00:00According to Mr. Judge De La Rosa at Mr. Judge Cayetano,
00:07basta maliwanag na ititigil ang proseso hanggat di natutupad
00:11ang dalawang kondisyon na sinaad ng ating amendment.
00:15Ang sabi, accountability? Accountability ba talaga?
00:21May dalawang SKL ako dyan.
00:24Una, SKL, share ko lang.
00:26Share ko lang na si VP Inday Sara ay sinampahan ng kaso sa Komisyon ng Audit,
00:32ang COA, sinampahan ng kaso sa Supreme Court,
00:36sinampahan ng kaso sa iba't iba pang korte,
00:39sinampahan ng kaso ng Department of Justice pati na rin ng PNP,
00:44at sinampahan ng kaso ng disbarment.
00:47At kanina lamang may panibagong isasampang 612 million
00:52na namang confidential fund ng OVP at ng Department of Education.
00:58Walang tigil na kaso.
01:01Kung accountability ang tunay na gusto ng mga birit ng birit,
01:05bakit hindi paghusayan ang mga kaso para panagutin si VP Inday sa mga yan?
01:10May multa yan, may kulong, if ever, mapatunayan.
01:15Aba, damang-dama ang accountability kapag ganyan.
01:19Itong impeachment na inipit, inupuan, nilimliman,
01:25minadali, ibinalibag sa Senado sa dulo ng sesyon,
01:30ito ay ang pinakamaliit na iskinita ng accountability na yan.
01:35Itong ipinipilit na impeachment, aminin man nila o hindi,
01:40ay para lamang manira ng imahan ng isang publiko at walang uuwian,
01:46kundi pag-disqualify kay VP Inday Sara para sa eleksyon ng 2028.
01:53Yun lamang ito.
01:54Pinahihirapan pa natin ang ating mga sarili.
01:58E, alam naman nating lahat, tayo at ang sambayanan.
02:02Hindi accountability ito, tungkol ito sa pagpigil kay VP Inday Sara para sa 2028.
02:09Huwag na tayo mag-production number.
02:12Yan ang gustong punteriyahin.
02:15Kaya, ang pangalawa kong SKL, ikalawa, SKL, san ka lulugar.
02:22Kapag umuok ka sa pagpatuloy ng impeachment,
02:25magpadala ka sa mga ambisyoso ng 2028.
02:29Kapag pinadismiss o pinaremand mo naman,
02:33sasabihin kang pinoprotektahan mo si Inday.
02:37SKL, san ka lulugar?
02:39Ako sa tama.
02:42Magpakatotoo tayo, mga kapatid na hukom at senador.
02:46Malayo pa ang 2028.
02:49Maraming gutom at naghihintay ng servisyo mula sa Senado.
02:53Hindi tanga ang Pilipinong.
02:56Alam natin ang motibo at tunay na pakay ng mga lulong sa ambisyon at kapangyarihan.
03:03Maraming salamat po.
Comments