala naman sa ospital sa dalawang pang biktima.
11:06Ang nadatnan po namin doon, yung nakakulay puti na rider, walang malay na po, nakandosay na po, dugoan po ang olo niya at saka noo.
11:16Tapos yung isa naman po, okay naman po siya kasi nakaupo po siya pero sugatan din po yung noo niya.
11:24At saka yung isa naman po, yun po yung kaya pa niyang tumayo.
11:29Ayon sa mga taga-barangay, accident prone ng lugar.
11:33Doon sa pinangyarihan, pwede naman kumaliwa. Pwede rin mag-U-turn lahat ng sasakyan.
11:40Ano kasi ito eh, national road eh. Lalo na yung mga motor, medyo mabibilis sila.
11:46Ingat lang, ingat lang. Lalo na siya may madadaanan silang tawiran.
11:53Patuloy ang imbisigasyon ng QCPD Traffic Sector 6 sa nangyaring aksidente.
11:57James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:04Ito ang GMA Regional TV News.
12:09Mainit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
12:13Nang araro ng mga nakaparadang sasakyan ng isang van sa Kalasyao, Pangasinan.
12:18Chris, ano nangyari sa van?
12:21Rothy, pumbutok ang gulong ng van kaya raw nawala ng kontrol ang driver nito.
12:25Bukod sa isang motorsiklo at isang garong, tinamaan din ng van ang poste, kuntador at linya ng tubig,
12:32pati na ang gate ng isang bahay roon.
12:34Sugatan ang driver na agad dinila sa ospital.
12:37Wala namang ibang nasaktan sa insidente.
12:39Walang pahayag ang driver.
12:41Ayon sa pulisya, nagkaroon na ng kasunduan na babayaran ng driver ang mga napinsala.
12:46Arestado naman sa by-bust operation ang apat na drug suspects sa Imus, Cavite.
12:53Ayon sa pulisya, nakuha sa kanila ang 65 gramo ng hinihinalang shabu
12:58na may street value na mahigit sa 440,000 piso.
13:03Bukod sa iligal na droga, nakumpis ka rin ang isang baril na walang lisensya
13:07mula sa isa sa mga sospek.
13:09Hindi sila nagbigay ng pahayag.
13:11Balik eskwela na sa lunes.
13:20Sa mga maghahabol sa pamimili ng school supplies and good news
13:24ay wala na raw inaasahang pagtaas sa presyo.
13:28Dagdag ng Department of Trade and Industry,
13:31mas mura ngayong taon ang ilang school supplies
13:33kumpara noong 2024.
13:36Hanggang 10 piso raw ang natapya sa presyo ng mga ito.
13:39Sa divisorya, ang presyo ng notebook naglalaro sa 18 hanggang 35 pesos.
13:4515 hanggang 25 pesos sa kada peraso ng lapis at ballpen.
13:50Ang crayons, 35 to 65 pesos.
13:53Nasa 250 pesos naman ang pencil case, depende sa disenyo.
13:58Ang school bag naglalaro sa 200 hanggang 500 pesos.
14:02Abot naman sa 900 pesos ang mga digulong na bag.
14:05Hindi mawawala sa back-to-school shopping ang school shoes
14:09na may mabibili na sa halagang 150 pesos
14:13at uniform na 160 to 250 pesos depende sa disenyo.
14:18Pinalaga ni Vice President Sara Duterte ang ilang isyong ipinupukol sa kanya at kanyang pamilya.
14:32Kabilang dyan ang mga pag-atake laban sa kanya kaugnay sa impeachment proceedings
14:36na inilarawan niyang duwag at walang respeto.
14:39Narito ang aking report.
14:40Sa ating pagkakaisa ay nalalantad ang mga interes
14:48na salungat sa interes ng mga Pilipino.
14:53Nabubunyag ang tunay na kulay at nalalantad ang kanilang pagbabalat kayo.
15:00Matapang ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte
15:03sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Kuala Lumpur, Malaysia.
15:07Isa sa nabanggit niya ang pagkakaaresa sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
15:11dahil sa kinakaharap na kasong Crimes Against Humanity sa International Criminal Court.
15:16Gamit ang dahas at hiram na kapangyarihan ay papahirapan nila tayo.
15:23Ang dinaranas ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay konkretong halimbawa nito.
15:31At kaugnay sa impeachment proceedings laban sa kanya, sabi ng Vice.
15:34The attacks are cowardly, yet openly disingenuous and arrogant.
15:41Absence of basic human decency and respect for the rule of law.
15:48Typical of people drunk in power.
15:54Pero nananatili tayong nakatayo dahil ang pinaglalaban natin ay tama at totoo.
16:02Kasama ng BC sa Kuala Lumpur, sina Sen. Aimee Marcos at Sen. Robin Padilla na parehong nanawagan ng suporta para sa BC Presidente.
16:11Gusto ko muna mong magbigay bugay ula-ula sa susunod na pahulo ng Pilipinas.
16:17Ingay, sana Duterte.
16:22Duterte!
16:23Duterte!
16:25Duterte!
16:27Duterte!
16:29Duterte!
16:30Ang pagka sinisigaw niya, lalo ako tumatapang eh.
16:35At higing sanahok ang ating pinakamamahal, Bibi Inday-Sara Duterte!
16:45Duterte!
16:46Duterte!
16:46Duterte!
16:46Duterte!
16:47Duterte!
16:48Duterte!
16:48Duterte!
16:49Kaya sinasabi ko sa kanya, hindi ako ang magbabalik kay dating Pangulong Duterte sa Pilipinas.
16:58Dahil ang kapatid mo ang nagpadala sa kanya sa Hague, ikaw ang magbabalik sa kanya sa Pilipinas.
17:08Para siyang naka-hostage. Bibitawan ko lang yan siya kapag si dating Pangulong Duterte ay nabalik na sa Davao City.
17:18Nabanggit din ni Marco sa mga nangyari sa Senado.
17:21Gaya ng hindi nila pagsusuot ng impeachment room noong mag-convene ang impeachment court.
17:25Alam ko ninyo, dalawang gabi, isang gabi, hindi na kami, eh, tumayo kami bilang hukom.
17:32At nagsuot ng gamit bilang hukom. Nakita siguro nang iba sa inyo.
17:38Pero kami, mga pasaway ni Robin, hindi kami nagsuot. Ayaw namin noon, pangir.
17:44It's not my call.
17:48Ayan.
17:50Alam ko ninyo, ang totoo, tumayo kami pagkat kaakibat ng kalayaan ang responsibilidad na maging batas at marangal.
18:01Kasama si na Marcos at Padilla sa labing walong pumabor na ibalik sa Kamara ang Articles of Impeachment laban sa Bise.
18:08Pinagtibay ng Kamara ang resolusyon para sertipikang naaayon sa saligang batas ang impeachment complaint gaya ng hinihingi ng Senate Impeachment Court.
18:16Gayunman, kinwesyon pa rin ni House Speaker Martin Romualdez ang utos na ibalik ang Articles of Impeachment sa Kamara.
18:22Pero inaprubahan din ang mosyon na huwag munang tanggapin ang ibinalik na Articles of Impeachment hanggat hindi sinasagot ng Senate Impeachment Court
18:29ang mga tanong ng House Prosecution Panel sa pagbabalik ng naturang articles.
18:33Hindi rin muna ipinadala sa Senado ang certification ng Kamara dahil pag-uusapan pa ito ng House Prosecution Panel.
18:39It was decided by the House leadership that the Secretary General can issue the certification for maybe for everyone's appeasement
18:48but it does not necessarily mean that we will transmit such certification to the Senate.
18:56Yun po ang aming stand, wala po silang authority to remand the Articles of Impeachment.
19:03It's not under the Constitution that they can return or remand the Articles of Impeachment.
19:11Hindi naman malinaw pa kung anong magiging aksyon ng Kamara sa ikalawang hinihingi ng Impeachment Court
19:16ang paglilinaw ng papasok na 20th Congress kung interesado pa itong ituloy ang impeachment complaint.
19:22Inaasahan ng Impeachment Court ang sagot ni V.B. Duterte sa summons sa June 23.
19:25Ang prosecution naman merong hanggang June 28 para mag-reply sa tugon ng B.C. kung nanaisin ito.
19:32Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
19:37Nahandaan na ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang kanilang magiging tugon sa initial summons ng Impeachment Court.
19:43Sinabi yan ang Vice Presidente sa isang panayam sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan dumalo siya sa Philippine Independence Day Celebration.
20:00Kinumpirma naman ni Vice President Duterte na bumisita siya kamakailan kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Qibuloy sa Pasig City Jail.
20:09Hiling niya, sana rin marisolban na ang kaso ni Qibuloy sa lalong madaling parahon.
20:13Dahan-dahang kumasok ang minor na edad na lalaking iyan sa isang tindahan sa Binmalipang Gasinan.
20:23Tina napansin niya ang CCTV sa tindahan dahil agad siyang nagtakip ng mukha.
20:27Binuksan ng lalaki ang drawer at ginalaw ang ilang paninda bago umalis na walang bitbit na paninda.
20:32Yun pala, may tinangay na siyang pitaka.
20:36Ayon sa may-ari ng pitaka na nabang may-ari din sa tindahan, 14,000 pesos at 50 US Dollars na katumbas ng halos 2,000 pesos and 800 ang natangay.
20:46Posible raw na nakalusot ang lalaki sa siwang sa pagitan ng gate at bubong ng tindahan.
20:52In-report na na may-ari ng tindahan ang insidente sa pulisya at mga taga-barangay.
20:57Patuloy na inaalam ang pagkakakilanda ng lalaking minor de edad.
21:03Ito ang GMA Regional TV News.
21:08Balita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
21:12Nauwi sa trahedya ang pagpapainroll sana ng isang ina sa dalawa niyang anak sa Maguindanao del Sur.
21:18Cecil, ano nangyari?
21:21Rafi, papunta sana sa eskwelahan para mag-enroll ang mag-iina ng mabangganang bus ang sinasakyan nilang motosiklo sa bayan ng pandag.
21:30Patay ang kinang na rider na buntis daw ayon sa kanyang ina.
21:34Sugata naman ang dalawang anak na angkas niya na edad labing isa at sampu.
21:39Ayon sa pulisya, sinubukan ng bus driver na iwasan ang lubak-lubak na bahagi ng kalsada at doon niya natumbok ang motosiklo na nasa unahan.
21:48Hawak na ng pulisya ang driver ng bus.
21:51Hinihintay pa kung magre-reklamo o makikipag-areglo ang pamilya ng bikima.
21:56Sinisika pa ng GMA Regional TV na makuha ang pahayag ng parehong panik.
22:03Nahulog sa reprap ang isang senior citizen dito sa Cebu City.
22:07Dumireto siya sa Sapa kung saan siya nakita ng kanyang kapitbahay.
22:11Ayon sa mga rumisponde, wala nang pulso ang 71 anyos na lalaki ng abutan nila.
22:19May kaunti rin siyang dugo sa noo.
22:21Idiniklara siyang dead on arrival sa ospital.
22:24Patuloy pa itong ineimbestigahan.
22:27Tumangging magbigay ng pahayag ang kanyang pamilya.
22:35Happy Friday mga mari at pare!
22:37Fashion, supremacy, and elegance ang ipinakita ng ilang kapuso stars na spotted sa The Megaball Fashion and Dance.
22:48After her PBB stint as house guest, iconic sa kanyang white dress si kapuso global fashion icon Heart Evangelista.
22:57Pinarangalan siya as Pinoy Pride Awardee for Fashion and Social Media.
23:01Slay rin si PBB Celebrity collab host Gabby Garcia sa kanyang dress while dashing in a suit si Khalil Ramos.
23:08Spotted din sa fashion event ang isa pang PBB host na si Mabili Gaspi kasama ang kanyang kambal na si Cassie.
23:16Dashing in white naman si na ex-PBB housemates Vince Manistela at Michael Sager.
23:21Umaten din si Beauty Empire star Kailin Alcantara at Sparkle stars Winwin Marquez, Max Collins at Anthony Constantino.
23:29Pati na rin si The Clash Judge Christian Bautista with wife Katram Nani at award-winning food content creator and sanggang dikit FR star Abby Marquez.
23:41Present in her black gown din si Sparkle First Vice President Joy Marcelo.
23:45Naniniwala ang ilang legal expert na dapat mag-recuse o mag-inhibit ng ilang senator judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
24:02dahil sa mga naging pahayag nila kamakailan.
24:05Si Senate President Jesus Codero naman sinabing hindi nila mapipilit ang isang senator judge na gawin ang recusa.
24:11Balita ng hatid ni Ian Cruz.
24:17Sa proseso ng hulikatura, may tinatawag na judicial recusal.
24:22Ito ang pagdisqualifica sa isang presiding judge sa paghawak ng isang kaso dahil nakompromiso ang kanyang impartiality.
24:30Dahil itong masiguro ang isang paglilitis ay patas at walang kinikilingan, bagay na pinoprotektahan mismo ng saligang batas.
24:38Ayon kay Atty. Domingo Cayosa, dating national president na integrated part of the Philippines,
24:45maaaring maghusa ang isang huwes o kaya'y magmosyon ang isa sa magkatunggaling partido sa kaso para persahang alisin ang hukom.
24:52Sa paniniwala ni Atty. Christian Monsod, isa sa mga bumalangkas ng 1987 Constitution,
25:14dapat nang mag-recuse o mag-inhibit bilang senator judge ang ilang senador dahil sa mga naging pahayag nila.
25:23I think not they should, senator Bato, about recusing themselves.
25:29The source of the dissimacy is independence.
25:31If they're incapable of independent thinking, I think they should withdraw and say, you know, we are not participating.
25:39Ditong martes, tumayo si senator Bato de la Rosa para hining i-dismiss ang impeachment complaint kahit hindi dumaraan sa paglilitis.
25:47I respectfully move that in view of its constitutional infirmities and question on the jurisdiction and authority of the 20th Congress,
26:00the verified impeachment complaint against Vice President Sarah Zimmerman Duterte be dismissed.
26:08Si Senador Francis Tolentino naman sinabing functionally dismissed na ang impeachment case kapag lumagpa sa June 30 ang paglilitis.
26:18If we cannot conclude the trial before June 30, 2025, we must recognize this impeachment case is functionally dismissed by constitutional operation.
26:34Sabi naman ni Dela Rosa, hindi siya mag-i-inhibit dahil walang pagbabawal sa naging hakbang nila na ipadismiss ang impeachment complaint.
26:43Ayon sa legal expert, hindi madali at magiging madugo ang pagpapainhibit at maging ang pagpapatanggal sa isang nakaupong senator judge ng impeachment court.
26:53Maaari, but pagbabotohan nila yan ulit and it will be very contentious.
26:59Wala kasing specific provision dun na unlike the rules of court and many other rules of administrative bodies.
27:06Pero sabi ni Sen. President Cheese Escolero, hindi nila mapipilit ang isang senator judge na mag-inhibit sa impeachment.
27:13Decision nila kung mag-i-inhibit nga ba o magre-recuse sila, hindi yan subject matter of vote, hindi yan pwedeng pagbotohan na hoy ikaw tanggal ka na.
27:24Hindi gano'n yun, walang gano'ng klaseng procedure o proseso sa impeachment court man o sa regular court.
27:31Sakaling may mag-inhibit nga sa mga senator judge na kalyado ni VP Sara, magkakaroon ng bagong tanong.
27:37Ang requirement sa Saligang Batas is two-thirds of all of the members of the Senate.
27:43Majority is based on who votes. That is a rule that applies to the courts.
27:48Halimbawa, yung mag-recuse na isa, 22 na lang babibilangin natin o out of 24.
27:53Hindi klaro yun sa Saligang Batas, hindi rin yung klaro sa rules.
27:57Possible naman na may mag-recuse talaga.
27:59Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
28:03Pinalawig pa ang mga pwedeng makabili ng 20 pesos kada kilong bigas na programa ng gobyerno.
28:09Mayulat on the spot si Bernadette Reyes.
28:12Bernadette?
28:16Rafi, hindi na lamang mga miyerno ng 4P, senior citizens, PWDs at mga solo parents ang maaaring makabili ng 20 bigas.
28:24Dahil simula ngayong araw ay maaaring na rin makabili nito ang mga minimum wage earners.
28:33120,000 na minimum wage earners ang inisyal na target na mabentahan ng 20 bigas.
28:39Ngayong araw, sinimula na ito sa mga minimum wage earners sa Manila Harbor Center.
28:44Inilunsad na rin ito sa iba't ibang bahagi ng bansa.
28:47Ayon sa ilang nakapanayam namin na beneficiaries, malaking tulong daw ito sa kanilang pagbabudget.
28:52Tulad na mga binibenta sa mga kadiwa stores, 25% broken rice din ito na mula rin sa buffer stock ng National Food Authority.
29:00Layon ng programa na maabot ang 14 milyon na mga Pilipino.
29:05Rafi, umaasa ang Department of Labor and Employment na sa paglipas na mga araw ay madadagdagan pa ang mga beneficiaries na masasama sa kanilang listahan.
29:13Pag-aaralan din daw ng Department of Agriculture ang posibilidad na mapalawin pa ang programa para maisama na rin sa mga beneficiaries sa mga nabibilang sa mga lower middle income.
29:23Rafi?
29:23Bernadette, exclusive ba yan para sa empleyado lang ng kumpanyang kasali sa programa o bukas sa lahat ng minimum wage earners?
29:34Rafi, buti na itanong mo yan.
29:36Dahil sa ngayon, meron lang piling partnership ang Department of Labor and Employment at Department of Agriculture doon sa ilang mga kumpanya.
29:43So sa ngayon, kung ano yung mga kumpanyang meron ng kasunduan, sila yung mga minimum wage earners na entitled siyaan.
29:51Ngayon kung sila ay minimum wage earner pero sila ay nabibilang din doon sa sektor, kabilang na ang 4P, Senior Citizen, PWD o Solo Parent,
29:59ay maaari pa rin sila magpunta doon sa mga kagiwa centers para maka-avail nitong benteng bigas.
30:04Rafi?
30:05Maraming salamat, Bernadette Reyes.
30:08Nasa ilalim ngayon ng thunderstorm watch ang Metro Manila.
30:17Ayon sa pag-asa, apektado rin ang Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
30:22Pinaalerto ang mga residente sa biglaang ulan sa mga susunod na oras.
30:27Tatagal ang thunderstorm watch hanggang alas 10 mamayang gabi.
30:30Ang inaasahang ulan na epekto ng mainit na Easter leaves.
30:34Araw man o gabi, from land to the sea, hindi mauubusan ng iyo-offer ang next destination ng ating favorite biyahero.
30:46Sama ka?
30:47Heto ang patikim ng biyahe ni Drew.
30:49Sama-sama tayong mag-unahan dito sa Cebu.
31:10Sama-sama tayong mag-unahan dito sa Cebu.
31:11Sama ako nasisig dito ah.
31:19This is how you do it with passion, with strength, with unligigil.
31:31Boom.
31:33No.
31:34Ambal.
31:35Ala siya.
31:37Kung may perfect cone-shaped na bulkan sa Bicol.
31:39Dito sa Cebu, ay pantapat daw si Lareal.
31:43Kaya tinawag na naupa.
31:45Naapakan lang niya ang mga katabing burol.
31:49Left, right, straight, baikot-ikot, at magpazigzag kayo.
31:52Pwede.
31:55Huli, pero di kulong.
31:57Hehehe.
32:00Picture pa lang kahit hindi ka pa nakasakay.
32:02Kulit.
32:03Kung paano gusto mo, maglaro na maglaro.
32:09Kung may sapat na oras, mas mainam na subukan mag-scuba diving para mas ma-explore ang ilalim ng dagat.
32:18Kahit pa nga sa sayawan.
32:20Papatalo mo tayo riyan?
32:21Paayos, maglino taas na nagigap gaspil sa...
32:26Tagihan sa Naga!
32:28Hey!
32:30Poha, talagang nakakahapi.
32:36Galaw-galaw, biyajeros, dito sa City of Naga, Cebu.
32:40Sa kuha ng dashcam ng isang SUV, kita ang truck na yan na paliko sa kalsada sa Pormulok, South Cotabato.
32:51May van naman sa kabilang lane.
32:53Habang lumiliko ang truck, hindi tumigil ang van at nagdere-diretsyo sa truck at SUV.
32:58Labing walo ang sugatan kabilang ang driver ng SUV at mga sakay ng van.
33:02Ayon sa pulis siya, wala pang paliwanag ang van driver sa insidente.
33:22Kaugnay ng apilan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang paglaya,
33:27kausapin natin ang isa sa ICC-accredited lawyers na si Atro ni Joel Butuyan.
33:31Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
33:35Magandang umaga, Rafi, at sa lahat ng ating televiewers.
33:38Opo, ano po yung posibilidad sa sinasabi ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
33:42na pumayag daw ang gobyerno ng isang ICC member state na manatili sa kanila lugar, ang dating Pangulo?
33:49Rafi, nag-high-in ang kampo ni former President Duterte ng application na mabigyan siya ng interim release.
33:57At itong application na ito ay dadadaan pa sa proseso.
33:59Kukunan pa ng komento, ang prosecution, ang victims' council,
34:04at pati na rin yung sinasabing nasyon na pumayag na mag-host kay Mr. Duterte
34:14habang siya ay nililitis.
34:16Hindi pa pinapangalanan itong country na ito,
34:19pero ang duda ko ay malapit lang sa seat ng ICC,
34:23malapit lang sa Netherlands dahil kailangan mag-attend ni Mr. Duterte
34:26sa trial na mangyayari sa kanyang kaso.
34:29Kapag sinabing interim release, ano-ano po yung sakop nito?
34:34Interim release dahil temporary siya habang yung kaso ay nililitis,
34:40siya ay ilalabas doon sa may detention center ng ICC,
34:46pero malalagay siya sa isang host country na maraming kondisyones na kailangang sundin,
34:54hindi lang ni Mr. Duterte, pati na rin yung host country.
34:58Sa kasaysayan po ba ng ICC, may mga napagbigyan na sa interim release?
35:01At ano po yung mga konsiderasyon dito?
35:04Meron ng mga ilan na napagbigyan ng interim release,
35:08although yung kaso nila hindi kasing bigat ng kay Mr. Duterte
35:11dahil yung sa kanila ay yung obstruction of justice lang
35:15dahil sila ay nakialam sa mga testigo, sa mga witnesses.
35:19At ang host country na pumayag na doon sila pumirmi muna
35:24habang ongoing yung trial ay ang bansang Belgium.
35:27Kaya ang number one suspect ko ay ang Belgium
35:31ang pupwedeng pumayag kay Mr. Duterte
35:33dahil ito ay malapit lamang sa Netherlands.
35:36In fact, mga ano lang, less than one hour lang
35:39dahil border country siya.
35:42Paano kaya makukupirma kung puwagin nga talaga yung gobyerno ng isang ICC member state?
35:49Malalaman natin yan in due time
35:51kasi o-order ng ICC judges yung prosecution
35:56saka yung Victims Council
35:57and pati na rin yung country
36:00which agreed to host Mr. Duterte
36:03para alamin kung papayag sila sa mga kondisyones na ipapataw ng korte
36:08para sa interim release.
36:09Yun bang interim release ay may kinalaman din kung gaano kabigat yung ebidensya
36:14laban doon sa akusado?
36:15Walang kinalaman sa ebidensya
36:19dahil ito ay ang consideration dito
36:23yung flight risk
36:24kung baka mag-escape si Mr. Duterte
36:28while ongoing yung trial
36:29Pangalawa
36:30yung epekto sa mga witnesses
36:35kung baka mamaya matatakot yung mga witnesses
36:38kung siya ay marirelease
36:41Pangatlo ay yung possibility na baka ulitin niya yung mga krimen na ginawa niya before
36:46kung siya ay rirelease
36:47At apat yung tinatawag na humanitarian considerations
36:54Kaya hindi siya pwedeng ibalik doon sa kanyang bansa
36:56dahil yung possibility na baka gawin niya ulit yung krimen
36:59Yes, hindi siya po pwedeng bumalik sa bansa natin
37:02dahil unang-una
37:03hindi na tayo state party sa ICC
37:05Ano po yung magiging epekto nitong hiling ng kampo ng dating Pangulo
37:08doon sa takbo naman ng kaso?
37:13Tingin ko wala namang magiging epekto
37:16kasi itong issue na ito mariresolba
37:18bago yung tinatawag ng confirmation of charges
37:21na mangyayari sa September 23
37:22So itong method didinigin bago September 23
37:27and ang aking forecast
37:30magkakaroon ng decision ang ICC
37:34sa issue ng interim release bago dumating ang September 23
37:38Bago po mag-desisyon, meron bang pagkakataon
37:41yung mga nagre-reklamo
37:43laban kay dating Pangulong Duterte
37:46na umapilat huwag payagan ng ICC yung kanyang kahilingan?
37:50Oo Rafi, importante na madinig ng ICC
37:52yung views and observations ng mga victims
37:55Dahil maraming issues dito sa issue ng interim release
37:59ay factual
38:00tungkol doon sa may epekto sa mga witnesses, sa mga biktima
38:05dahil kahit na na-arresto na si Mr. Duterte
38:10takot pa rin yung karamihan ng mga biktima na lumabas at mag-participate sa ICC
38:14mas lalo na ngayon na kung sakaling palalabasin siya ng temporary
38:22Pangalawa, yung issue ng he will continue to commit the crimes
38:26Alam mo, nung quad-com hearing, sinabi niya mismo
38:28nung nakapag-select na mayor
38:30uulitin niya at dodoblihin niya yung mga patayang na mangyayari
38:35So yung mga yan dapat talagang dinggin ng ICC
38:37Okay, abangan po natin
38:39Maraming salamat, ICC Accordated Lawyer
38:41Atty. Joel Butuyan
38:43Maraming salamat din, Traki
38:45Ito ang GMA Regional TV News
38:51Sumalpok sa isang bahay ang isang truck sa Santa Elena Camarines Norte
38:57Paliwanag ng driver sa pulisya, may iniwasan siyang kasalubong nasasakyan
39:01Umamin siyang mabilis ang takbo niya noon
39:03kaya't nawalan siya ng kontrol sa manibela hanggang tumama ang truck sa bahay
39:08Wala namang nasaktan sa insidente
39:10Sasagutin daw ng driver ang pagpapaayos sa nasirang bahagi ng bahay
39:1555 pamilya ang nasunugan sa Mandawi City dito sa Cebu
39:22Mabilis na kumalat ang apoy dahil magkakadikit ang nasa 50 bahay na nasunog sa barangay Labugon
39:28Sa tala ng Bureau of Fire Protection, abot sa halos 800,000 piso ang natupok na ari-arian
39:34Wala namang naitalang nasaktan
39:36Ayon sa BFP, charger na naiwang nakasaksak ang pusibling pinagmulan ng apoy
39:41Patuloy pa ang investigasyon
39:44Lumikas na sa evacuation centers ang mahigit dalawang daang residente na nasunugan
39:49Bibigyan daw sila ng tulong pinansyal ng Mandawi LGU
39:52Patay ang isang lalaking hininhalang nagbibenta ng iligal na baril matapos makipagbarilan umano sa mga polis na huhuli sana sa kanya sa Pasig
40:04Balitang hatid ni Bam Malegre
40:06Nauwi sa enkwentro ang bybas operation ng Pasig Police kagabi sa barangay pinagbuhatan
40:12Matapos umanong makutuba ng suspect na polis ang katransaksyon niya
40:16Bibilin sana ng mga undercover na polis sa suspect ang isang kalibre 45 baril
40:21Biglang naging agresibo at unang na maril umano ang suspect
40:24Nakipagbarilan ng mga polis na ikinasawi ng suspect
40:27Karoon ng brief encounter na sanhin ang pagkamatay ng ating suspect
40:32Tinakbo namin sa ospital pero wala na rin, binawian na rin siya ng buhay
40:37On the course of the transaction, naramdaman niya na yung mga katransaksyon niya ay mga operatiba natin
40:44So bumunot siya pumutok
40:46Hindi naman agad maproseso ng mga otoridad ang crime scene dahil sa naiwan daw na granada na mula sa suspect
40:51Kinordunan ang lugar at hinintay ang Explosive and Ordnance Division ng Pasig Police para ligtas itong makuha
40:57Base sa imbisigasyon, marami ng records sa polis siya ang lalaking suspect
41:00Sangkot na rin siya sa mga robbery hold-up dito sa city of Pasig
41:04At saka sa mga neighboring cities like Taytay and Kainta and Taguig
41:10At may kaso na rin siya ito na mga shooting incident and yung anti-car napping
41:17Tinitingnan din ang polis siya ang posibleng pagkakasangkot ng suspect sa isang robbery hold-up kahapon sa Pasig
41:22Nagreklamo ang biktima nito sa presinto
41:24Isinama siya sa ospital kung saan din nalang napatay ng suspect
41:27Positibo niyang tinukoy na yun nga ang lalaking ng hold-up daw sa kanya
41:31Na-hold-up po ako sir
41:32Diyan po sa may San Isidro Street po
41:36May bumaba po na dalawa po sila
41:40Bale, isa po
41:41Sinundo ako para pumunta po sa may bahay po
41:45Na sinabi naglalabaw ko yung kuya niya
41:48Siya po kukuha ng item
41:50Unit po na cellphone po
41:52And then pagdating po namin dun sa malapit na po sa iskinita
41:56Bingla pong lumabas yung sinasabi niya pong kuya po
41:58Yung transaksyo ko rin po na nakausap ko po
42:02Bingla akong binunutan ng barel
42:04And then tinutok ko sa akin
42:05Di ko na po, wala na, di ko po narinig
42:10Basta narinig, sinabi ko lang po, opo, opo
42:12Gumano na lang po ako, opo, opo
42:14Binigay ko na lang po yung unit
42:15Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News
42:19Mga mari at pare, payag ba kayong gumamit ng cellphone at tablet
42:29ang mga estudyante sa loob ng classroom?
42:33Sabi ni Education Secretary Sonny Angara sa GMA News Online
42:38Karaniwang bawal ang gadget sa classroom
42:41Pero pwedeng payagan kung gagamitin sa pag-aaral
42:44Sa ilang paaralan daw, cellphone ang ipinapagamit para sa pagtuturo at pag-aaral
42:49Malaking tulong daw ito sa gitna ng kakulangan ng mga textbook, workbook at reference materials
42:56Ayon naman sa Alliance of Concerned Teachers ng NCR
42:59Gumagamit ang ilang buro ng mga video online at libreng educational websites
43:04Para punan ang kakulangan sa learning materials
43:07Ang mahalaga raw ay mabigyan ng tamang gabay
43:10Ang mga estudyante sa paggamit ng cellphone
43:13Nagsisihan ang Senado at Kamara sa kung bakit hindi na isa batas
43:20Ang panukalang dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor
43:24Sabi ni House Representative Spokesperson, Princess Avante
43:27Ang gusto lang ng Senado ay tanggapin ang versyon nito na 100 pesos na umento sa sahod
43:32200 pesos ang wage increase na inapurbahan ng Kamara
43:36Itong Merkoles, Kamara naman ang sinisi ni Senate Labor Committee Chairman Joel Villanueva
43:41Dahil kulang na anyang oras nang ipasa sa kanila ang wage hike bill ng Kamara
43:47Ang ilang labor group naman, sinisisi pareho ang Senado at Kamara dahil pinaasa lang daw sila
43:53Dahil na napagkasunduan ang versyon ng Kongreso bago sila magadjon itong Merkoles
43:57Patay na ang wage hike bill sa kasalukuyang Kongreso
44:01Kailangan maghahin ng panibagong panukala sa 20th Congress
44:04Ang economic team naman, tuto sa across the board upang bansang umento sa sahod
44:09Dahil posiblian nila itong magdulot ng pagtaas ng bilihin, dagdag gastos sa produksyon at kawalan ang trabaho
44:15Mas mainam daw na regional wage boards ang magtakda ng dagdag sahod sa kada rehyon
44:20Abesala, Encantadix! Sa lunes na muling masisilayan ang mundo ng Encantadya
44:32Ako ang pinakamakapangyarihan sa Encantadya
44:37Encantadya, kailanman ay hindi ako matatakot, kanino man?
44:41Hindi rin kami matatakot sa'yo
44:43Mapapanood ang Encantadya Chronicle Sangre pagkatapos ng 24 oras
44:49Makikilala na natin ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante
44:53na sina Bianca Umali as Tera, Faith Da Silva as Clamara, Kelvin Miranda as Adamus at Angel Guardian as Deya
45:01Handa na silang iligtas ang Encantadya mula sa galit ni Kera Mitena na ginagampana ni Rian Ramos
45:08Kwento ng New Generation Sangre sa GMA Integrated News interviews
45:12Tumaan sila sa matinding training at challenges para sa kanilang roles
45:17Kwento ni OIC for GMA Entertainment Group Cheryl Cheng C
45:20Napaka-massive ng bagong kapuso mega-series
45:24Makikita nila ito sa aming powerhouse cast
45:32Makikita nila ito sa aming very impressive na production design
45:36Sa script na sinulat ng aming mga creatives
45:40At the way the directors interpreted the script
45:44And lastly, makikita nila ito sa napaka-impressive naming visual effects
45:51Na in partnership with GMA Post-Production
45:54Sabi nila ang tunay na kaibigan nandyan sa oras ng pangangailangan
46:04At handa kang damayan
46:05Ayan, ang pinatunayan ng magkakaibigan sa Santiago Isabela
46:09Para sa kanilang kaibigan na muntik nang hindi makagraduate
46:13Nagkaproblema ang graduating nursing student na si Dennis Baggaos
46:17Dahil sa kanyang balances at tuition
46:19To the rescue ang kaibigan niyang si Desiree Joy Auxilius
46:23At ibang friends nila
46:25Magbabaka sakali na humanop sila ng tulong sa social media
46:29At ayun nga, sumakse sila sa kanilang fundraising
46:33Ang Heartwarming Act, umanin ng positibong feedback
46:36At ang friendship nila, abay certified
46:38Trending!
46:40Ang galing!
46:41Ang galing! Sana matularan sila
46:43Ito ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon
46:46Rafi Tima po
46:47Kasaman nyo rin po ako, Aubrey Carampel
46:49Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan
46:51Mula sa GMA Integrated News
46:53Ang News Authority ng Filipino
46:56GMAH
47:08GMAH
47:10GMAH
Recommended
47:11
|
Up next
27:24
10:47
43:57
1:03:56
42:12
47:28
20:27