00:00Ako nga isusunod na announcement, dahil marami kami doon sa pinaplanong EDSA Rehabilitation.
00:09Ang daming bumalik na nag-aalala, paano yung trabaho namin.
00:15Eh kung ang pag-commute namin ay napakatagal na, madadagdagan pa ng isang oras, dalawang oras, wala na talaga, hindi na kami uuwi.
00:25Kaya tinitignan po namin sa itong nangyari.
00:30Bukod pa doon, meron tayong mga nakita ng mga bagong teknolohiya na hindi natin ginamit doon sa pagplano sa EDSA Rehabilitation.
00:43Kaya in-instructionan ko si Secretary Vince Dyson at si Secretary Manny Bunuan ng DPWH ay sinabi ko, pause muna doon sa Rehabilitation.
00:54Huwag muna natin gagawin.
00:57Dahil pag tinitignan natin yung cost-benefit analysis, maganda sana kung maayos natin.
01:04Ngunit, ang laking sakripisyo ng dalawang taon na masyadong bigat, masyadong mahigpit ang traffic.
01:15Kaya pause na muna yan at sabi ko sa kanila, bigyan natin ang sarili natin ng isang buwan.
01:22Pag-aralan natin itong mga bagong teknolohiya na nakikita natin.
01:27Pag-aralan natin, gumawa tayo ng magandang plano.
01:31Baka naman, imbis na dalawang taon, magawa natin sa anim na buwan, magawa natin sa isang taon, whatever it is.
01:38Tignan natin kung anong available sa atin.
01:40Pero sa ngayon, maliwanag ng maliwanag na napakarami ang mahihirapan pagka tinuloy natin yung EDSA Rehabilitation.
01:50In other words, ang sinasabi ko, we will find a better way na hindi masyadong mahirap para sa ating mga commuter.
02:08Pag-aralan natin.