00:00Binigyang parangal sa Asia Pacific Broadcasting Plus Awards
00:03sa Panata Contra Fake News Campaign ng GMA Network.
00:08Kinilalang Best Multi-Platform Campaign ang Panata Contra Fake News na inilunsad
00:12sa panguna ng GMA Integrated News, katuwang ang halos 60 grupo
00:16mula sa pinakamalalaking media at academic institutions sa bansa.
00:21Kampanya ito para labanan ang maling impormasyon,
00:24kabilang ito sa fact-checking initiatives at ang GMA Masterclass Eleksyon 2025,
00:31dapat totoo series na nilahukan ng mahigit 12,000 estudyante sa Luzon, Visayas at Mindanao.
00:38Parte rin ng advokasya ang mga komprehensibong special report,
00:42interactive multimedia content at ibang content sa TV at digital platforms.
00:47Nabot ng kampanya ang mga manonood at netizens para tulungan silang hindi mabiktima ng fake news.
00:53Para kay Senior Vice President and Head of GMA Integrated News,
00:57GMA Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso,
01:01ang pagkilalang ito ay karangalan at panawagan para kumilos.
01:05Sinasalamin din ito ang Panata ng GMA Integrated News sa credible journalism
01:10at pakikipagtulungan sa mga komunidad at institusyon para protektahan ang katotohanan.
01:16Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:20Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments