00:00Nagsisimula ng magpakitang gilas ang national team training pool tanker na si Mikaela Jasmine Mojde
00:09pagdating sa senior swimming category matapos na makasungkit ng silver medal sa 20th Singapore National Swimming Championships
00:17na ginagirap sa Singapore Sports School sa Woodlands, Kamakailan.
00:20Sa kabuhang oras na 2 minutes at 17.79 seconds, nakuha ni Mojde ang ikalawang pwesto sa Women's 200 Meter Butterfly
00:30na mas mabilis sa kanyang naging oras sa preliminary rounds na 2 minutes and 17.83 seconds.
00:38Nakapagtala rin si Mojde ng kanyang season best time sa Women's 100 Meter Butterfly event
00:43na kanya namang tinapos sa loob ng 1 minute at 2.02 seconds.
00:48Samantala lumangoy naman ang national team tanker na si Shandy Chua
00:52ng tatlong medalya sa kabarehong kompetisyon.
00:55Dalawang gold para sa Women's 200 Meter Backstroke at 200 Meter Butterfly
00:59habang bronze naman para sa Women's 200 Meter Freestyle.