Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia na dumaan sa backdoor exit sa Tawi-Tawi, si Atty. Harry Roque.
00:09Binabulaan na naman ni Roque ang aligasyong mayroon siyang multiple passports.
00:14Saksi, si Salima Refra.
00:19Sa gitna ng pagkahain ng reklamong human trafficking,
00:22dahil sa pagkakaugnay umano niya sa Scam Hub sa Porac, Pampanga,
00:26tahimik na nakalabas ng bansa noong isang taon.
00:30Ang dating tagapagsalita ng Duterte Administration na si Atty. Harry Roque.
00:35Palaisipan noon kung paano nakaalis si Roque na hindi namamataan ng mga otoridad
00:40kahit pa may inis yung Immigration Lookout Bulletin Order laban sa kanya.
00:45Nasa inspeksyon ang immigration area ng naiyak kanina si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia.
00:50Anya, nag-backdoor exit si Roque nang nakaalis ito ng bansa.
00:55Sa Tawi-Tawi ito, Manya.
00:57Palamang nagbangka o nag-speedboat papuntang Malaysia via Sipadan and Saba.
01:05Nakumpirma na lamang ang lokasyon ni Roque nang maghaina ng counter-affidavit
01:09sa Konsulado ng Pilipinas sa Abu Dhabi, United Arab Emirates noong isang taon.
01:14Sunod na siyang namataan ng ma-aresto na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Dahig sa The Netherlands
01:20kung saan meron siyang asylum application ngayon.
01:24May warrant of arrest si Roque ngayon para sa non-vailable na kasong qualified human trafficking
01:29bunsod ng niraid na scam hub na Lucky South 99 sa Porak, Pampanga.
01:35Sabi ni Remulia, pinapakansela na nila ang dalawa hanggang tatlong passports na hawak-umano ni Roque.
01:42Parehong regular passports. Di bali sana, kung official pa rin siya, meron siyang diplomatic at meron siyang regular.
01:49Ang alam namin, meron siyang dalawang regular. At least, dalawa.
01:53Same name, sir?
01:54Same name, same name. Very similar. Or maybe a difference in baka middle initial o kaya second name niya, hindi natin alam.
02:02Papahalukay namin yan. Kasi hindi dapat ginagawa yan.
02:06Sa isang pahayag, tinawag naman ni Roque na fake news ang sinasabi ng administrasyong Marcos na meron siyang multiple passports.
02:14May isa raw siyang ginagamit na regular passport dahil puno na ang nauna niyang pasaporte.
02:20Kanselano na raw ito habang ang kanyang kasalukuyang passport hawak na ng Dutch authorities bilang bahagi ng kanyang asylum process.
02:28Hini na rin daw niya ginagamit ang kanyang diplomatic passport dahil matagal na raw siyang wala sa gobyerno.
02:34Para sa GMA Integrated News, Sanima Refran, ang inyong saksi!

Recommended