00:00Sa basketball, all set na ang rematch sa pagitan ng back-to-back defending champions
00:04Imaculada Concepcion College Bluehawks at De La Salle University Das Marinas Patriots
00:09para sa kampiyonato ng 30th season ng National Capital and Regional Athletic Association o NCRAA.
00:16Yan ang ulat ni teammate Darry Loclares.
00:20Sa ikalawang sunod na season, muling magtutuos para sa titulo ng National Capital and Regional Athletic Association o NCRAA.
00:30Ang back-to-back defending champions, Imaculada Concepcion College Bluehawks at ang De La Salle University Das Marinas Patriots.
00:39Sa knockout semifinals nito lamang lunes, unang nakapagbulsan ng pwesto sa finals ang 3-peat-seeking na Bluehawks
00:47ng kanilang tambakan ang Philippine Merchant Marine School Mariners sa score na 103-89.
00:53Mula sa kanilang 6-0 start sa opening quarter, hindi na binitawan ng ICC ang kalamangan at napalobo pa ang kanilang bentahe sa double digit sa second half
01:04para tuluyang maiwanan ang PMMS.
01:07Nanguna para sa Bluehawks, si Alfred Santos na nakapukol ng 7 outside shots para makapagtala ng kabuhuang 35 points
01:16na dinagdagan pa ng 7 assists, 8 rebounds at 2 steals.
01:21Sa kanyang naging post-game interview, ibinahagi ni Santos kung ano ang kanyang sikreto kung bakit maganda ang kanyang nilalaro
01:28tuwing kinakailangan ng kanyang kupunan ng crucial win.
01:31Siguro sa ano lang po, composure lang po and syempre ayoko rin i-let down yung mga kasama ko sa mga gantong sitwasyon
01:42kasi grabe yung tiwala nila sa akin tsaka yung mga coaches and yun lang sinusuklihan ko lang sila
01:48and syempre hindi ko na magagawa yun nang wala yung mga teammates ko.
01:52Sa kabilang panig naman ng semis, may padkakataon na makabawi ang ELSUD Patriots na nakapasok sa championship game sa ikalawang sunod na taon
02:02matapos ang kanilang grind-out victory kontra sa Best Link College of the Philippines Calasad na nagwakas sa score na 87 to 83.
02:11Namuno naman para sa Patriots, si Rogelio Palagos na tumipa ng 25 points, 8 assists, 6 rebounds at 5 steals.
02:22Tapos kami sa laro, naibigay namin sa kanya yung referee, yung mga tawag na mga referee nga, mag-post namin sa game plan namin,
02:32tasunod namin sa mga sinisabi niya.
02:34Yung nga, nagpapasok na toiler dahil nakabalik kami sa finals.
02:38Tapos, kasi ano nga, pagkakataon rin namin para makabawi sa kanila, sana makuha nga namin.
02:43Samantala, kasado na rin ang Juniors Division Finals kung saan magtutuos ang ICC Junior Blue Hawks at Emilio Aguinaldo College Cavite Junior Vanguards.
02:55Habang sa Women's Division Finals naman, maghaharap ang DLSUD Lady Patriots at EAC Cavite Lady Vanguards.
03:03Darilo Clarice, para sa Atletang Pilipino, para sa Bagong Pilipinas.