00:00Para din sa isang financial analyst, isang magandang balita para sa bansa ang pagkakaroon ng mataas na credit rating ng Pilipinas.
00:10Patunayan niya kasi ito na mas maraming mga investor ang kumpiyansa sa lumalagong ekonomiya ng bansa.
00:18Si Harley Valbuena sa sentro ng balita.
00:23Mas mataas na kumpiyansa sa ekonomiya at mas maraming investments.
00:27Ito ang inasaang ibubunga ng pinagtibay na A- credit rating sa Pilipinas ng Japan Credit Rating Agency Limited o JCR.
00:39Sa programang Mike Abelive, inihayag ng economic at financial analyst na si Prof. Astro Del Castillo
00:46na ang A- credit rating ay nangahulugang maganda ang posisyon ng bansa sa ekonomiya.
00:53Dahil dito, mas madali rin makaka-access ang Pilipinas sa loans at funds ng ibang bansa na may mababang interes
01:00dahil sa magandang financial status at kakayanan ng ating ekonomiya.
01:05Definitely gives confidence muli sa ating ekonomiya, hindi lang sa local but also foreign.
01:13Napaka-importante na magandang rating natin sa mga independent institutions.
01:19Ayon pa kay Castillo, malaki ang naitulong ng Create More Law at Capital Markets Efficiency Promotion Act
01:26na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkapalakas ng financial market ng bansa.
01:33Isa pa sa mga senyales ng magandang lagay ng ekonomiya, ang bumabang inflation rate para sa buwan ng Mayo
01:40na naitala lamang sa 1.3%.
01:43Ayon kay Castillo, mainam na mas tutukan ang pagpapababa sa presyo ng pagkain.
01:49Maasa tayo na magsulito-sulito ang pagpagal ng mga presyo ng mga bilihin ng produkto at servisyo.
01:56Sana lang mas matutukan rin ang pagpagal sa ating pinaka-importante sa ating magkababayan, yung pagkain.
02:03Ito na ang ginagawa ng Administrasyong Marcos sa inilunsad na 20 pesos na kada kilo ng bigas at iba pang programa.
02:11Samantala, may agam-agam ang economic analyst sa panukalang dagdag 200 pesos sa daily minimum wage sa pribadong sektor
02:21na pasado na sa pinal na pagbasa sa kamara.
02:25Ayon kay Castillo, posibleng ipasa lamang din ito ng malalaking negosyo sa mga consumer
02:30habang posibleng naman itong ikabagsak ng maliliit na negosyo.
02:35Sa big business, kaya nilang hindi ipasa, pwede rin ipasa. Pero yung mga micro, small and medium enterprises,
02:43nahihirapan sila. Hindi nila kakayari nyan. Magtatanggal sila at lalo nangihina ang kanilang business.
02:49Bagamat dapat din naman nung maibigay sa mga manggagawa ang nararapat sa kanila,
02:54kailangan din ikonsidera ang lokal na ekonomiya.
02:57Kaya't mas makabubuting magtakda ng halaga ng dagdag sahod na angkop sa bawat reyon tulad ng Metro Manila.
03:05Kaugnay dito, suportado ng economic expert ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:12na dapat tingnan ang implikasyon sa ekonomiya ng 200 pesos legislated wage hike bill.
03:18Hardy Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.