00:00Narito naman ang pinakahuling medal tally matapos ang dalawang araw na kompetisyon
00:04sa Palarong Pambansa 2025 na Umarangkada sa Ilocos Norte.
00:10Ayon sa partial and unofficial tally ng Department of Education as of May 27, 2025,
00:167.42pm, patuloy ang pangunguna ng defending champions na National Capital Region
00:22sa overall standings na nakakolekta ng 27 gold, 16 silver, at 8 bronze medals.
00:30Sumunod naman ang Region 4A Calabarzon na may 17 gold, 23 silver, at 8 bronze medals.
00:38Habang ikatlo ang Region 10 Northern Mindanao na may 12 gold, 10 silver, at 13 bronze medals.
00:45Bumubuo sa top 10 ang Caraga, Western Visayas, Central Visayas,
00:50Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Bicol Region, at Davao Region.
00:57Samantala, pagdating naman sa elementary at secondary tally,
01:01ang pambansang punong region pa rin ang may pinakamataas na nakuha ng mga medalya.