Aired (June 8, 2025): Noong 2023, mayroong ipinagawang flood control project sa Hagonoy, Bulacan, pero sa kabila nito, ‘di raw nawawala ang baha, mas lalo umanong lumala ang kanilang sitwasyon. Kahit paulit-ulit na raw ang panawagan sa lokal na pamahalaan, tila mas mabilis pa raw ang pagdami ng langaw at daga kaysa sa aksyon ng mga opisyal. Panoorin ang video. #Resibo
Be the first to comment