Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
PBBM at FL Liza Araneta-Marcos, pinangunahan ang pagbubukas ng light and sounds show sa Jones Bridge

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko na tuklasin at suportahan ng mga lokal na negosyo sa Binondo, Maynila.
00:07Sinabi yan ng Pangulo ng pangunahan nila ni First Lady Lisa Arneta Marcos
00:11ang pagpapailaw sa Jones Bridge sa Intramuros, Maynila nitong weekend
00:16bilang bahagi ng ikalimampung anibersaryo ng Diplomatic Relations ng Pilipinas at China.
00:23Si Bernard Ferrer sa detalhe.
00:25Pinaunahan na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Lisa Arneta Marcos
00:33ang makasaysayang sermonyo ng pagpapailaw ng Jones Bridge sa lungsod ng Maynila
00:38bilang bahagi ng pagdiriwang ng ikalimampung anibersaryo ng Diplomatic Relations sa pagitan ng Pilipinas at China.
00:44So tonight, we proudly light up the iconic Jones Bridge in all its renewed glory and breathe new life into it.
00:53I am also glad to share that tonight's event has a deeper meaning.
00:58This project commemorates 50 years of diplomatic relations between the Philippines and the People's Republic of China.
01:09Half a century of friendship and shared history all reflected here in the world's oldest Chinatown.
01:17Itinuturing na Queen of Bridges sa Maynila, ang Jones Bridge ay tumatawid sa Ilog Pasig para pagdugtungin ang sentro ng lungsod at ang makasaysayang distrito ng Benondo.
01:27Naitatag ang formal na diplomatic relations ng Pilipinas at China noong June 9, 1975.
01:33Ang pagpapailaw hindi lamang seremonya kundi hudyat din ng pagsisimula ng lingguhang lights and sounds show sa Jones Bridge
01:40na bahagi ng Pasig Bigyang Buhay Muli o PBBM Urban Revitalization Project ng Pangulo at Unang Ginang.
01:47Layunin nito ang muling pagbibigay buhay sa Ilog Pasig at mga karating na lugar.
01:51Sa kanyang tulumpati, giniit ni Pangulong Marcus Jr. na ang muling pagpapasigla sa Benondo
01:56ay kabahagi ng isang malawakang plano upang ibalik ang sigla ng mga makasaysayang distrito
02:01at maisulong ang Filipino Cultural Heritage.
02:04In times like this, when everything can feel loud and fast and confusing,
02:11I believe what we need is right here.
02:15A place as simple as a bridge or a street that tells us to pause
02:19and to reflect on who we are and what we share as a nation.
02:25Nagbalik tanaw din ang Pangulo sa kanyang mga alaala sa Benondo,
02:28ang masarap at nakakaaliw na pagkain
02:30at ang masiglang paumuhay sa pinakamatandang Chinatown sa ubong mundo.
02:35Binanggit niya ang mga paboritong potahin ng mga Pilipino
02:37tulad ng dumpling, lumpia, mami, hopia at siopaw,
02:42mga pagkain na animong bahagi na ng Filipino palate.
02:45Lasang-lasa naman ang sarap, hindi ko makalimutan.
02:48So always looking for new delicious dishes to try,
02:52I still always return to the comforting delicacies
02:56from the Benondo shops that have stood the test of time.
03:00Masiglang isinalarawan ni Pangulo Marcos Jr.
03:02ang mga culinary treasures ng Binondo
03:04at kung saan ito mahanap.
03:06Ang dumplings sa Umping at Yuchenco Streets,
03:09lumpia at sariwang pruta sa Carvajal Street,
03:12at ang pansit at peking dock sa Benavides Street.
03:14Kaugnay nito, hinikayat ng Pangulo ang publiko,
03:17lalo ng mga kabataan, na muling tuklasin at bisitahin ng Binondo
03:20sa gitna ng nagpapatuloy na Pasig River Enhancement Project.
03:24Kaya kaibiganin natin ang mga tindero at tindera,
03:28subukan ang viral na recipe ng hopia at lumpia,
03:32suportahan ang mga lokal na negosyo,
03:34linising ang ating paligid,
03:36tumawid sa Jones Bridge at gumala sa tabi ng Ilog Pasig.
03:41Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga miyembro
03:43ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated,
03:47mga civic organization,
03:49mga donor mula sa Filipino-Chinese community,
03:51at mga opisyal ng Chinese Embassy sa pumuno ni Ambassador Wang Selyan.
03:56Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended