00:00Patay ang apat na magkakaanak matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Tambulig, Zamboanga del Sur.
00:07Kasama sa mga nasawi, ang siyam at tatlong taong gulang na bata.
00:12Ayon sa pulisya, labing tatlo ang sakay ng bangka nang maglayag papuntang barangay Bucator sa Tangub City, Misamis Occidental.
00:20Bibisitahin daw sana ng pamilya ang kanilang fish cage, pero pagdating sa lugar, nasira umano ang makina ng bangka.
00:27Hinampas ito ng malaking alon kaya nawala ng balanse at tumaob.
00:33Ligtas ang siyam na iba pang sakay ng bangka.
Comments