Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Nagka-attention sa Villamore Air Base sa Pasay City ng hindi payagan ang abogado ni Arnie Tevez Jr. na makausap ang dating congressman kagabi.
00:10Balikan natin ang mga pangyayari sa pagpapadeport kay Tevez mula sa Timor Leste.
00:15Live mula sa Pasay City, may unang palita si Bea Pimla.
00:19Bea?
00:23Susan, pasado alas 11 kagabi ng lumapag sa Villamore Air Base sa Pasay City,
00:27ang eroplanong nag-uwi kay dating Negros Oriental Representative Arnie Tevez dito sa Pilipinas.
00:36Bago bumiyahe pabalik ng Pilipinas mula Timor Leste,
00:40tinanggal ang posas at kadena sa paa ng pinatalsik na Negros Oriental Representative na si Arnie Tevez.
00:47Pagtapak sa eroplano ng Philippine Air Force, ibinalik ang posas sa kamay, pero hindi na ang kadena sa paa.
00:54Huwag niyo naglagay niyo sa paa.
00:57Kahit sa kamay, huwag niyo, hindi na ang tatakas.
00:59Protokon, sir. Protokon.
01:01Nang maupo na sa eroplano, ikinwento ni Tevez ang pag-aresto sa kanya sa bahay niya sa Timor Leste.
01:07Di ko nila ako by force. Wala naman akong problema kung mapapuwi ako. Basta nila ako.
01:14Tama nila ako.
01:15Dito na rin binasahan si Tevez ng mga karapatan niya, pati ang patong-patong na kasong haharapin niya sa Pilipinas.
01:22You are under arrest by virtue of the warrant of arrest issue by Manila Paul on September 2023 for 10 counts of murder.
01:34Mag-aalas 3 ng hapon, lumipad na ang eroplano mag-uuwi sa dating mambabatas na itinuturong utak-umanong sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel de Gamo
01:45at siyam na iba pa sa Pamplona noong 2023 at iba pang pagpatay na iniuugnay sa kanya sa Negros Oriental.
01:53Sandaling tumigil sa Davao International Airport pasado la 7 kagabi ang eroplano para mag-refuel.
01:59At 11.19 kagabi, lumapag ang eroplano sa Villamore Air Base sa Pasay kung saan naghihintay na ang kanyang abogadong si Ferdinand Topasio.
02:10Hindi na bumaba ng sasakyan pero naroon din daw ang ina ni Tevez ayon kay Topasio.
02:16Kami naman pong nasa defense team niya ay handa naman po kami na siya ay depensahan.
02:21Sabagat bagamat dalawang taon na siya ay nasa Dili sa Timor Leste, hindi naman po kami nagpapahinga rito.
02:28Nanindigan si Topasio na dapat sa Villamore Air Base pa lang, makausap na niya agad si Tevez bilang legal counsel.
02:36Dapat dito papasukin nila ako at kausapin ko ang kliente ko so I can advise him of his rights and I can see how he is,
02:44if he's injured or if he was in any way mistreated, maltreated or whatever or if any of his rights were violated.
02:53Pero nang subukan ng legal team ni Tevez na pumasok sa gate ng paliparan, hinarang sila ng mga bantay roon.
03:01Kanina nagpahayag si Director Santiago na kapag yung mga abogado ay dumating dito, papayaga naman.
03:10Dagtataka lang ako ba't hindi nakapag-coordinate sa base security?
03:12Bigo si Topasio na makausap si Tevez sa Villamore Air Base dahil agad idiniretso ng mautoridad si Tevez sa NBI sa Pasay.
03:22Susana, ayon kay Topasio, hindi pa sila tiyak kung saan talaga madedetain si Tevez dahil nakadepende raw yan sa korteng may hawak sa mga kaso ng dating congressman.
03:37Pero ang hiling ng kampo ni Tevez ay sana raw tiyakin na ligtas yung magiging detention facility niya lalo na may mga pagbabantaraw sa buhay ng dating congressman.
03:47At yan ang unang balita mula rito sa Pasay City, Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
03:53Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.