00:00Tuloy-tuloy ang paghahanda ng mga paaralan para sa pagbabalik eskwela sa lunes.
00:04Guys, isang paaralan sa Quezon City na may dry run na magiging routine ng mga estudyante.
00:10Live mula sa Quezon City, may unang balita si Jomer Apresto.
00:14Jomer!
00:19Again, good morning. Kung karamihan sa mga eskwelahan ay puspusan pa ang ginagawang brigada eskwela,
00:23dito sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City, magkakaroon ng class simulation o dry run ngayong araw
00:30bilang paghahanda para sa balik eskwela sa lunes.
00:37Pasado alas 5 pa lang ng madaling araw, nasa paaralan na ang magpinsa na sina Anthony at Arkin kasamang kanilang lola.
00:44Alas 7 kasi isa sa gawa ang class simulation sa kanilang eskwelahan na Pasong Tamo Elementary School.
00:50Excited daw sila dahil balik eskwela na sa lunes.
00:54Para pumailal yung teacher ko.
00:56Nakikita ko yung mga kaklasi ko po.
00:59Sabi naman ni JD na incoming grade 6, excited siyang pumasok dahil magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan.
01:06Magkakaroon po ako ng mga bagong kaibigan.
01:09Tapos matututo pa pa ako ng maraming pag-aaralan.
01:12Sabi ng pamunuan ng Pasong Tamo Elementary School,
01:15layo ng aktibinad ngayon na maging pamilyar ang mga mag-aaral sa mga classroom routine,
01:20seating arrangement at ilang mahalagang patakaran sa paaralan.
01:23Bukod sa class simulation, ngayon din ang huling araw ng Brigada Eskwela.
01:27Magkakaroon ng closing program mamayang alas 2 ng hapon.
01:31Sabi ng Department of Education,
01:33aabot sa mahigit 27 milyon ang mga estudyante sa buong bansa sa school year 2025 hanggang 2026.
01:40Igaan sabi ng master teacher na nakausap ko,
01:47itong Pasong Tamo Elementary School ang may pinakamaraming estudyante dito sa District 6
01:52na mayroong halos 6,700 students.
01:55At nasa 154 ang total classrooms dito,
01:58pero 71 sa mga ito ay hinati na sa dalawa dahil sa kakulangan ng silid-aralan.
02:02Sabi naman ng pamunuan ng paaralan,
02:04magtatayo sila ng siyem na karagdagang classroom dito
02:07para kahit papaano ay hindi magsiksikan ang mga estudyante.
02:11At yan ang unang balita mula dito sa Quezon City.
02:13Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:17Igan, mauna ka sa mga balita,
02:19mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:22para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
02:25Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
Comments