Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 30, 2025

- Dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves, sumailalim na sa medical check up at booking procedures sa NBI | Teves, binisita ng kaniyang ina at legal counsel | Atty. Topacio matapos makausap si Teves: "He believes he will be exonerated" | Teves at kaniyang ina, muling nagkita matapos ang halos 2 taon | Teves, nakatakdang ilipat sa New Bilibid Prison ngayong umaga

- Ex-Rep. Teves, Jr., sinabing puwersahan ang pag-aresto sa kaniya sa Timor-Leste | Eroplanong sakay si ex-Rep. Teves, Jr., nag-refuel sa Davao City bago lumipad patungong Villamor Air Base | Ex-Rep. Teves, Jr., idiniretso sa NBI Headquarters mula sa Villamor Air Base; abogado niya, hindi pinayagang makalapit

- NBI: Ex-Rep. Arnolfo Teves, Jr., ililipat sa NBI Detention Facility sa New Bilibid Prison ngayong umaga

- PBBM sa pagpapauwi kay dating Rep. Teves sa Pilipinas: It is now time for him to face justice

- No Contact Apprehension Policy o NCAP, muling ipinatutupad

- Presentation ng articles of impeachment kay VP Duterte, inilipat ng Senado sa June 11

- VP Sara Duterte, balik-Netherlands para bisitahin ang amang si FPRRD

- Rep. Ortega: Mga kaapelyido ng ilang mambabatas, kabilang sa mga nakapirmang tumanggap umano ng OVP confidential funds

- CIDG Chief Nicolas Torre III, itinalagang PNP Chief; magsisimula sa June 2 | Bagong Solicitor General Darlene Berberabe, nanumpa na | Pagbibitiw ni CHED Chairperson Prospero De Vera III, tinanggap ni PBBM; papalitan ni CHED Commissioner Shirley Agrupis | Pagbibitiw ng mga kalihim ng DILG, DOJ, at DND, hindi tinanggap ni PBBM

- "Panata Kontra-Fake News" Campaign, kinilalang Best Multi-Platform Campaign sa Asia-Pacific Broadcasting+ Awards

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
01:00Nang dumating sa tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Pasay bago maghating gabi, isinailaling sa medical check-up at booking procedure si Tevez.
01:09Kinuha ang kanyang fingerprints at kinuhanan din siya ng magshot para sa mga kasong 10 counts ng murder, 12 counts ng frustrated murder at 4 counts ng attempted murder.
01:18Ito'y para sa umunay pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel de Gamo at siyam na iba pa noong March 4, 2023.
01:26Gumating sa tanggapan ng NBI ang legal counsel ni Tevez sa si Atty. Ferdinand Topacio.
01:32Kasama niya ang nanay ni Tevez.
01:34Pinayagan silang makita ng personal at makausap si Tevez.
01:37Tumagal ng isa't kalahating oras ang pagbisita ni Atty. Topacio.
01:40He is in high spirits. He is confident because he is truly innocent and alam po niya na when we go through the process, he believes that he will be exonerated.
01:56Sabi ni Topacio, naging madamdamin ang pagkikita ng mag-ina, na ngayon lang ulit nangyari matapos ng halos dalawang taon.
02:03Motherly things tungkol sa family, kung kamusta na siya. Siya po ay nadalha naman ng medication ng kanyang ina, a change of clothes, isang unan.
02:15So, nanakakatuwa nga eh hanggang ngayon. At TSH ay talagang alagang-alaga pa siya ng kanyang nanay.
02:21Wala naman daw iniinda si Tevez at nasa maayos siyang kalagayan.
02:25Okay naman po, nabigyan siya ng kaukulang pansin naman ng doktor ng NBI at nandindam din po yung kanyang pamangkin na doktor din po na kasama ni Mami Bubot.
02:39Sa tanggapan ng NBI, nagpalipas sa magdamag si Tevez. Nakatakda siyang ilipat ngayong umaga sa detention facility ng NBI sa New Believed Prison sa Muntinlupa.
02:49Samantala, ikan ngayong umaga inaantabihan na natin yung pagbabalik ng legal team ni Tevez dito sa tanggapan ng NBI.
03:01Yan ang unang balita mula rito sa Pasay City. Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
03:07James, nabanggit ba yung dahilan kung bakit dyan nagpalipas sa magdamag si Tevez sa NBI?
03:12Igan sa pagpag-ugnayan natin kay NBI Director Santiago, sinabi niya sa ating kagabi na binabat yung lahat ng media dito sa lobby na ang tanggapan ng NBI
03:26na silang nang mismo yung nagdesisyon na dito na muna magpalipas sa magdamag dahil nga late na rin natapos yung booking procedure nitong si Tevez.
03:33Pero doon sa panayam natin kay Atty. Topacio, sinasabi niya for humanitarian reason na rin.
03:38Dahil ilang oras din naman yung naging biyahin nitong si Tevez mula sa Timor Leste, pabalik dito sa Pilipinas.
03:43Igan.
03:44Yung kanya bang nanay, nandiyan pa, James?
03:51Igan, yan yung inaalam pa natin mula sa NBI dahil ang nakita lamang natin kaninang bago magalas dos ng madaling araw na lumabas mula dito sa tanggapan ng NBI
03:59ay si Atty. Topacio. Pero yung nanay niya ay hindi pa natin namamataan na lumalabas mula dito sa NBI.
04:07At anong oras ibabiyahe si Tevez papuntang Bilibid?
04:14Inaasahan, Igan, na may ibabiyahe itong si Tevez na patungo sa Muntinlupa.
04:19Pagkatapos siguro na isasagawang press briefing ng NBI mamayang alas 9 ng umaga. Igan?
04:25Maraming salamat, James Agustin.
04:29Nagka-atensyon sa Villamore Air Base sa Pasay City nang hindi payagan ang abogado ni Arnie Tevez Jr. na makausap ang dating congressman kagabi.
04:39Balikan natin ang mga pangyayari sa pagpapadeport kay Tevez mula sa Timor Leste.
04:44Live mula sa Pasay City, may unang balita si Bea Pimla.
04:48Bea?
04:48Susan Pasado, alas 11 kagabi nang lumapag sa Villamore Air Base sa Pasay City, ang eroplanong nag-uwi kay dating Negros Oriental Representative Arnie Tevez dito sa Pilipinas.
05:02Bago bumiyahe pabalik ng Pilipinas mula Timor Leste, tinanggal ang posas at kadena sa paa ng pinatalsik na Negros Oriental Representative na si Arnie Tevez.
05:17Pagtapak sa eroplano ng Philippine Air Force, ibinalik ang posas sa kamay, pero hindi na ang kadena sa paa.
05:24Huwag niyo naglagay niyo sa paa.
05:26Kahit sa kamay, huwag niyo. Hindi na ang tatakas.
05:28Protokol, sir. Protokol.
05:30Nang maupo na sa eroplano, ikinwento ni Tevez ang pag-aresto sa kanya sa bahay niya sa Timor Leste.
05:37Ipon siya na ako by force. Wala naman akong problema kung mapahaw.
05:41Okay, ako basta.
05:44Dito na rin binasahan si Tevez ng mga karapatan niya, pati ang patong-patong na kasong haharapin niya sa Pilipinas.
05:51You are under arrest by virtue of the warrant of arrestation by Manila Port on September 2023 for 10 counts of murder.
06:04Mag-aalas 3 ng hapon, lumipad na ang eroplano mag-uuwi sa dating mambabatas na itinuturong utak-umanong sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel de Gamo
06:14at siyam na iba pa sa Pamplona noong 2023 at iba pang pagpatay na iniuugnay sa kanya sa Negros Oriental.
06:23Sandaling tumigil sa Davao International Airport pasado las 7 kagabi ang eroplano para mag-refuel.
06:29At 11.19 kagabi, lumapag ang eroplano sa Villamore Air Base sa Pasay kung saan naghihintay na ang kanyang abogadong si Ferdinand Topasio.
06:39Hindi na bumaba ng sasakyan pero naroon din daw ang ina ni Tevez ayon kay Topasio.
06:45Kami naman pong nasa defense team niya ay handa naman po kami na siya ay depensahan.
06:51Sabagat bagamat dalawang taon na siya ay nasa Dili sa Timor Leste, hindi naman po kami nagpapahinga rito.
06:57Nanindigan si Topasio na dapat sa Villamore Air Base pa lang, makausap na niya agad si Tevez bilang legal counsel.
07:05Dapat dito papasukin nila ako at kausapin ko ang kliyente ko so I can advise him of his rights and I can see how he is,
07:14if he's injured or if he was in any way mistreated, maltreated or whatever or if any of his rights were violated.
07:22Pero nang subukan ng legal team ni Tevez na pumasok sa gate ng paliparan, hinarang sila ng mga bantay roon.
07:30Kanina nagpahayag si Director Santiago na kapag yung mga abogado ay dumating dito, papayaga naman.
07:39Dagtataka lang ako, ba't hindi nakapag-coordinate sa base security?
07:42Bigo si Topasio na makausap si Tevez sa Villamore Air Base dahil agad idiniretsyo ng mautoridad si Tevez sa NBI sa Pasay.
07:51Susana, ayon kay Topasio, hindi pa sila tiyak kung saan talaga madedetain si Tevez dahil nakadepende raw yan sa korteng may hawak sa mga kaso ng dating congressman.
08:06Pero ang hiling ng kampo ni Tevez ay sana raw tiyakin na ligtas yung magiging detention facility niya lalo na may mga pagbabantaraw sa buhay ng dating congressman.
08:17At yan ang unang balita mula rito sa Pasay City, Bea Pinlac para sa GMA Integrated News.
08:23Nakabantay na rin ang GMA Integrated News sa New Bilibid Prison kung saan nakatagdang ilipat si dating congressman Arnolfo Tevez Jr. ngayong umaga.
08:32Live mula sa Montilupa City, ang unang balita si Jomer Apresto.
08:37Jomer!
08:41Igan, good morning. Narito ako sa labas ng New Bilibid Prison sa Montilupa City
08:46kung saan ililipat si dating 3rd District Representative Arnolfo Tevez Jr. ayon sa NBI.
08:52Ayon naman sa abogado ni Tevez na si Atty. Ferdinand Topacio,
08:55mula sa tanggapan ng National Bureau of Investigation,
08:58ililipat ngayon si Tevez sa Building 14, ang maximum security compound ng NBP.
09:03Ito yung pasilidad ng NBI na nasa loob ng Bilibid kung saan nakakulong din si Jaren Scilario o kilala sa tawag na Senyor Aguila.
09:10Kagabi, sinabi ni Topacio na as early as 6 a.m. ay paghahandain na si Tevez para sa gagawing paglilipat.
09:16Pero ayon sa Superintendent Office ng NBP, wala pa silang natatanggap na impormasyon,
09:20kawag na isa pag-transfer kay Tevez.
09:22Mauna raw itong malalaman ng Directorate for Security and Operations.
09:26Sinusubukan natin silang tawagan pero wala pang dumarating ng mga taga-admin dito.
09:30Pasado alas 8 kagabi nang dumating, o alas 11 kagabi,
09:33nang dumating sa Villamor Air Base, si Tevez mula sa Timor Leste.
09:36Si Tevez ang umano'y mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Ruel de Gamo
09:41at sa siyam na iba pa noong March 4, 2023.
09:44Sinampahan din siya ng kaso sa pagpatay sa tatlong individual noong 2019.
09:49Dati nang itinanggi ng dating kongresista ang mga aligasyon.
09:52Sa ngayon, Igan ay wala pa masyadong movement dito sa gate papasok ng NBP.
09:58Sinusubukan din natin na makipag-ugdayan kay Bukor Director General Gregorio Catapang Jr.
10:03pero hindi pa siya sumasagot hanggang sa mga oras na ito.
10:07At yan muna ang unang balita mula dito sa Bilibid.
10:09Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
10:13Kasunod ng pagpapauwi kay dating Negros Oriental 3rd District Representative R.D. Tevez
10:17sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na panahon na para harapin ang dating mababatas ang kanya mga kaso.
10:22Ayon kay Pangulong Marcos, nalaman niyang handaan ng Timor-Leste na ipadiport si Tevez sa Pilipinas
10:47nung siya ay nasa Kuala Lumpur, Malaysia para sa ASEAN Summit.
10:51Hindi daw ito mangyayari kung hindi dahil sa tulong ng Presidente at Prime Minister ng Timor-Leste.
10:58Si Tevez, naaharap po sa patong-patong ng mga kasong murder
11:01kao na siya pagpaslang umano kay dating Negros Oriental Governor Ruel de Gamo
11:06at siyam na iba pa noong March 2023.
11:10Dati na niya itong itinanggi.
11:12Mga kapuso, narito pa rin po tayo ngayon sa Command Center ng Metro Manila Development Authority
11:17at sa ikalimang araw nga po ng pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP
11:23ay aabot na sa 3,577 yung nauhuli.
11:27So ipakita lang po namin sa inyo paano ba nangyayari o napoproseso yung panghuhuli
11:33dun sa paglabag sa batas trapiko.
11:36So makikita po ninyo, hindi na po natin lalapitan na for privacy issues.
11:41Pero dun sa pinakaunang row po sa may harapan, sila po yung mga tauha na nagmomonitor
11:46dun sa mga lumalabag sa mga batas trapiko manually.
11:50So meron din pong mga nagmomonitor naman, itong mga nasa likuran ko lang,
11:54sila naman yung mga nagmomonitor sa mga lumalabag sa batas trapiko
11:57gamit yung artificial intelligence ng CCTV camera.
12:02So at least meron sila manual and AI.
12:04At pagkatapos po nun, yung mga maka-capture po nilang mga litrato at mga videos
12:08ay ipapasa na nila dun sa mga tauha naman na nakatalaga o naka-assign
12:13para i-review yung mga paglabag na ito kung valid ba yung ibibigay nilang notice of violation.
12:20Kasi may mga ibang pagkakataon, may mga circumstances na kaya lumabag ang isang motorista sa batas trapiko
12:28ay dahil nga merong mga nangyari.
12:29So doon, mare-review ang mga paglabag na ito kung tama bang isyuhan sila ng notice of violation.
12:36So hindi naman talagang basta-basta na lang sila magpapalabas ng notice of violation.
12:42Pero oras po na kayo ay nakatanggap ng notice of violation ay of course within 7 days ay matatanggap nyo po yan.
12:53Pero sinasabi nga po sa atin ng MMDA ay in the future magkakaroon daw po sila ng app para mas mabilis na matatanggap yung violation.
13:02And kung kayo po ay sa kabila nung pagre-review na ito ay nais nyo pong i-contest yung violation na natanggap nyo.
13:09Sa tingin nyo ay talagang meron kayong dahilan, valid reason na hindi kayo dapat hulihin.
13:14Ay pwede po kayong, dalawang pwede nyo pong gawin. Pwede po kayong pumunta dito sa MMDA, physical na office, para mag-contest or mag-reklamo sa kanilang traffic adjudication division.
13:29O di kaya ay pumunta kayo sa MMDA page, hindi na kailangang physical na pumunta dito.
13:33Puntahan nyo po yung MMDA page, puntahan nyo po yung QR code doon, iscan nyo po at may lalabas na Google Form.
13:39Ito po, yung online filing of contest on traffic apprehension.
13:43At dito po ay maaari nyo na pong sagutin yung form para maipadala ang inyong reklamo.
13:50So pagkatapos po niyan ay sasagutin naman nila kung ano ang magiging tugon ng MMDA doon sa inyong pagre-reklamo sa kanilang violation.
14:01So yan po muna ang latest na sitwasyon dito pa rin po sa MMDA Command Center. Balik muna sa studio.
14:07Nilipat ang pecha ng Senado ang presentation ng Articles of Impeachment kay Vice President Sara Duterte sa June 11.
14:16Una itong nakatakda sa lunes, June 2.
14:18Pero ayon sa sulat ni Senate President Jesus Scudero sa Kamara,
14:22may mga panungkalang batas na kailangan muna iprioridad na maipasa bago mag-adjourn ang 19th Congress sa June 14.
14:29Dahil dito mauurong din ang pag-convene sa Senado bilang impeachment court na dapat ay sa Martes, June 3.
14:45Mga kapuso, muli pong nagpunta sa The Hague, Netherlands, si Vice President Sara Duterte para bisitahin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
14:54Kasama ni Vice President Duterte si Senadora Aimee Marcos na isa sa patayong senator judges sa kanyang impeachment trial.
15:04Ayon sa Office of the Vice President, nakaschedule ang bise na makipagkita sa kanyang ama ngayong araw, gayon din sa lunes at martes.
15:12Sa pagdiriwang naman ng kaarawan ng bise bukas May 31, makikisa siya sa pagtitipon ng Filipino community sa harap ng International Criminal Court.
15:21Inaasahan babalik si Vice President Duterte sa Pilipinas sa June 4, isang linggo bago ang schedule ng pagbasa ng impeachment charges laban sa kanya.
15:29Ilan sa mga nakatanggap din umano ng confidential funds mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte ay mga kaapelyido ng ilang mambabatas.
15:41Ayon kay House Deputy Majority Leader Paulo Ortega V, ilan sa mga nakapirma ay may apelyidong Revillea, Lapid, Contiveros, Estrada at Escudero.
15:53Meron din mga nakapirmang solon at contis, walang inilabas ng dokumento si Ortega Kaugnayrian.
15:59Lumabas daw ang listahan ng mga kaapelyido ng mga mababatas sa mga isinumiting resibo ng OVP sa Commission on Audit.
16:07Dati na sinabi ng Vice Presidente na walang mali sa paggamit sa confidential funds na mga opisina ang hawak niya.
16:15Sa susunod na lunis na maninilbihan ang bagong hepe ng pulisya na si CIDG Chief Major General Nicolás Torre III.
16:22Tinanggap na rin ng Pangulo ang pagbibitiyon ng Chairperson ng Commission on Higher Education
16:27pero hindi ang pagbibitiyon ng kalihib ng DILG, DOJ at Defense Department.
16:33Narito ang aking unang balita.
16:44Tensyonado ang mga tagpo ng arestohin noong Marso si dating Pangulong Rodrigo Duterte bago siya madala sa Dahing Netherlands.
16:50Ang nanguna noon sa operasyon si Criminal Investigation and Detection o CIDG Chief Major General Nicolás Torre III.
17:00Siya rin na nanguna sa pag-areso kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Rapolo Quibuloy
17:04noong nakarang taon na ilang linggong nagtagal.
17:07Director pa siya noon ng Davao Police Regional Office.
17:10Ang dalawang malalaki misyong ito, kabilang daw sa mga naging dahilan sa pagpili kay Torre
17:16bilang bagong hepe ng Philippine National Police simula June 2 ayon sa Palacio.
17:21Si Presidente always demands performance. Kahit na ano yung pinagawa sa'yo,
17:27you must exhibit some level, high degree level of performance.
17:35But there may be other qualities of General Torre that he might have considered.
17:40Lahat ng promotion reward yan, but most promotions are given on merit.
17:46So let us assume that this was given on merit.
17:48Naging hepe ng Quezon City Police District si Torre hanggang magbitiw siya sa pwesto.
17:54Kasunod niya ng kontrobersyang pinaburan umano niya ang road rage suspect at dating polis na si Wilfredo Gonzalez.
18:02Si Torre ang unang graduate ng Philippine National Police Academy o PNPA
18:05na ahawak sa pinakamataas na pwesto sa pulisya.
18:09Nanumpa bilang bagong Solicitor General si UP College of Law Dean
18:12at dating Chief Executive Officer ng Pag-ibig Fund, Darlene Berberabe.
18:16Bilang Solicitor General siya ang inaasahang kumatawan sa gobyerno sa mga kasong kinakaharap nito.
18:23Papalitan ng Berberabe si Bernardo Guevara matapos tanggapin ng Pangulo ang kanyang courtesy resignation.
18:29Kamakailan naging kontrobersyal si Guevara matapos mag-recuse o tumanggi mag-abugado para sa gobyerno
18:35sa habeas corpus petition sa Korte Suprema ng magkakapatid na Duterte
18:39matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.
18:42Pero ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, posibleng wala itong kinalaman sa desisyon ng Pangulo.
18:47I don't think that that was a factor at all.
18:51He and the President had a conversation about this and the President respected his ethical decision to recuse.
19:00Now if there was a reservation about his professionalism at that time, the President could have already removed him.
19:10Binati naman na Gibarang Kapalitan si Berberabe na tinawag niyang magiging mahusay na Solicitor General.
19:16Tinanggap din ang Pangulo ang pagbibitiyo ng CHED Chairperson Prospero Devera,
19:20napapalitin ng CHED Commissioner Shirley Agrupiz.
19:23Isang Duterte appointe si Devera na noon pang 2018 hawak ang posisyon.
19:27Maybe the President wanted to give a fresh start to the CHED.
19:32Or maybe there were other reasons.
19:37Hindi natin madi-discount that may factor dyan yung mga intramurals dun sa CHED.
19:42Sa isang pahayag, sinabi ni Devera na tinatanggap niya ang pasya ng Pangulo kasabay ng pagpapasalamat sa pagkakataong maglingkod sa CHED.
19:50Hindi naman tinanggap ng Pangulo ang courtesy resignation ni na Interior Local Government Secretary John Vic Rimulia,
19:56Justice Secretary Boing Rimulia at Defense Secretary Gibochodoro,
20:00kaya mananatili sila sa pwesto.
20:02Patuloy namang sinusuri ng Pangulo ang mga naging performance sa iba pang kalihim ng kanyang gabinete.
20:06Ito ang unang balita, Ivan Merina para sa GMA Integrated News.
20:13Binigyang parangal sa Asia Pacific Broadcasting Plus Awards ang panata-contra-fake-news campaign ng GMA Network.
20:20Kinilalang best multi-platform campaign ang panata-contra-fake-news na inilunsad sa panguna ng GMA Integrated News,
20:27katuwang ang halos 60 grupo mula sa pinakamalalaking media at academic institutions sa bansa.
20:34Kampanya ito para labanan ang maling impormasyon.
20:37Kabilang ito sa fact-checking initiatives at ang GMA Masterclass Eleksyon 2025,
20:43dapat totoo series na nilahukan ng mahigit 12,000 estudyante sa Luzon, Visayas at Mindanao.
20:51Parte rin ng advokasya ang mga komprehensibong special report,
20:55interactive multimedia content at ibang content sa TV at digital platforms.
21:00Naabot ng kampanya ang mga manonood at netizens para tulungan silang hindi mabiktima ng fake news.
21:06Para kay Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, GMA Regional TV and Synergy,
21:11Oliver Victor B. Amoroso, ang pagkilalang ito ay karangalan at panawagan para kumilos.
21:18Sinasalamin din ito ang panata ng GMA Integrated News sa credible journalism
21:23at pakikipagtulungan sa mga komunidad at institusyon para protektahan ang katotohanan.
21:53siemen.
Comments

Recommended