00:00Sa kabila ng maalong karagatan, matagumpay na naitaboy ng barko ng Philippine Coast Guard na BRP Cabra,
00:07ang isang barko ng China Coast Guard na pumasok sa ating exclusive economic zone.
00:11Ayon sa PCG, nagawang i-challenge ng BRP Cabra ang CCG 3105 na namataan halos 80 nautical miles
00:18mula sa Palawig Point na isang unisipalidad ng Zambales at pinakamalapit na mainland sa Panatagshol.
00:24Dito ay giniit ng PCG ang Sovereign Rights ng Pilipinas sa ating EEZ na alinsunod sa UNCLOS 2016 Arbitral Award at Philippine Maritime Zones Act.
00:34Sa hiwalay na insidente naman, nailigtas ng BRP Cabra ang crew ng isang Filipino fishing boat na nagpadala ng distress call
00:41matapos makaranas ng problema sa makina malapit sa baho di Masinlok.
00:45Matagumpay na nahilan ng BRP Cabra ang naturang fishing boat pabalik ng Subicport sa Zambales.