00:00Excited si Creamline Coolsmasher star Eliza Valdez para sa kanilang off-season tournament na PVL on Tour ngayong July.
00:11Para sa detalya, narito ang report ni Jamaica Bayaka.
00:18Matapos ang matagumpay na Premier Volleyball League or PVL 2024-2025 All-Filipino Conference,
00:25magiging busy na muli ang mga volleyballers sa kanilang PVL on Tour na gaganapin mula July hanggang September.
00:33Layunin ang tour na ito na mas kumonekta ang liga sa mga fans sa iba't ibang parte ng bansa sa pamamagitan ng isang off-season tournament.
00:41Pero ayon kay Ricky Paloo, PVL President, hindi lang ito basta isang off-season tournament,
00:47kundi binabalak rin nila itong gawing invitational tournament kung saan target nilang isali ang mga foreign teams
00:54para mas maging exciting ang mga laban.
00:57Samantala, hindi naman naitago ng Creamline Volleyball star na si Eliza Valdez
01:01ang kanyang excitement sa gaganaping tour.
01:05Well, I heard it's exciting. We're going around the Philippines.
01:08So I hope we enjoy the culture and the tradition of each and every provinces will visit.
01:15And we hope to do better from the last time.
01:18Pagkatapos ng tour, susundan ito ng 2025 FIVB Men's Volleyball World Championship
01:25at saka naman muling magbabalik aksyon ang PVL sa Reinforced Conference.
01:30Sa ngayon, nakafocus muna ang kanya-kanyang team sa PVL drafting na gaganapin naman ngayong linggo.
01:36Well, next week will be the drafting so we'll be seeing each other again
01:41and we'll be preparing na the team is preparing for the next conference now with the PVL.
01:47Jamay Cabayaka para sa Atletang Pilipino para sa Bago Pilipinas.