00:00Samantala, halos dalawang linggo bago ang pagsisimula ng school year 2025 to 2026,
00:06ilang magulang abala ngayon na mamili ng mga kagamitan ng kanilang anak sa Divisoria.
00:11Isang grupo naman may paalala para matiyak na ligtas sa mga bata
00:15ang bibilihing gamit sa eskwela, si Gab Villegas sa Sandro ng Balita.
00:22Maagang namili sa Divisoria si Mami Evelyn,
00:25kasama ang kanyang anak ng mga school supplies at iba pang gamit pang eskwela.
00:29Dalawang linggo bago ang pagsisimula ng klase sa June 16.
00:33Ayon kay Mami Evelyn, nais niya na makatipid sa gastusin.
00:37Para sulit po yung budget, para maano ko po yung budget namin na mas mura mamili sa Divisoria.
00:44Lalo na pag mga uniform, mga pang bata, mga school supply, mas mura mamili po dito sa Divisoria.
00:52Si Mami Sulita naman, mas piniling mamili sa Divisoria
00:56dahil maliban sa mura, duda siya sa kalidad na mga produktong nabibili online.
01:01Kasi mas mura po.
01:02Tsaka pag sa online po kasi hindi mo alam kung maganda o pangit.
01:05Madalas po kasi defective, ganun, mga hindi po maayos.
01:10Pero mas okay po, tsaka kung maraming bibili, mas maganda po dito.
01:14Ang presyo kasi ng polo at blouse sa Divisoria, naglalaro sa 150 hanggang 250 pesos depende sa laki.
01:22Ang presyo naman ng palda, naglalaro sa 150 hanggang 280 pesos depende rin sa laki.
01:29Habang ang pantalo naman, naglalaro sa 200 hanggang 380 pesos.
01:34Ang branded naman na Sando, naglalaro sa 60 hanggang 120 pesos depende rin sa laki.
01:4150 pesos naman ang presyo ng tatlong pares na medyas
01:44at naglalaro naman sa 10 hanggang 25 pesos ang panyo at face towel.
01:50Ang notebook, naglalaro sa 130 hanggang 150 pesos ang 10 piraso.
01:56Ang crayons, naglalaro sa 35 hanggang 85 pesos.
02:00Ang complete set ng ball pen, 35 pesos.
02:02Ang color pencils, 85 hanggang 120 pesos.
02:07Ang pencil case, 50 hanggang 100 pesos.
02:10Ang watercolor, 50 pesos.
02:12Ang oil pastel, 65 hanggang 150 pesos.
02:16Ang glue, 25 hanggang 120 pesos.
02:19Ang yellow pad, naglalaro sa 35 hanggang 60 pesos.
02:23Ang short balm paper, 180 pesos ang isang rim.
02:26Ang long band paper naman, 220 pesos ang isang rim habang ang A4, 200 pesos ang isang rim.
02:34Ang bag, naglalaro sa 180 hanggang 380 pesos.
02:38Ang plastic cover naman, 35 pesos ang isang piraso.
02:42Pero kung bibili ka ng tatlong piraso, isandaang piso.
02:45Ang scientific calculator, 180 pesos.
02:48Ang gunting naman, naglalaro sa 15 hanggang 25 pesos ang isang piraso.
02:54Pero kung bibili ka ng isang dosena, naglalaro ito sa 120 hanggang 150 pesos.
03:00Ang masking tape naman at scotch tape, naglalaro sa 15 hanggang 35 pesos.
03:04May inilabas na suggested retail price ang Department of Trade and Industry ng mga school supplies
03:10para matiyak na hindi magsasamantala ang mga retailer.
03:13May paalala naman ang grupong ban toxics sa mga mamimili ng school supplies
03:18ngayong nalalapit na ang pasukan.
03:19Mahalaga na maging pamantayan ng ating mga consumer o ng mga magulang
03:26sa pagbili ng kanilang mga school supplies
03:28ay hindi lamang po sana yung presyo
03:30kundi kailangan pong kilatisin nila yung bawat produkto po na kanilang bibilhin.
03:36Gabo Milde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.